NEVER | 1

4.3K 52 4
                                    

For the last six months after Direk convinced him to play Kean's role, Robin had undergone intensive training. Para raw magkaroon siya ng "celebrity appeal". Tapos, nag-workshop din siya, kasama ang mga co-star niya, for the three months.

And today was the last day of the workshop.

Mag-isa siyang nakahiga noon sa sahig sa practice hall. His co-stars all went outside for a short break.

God, I still can't believe this is happening, isip niya. A few days from now, sisimulan na ang shooting ng TV series na ipapalabas sa unang linggo ng Agosto. Ang weird pa rin isipin na may talent pala ako sa pag-arte? Never kasi niyang sinubukan umarte kaya hindi niya alam.

Paano kaya kapag pumatok ito? Kakayanin ko bang sumikat? He imagined himself being recognized by anyone every time he would go outside. He shuddered at that thought. Hindi niya gusto ang ganoong atensyon.

Napabuga na lang siya ng hangin.

"Lalim no'n, ha?"

Natigilan siya at tarantang napabangon upang tingnan ang bagong dumating. He immediately regretted it dahil biglang sumakit ang ulo niya.

"Hey, you're back," bati niya kay Aldous habang minamasahe ang sentido. Aldous would be playing Benjamin, Kean's best buddy and the second leading man.

Habang palapit ito sa kanya, hindi niya maiwasang hagurin ito ng tingin. Plain white shirt at itim na denim lang ang suot nito pero napakalakas ng dating. Bakas na bakas kasi ang kakisigan nito at ang ganda pa ng tindig.

When Aldous stopped in front of him, Robin had to look upward. Ang tangkad ba naman kasi nito.

Nilabas ni Aldous ang isang hamburger sa bitbit nitong plastic. "Here," sabi pa nito habang inaabot iyon.

Napamaang siya. "For me?"

Tumango ito at ngumiti.

And it took everything in Robin to force himself not to blush. Putek, ang gwapo talaga niya. Kinuha niya ang hamburger to distract himself. "Thanks." Inamoy niya ang burger at halos maglaway sila sa matapang na meaty scent niyon.

"Welcome! Paano ba iyan, bayad na ako sa utang ko ha? Last time, ikaw ang nanglibre sa akin."

"Luh? Sabi ko naman sa iyo, wag mo nang bayaran."

"But I insist. At kulang pa ito kaya ililibre pa ulit kita." Muli nitong pinakita ang napakaganda nitong ngiti.

Ngumuso siya para itago ang pamumula. Ang gwapo kasi talaga nito. Lalong sumisingkit ang natural nitong singkit na mga mata. "Sige na nga, if you insist."

It happened last week. Pagkatapos nilang mag-workshop, niyaya siya ni Aldous na kumain sa isang pasta shop. Kaso noong magbabayad na sila sa counter, noon lang nito na-realize na naiwan nito ang wallet sa kotse. Para hindi ito mapagod, nilibre na ito ni Robin.

Niyaya siya ni Aldous na maupo sa sahig para kumain sila. Noon lang niya napansin na dalawang box pala ng ready-made rice meal ang binili nito. Hindi tuloy niya maiwasang mapamulagat.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito nang mapansin ang titig niya.

Umiling siya. "Gutom na gutom?"

"Yeah. Wala pa akong kain mula kagabi. Saka magwo-workout ako mamaya. Alam mo naman, para mapanatili ang muscles ko." Tinaas nito ang mangas sa kaliwang braso saka finlex iyon.

Kamuntikan nang mapakagat ng labi si Robin. Mabuti't napigilan niya ang sarili.

"Sipag ninyong mag-workout." Napailing-iling siya. At the back of his mind, he imagined Aldous's nakedness. Broad shoulder and pecs tapos maliit na baywang. Gosh, ang sexy. Sayang, straight siya.

Better than Never [BxB | FIN✔]Where stories live. Discover now