TIME CONFLICT| Chapter 8

3.9K 296 30
                                    


C L A I R E

JUNE 22

NAGTUNGO ako sa auction site na binanggit ni Red. Alas-onse pa ng gabi ang auction. Alas singko-imedia naman ang oras ngayon. Ngayon pa lang ay sinimulan ko nang maglakad patungo roon dahil medyo malayo-layo pa ang pupuntahan ko.

Doon na lang ako maghihintay dahil ayokong ma-miss. Baka kung ano pang mangyari na dahilan para hindi ko maabutan ang mismong pagbili no'ng buyer sa AG stone.

Tatlong oras akong naglakad. Nang marating ko ang lugar ay umupo ako sa bench sa labas ng auction site.

Naghintay ako ng tatlong oras sa bench. Pinapanood ko lang ang mga tao sa paligid na dinadaanan lamang ako. Ang ilan naman ay tumatabi sa bench na kinauupuan ko. Minsan pa'y nago-overlap ang mga katawan namin pero hindi na ako nagrereklamo.

Naisipan kong kausapin si Red kaya't inilapit ko ang walkie-talkie sa bibig ko. "Hello?"

Walang sumagot.

"Hello?" pag-uulit ko pero wala pa ring sumagot. Naisip kong baka tulog na siya.

"Hello?" sabi sa kabilang linya. Mabilis kong inilapit pabalik ang walkie-talkie sa bibig ko. Agresibo.

"Hello, Red?"

"Oh, bakit?"

Lumunok ako ng laway. "Tutulog ka na ba?"

"I am about to."

"Ah, pasensiya na."

"For sure may sasabihin ka, ano iyon?."

"May itatanong ako."

"Sure."

"Pumunta ka ba rito ngayon? I mean, kahapon sa oras mo?"

"No. Pero nariyan ang kaibigan ko. Siya ang nakapagsabi sa akin ng tungkol sa AG stone."

"Okay. Roger that."

Pareho na naming ibiniba ang aming walki-talkie.

Dumaan ang oras at nagsimula na ang auction. Nasa may entablado lang ako at pinagmamasdan nang mabuti ang mga item na ibinebenta nila.

Minsan hindi ko maiwasang isiping nagpapauto lang ang ibang tao dahil sa kunwaring mga bidder pero kasabwat lang ng management ng auction para tumaas nang tumaaas ang bid. Alam na alam talaga nila kung saan sila magbi-bid. Kapag tingin nilang gustong-gusto ng isang bidder ang isang item, doon sila sumisingit.

Hindi ko alam kung scam ba ang tawag doon o kasama na iyon sa business technique nila para kumita.

Kumuha ng atensyon ko ang pang-18th item. Isa itong eyeglass na kayang kumonekta ng vision mula sa ibang lugar. Halimbawa, kapag nasa Japan ang isang taong gumagamit no'n at ang isa naman ay nasa Pilipinas, makikita ng bawat isa sa kanila ang vision na nakikita nila.

At alam ko kung kaninong imbensyon iyon. Kay Gilbert.

Tinawag niya iyong Eyeglass of the World. Unofficial pa ang pangalan niyang iyon. Balak niya itong ilabas sa market sa susunod na Science Convention kaya't nakakapagtakang naririto na ito.

May kumopya kaya ng ideya niya? O may kumopya ng imbensyon niya?

Habang tumatakbo ang auction, isip-isip ko pa rin kung ano ang nangyari sa imbensyon ni Gilbert at bakit ito naririto. Nasa kasagsagan ako nang pag-iisip nang marinig kong nagsalita ang host na si Ms. Venus.

Time Conflict (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon