NEVER | 5

2K 28 3
                                    

Nadatnan ni Robin na abala sa pagso-sort ng files ang mama niya sa office nito.

"Hi, Ma," bati niya rito saka hinalikan ang pisngi nito.

Napatigil naman ito sa ginawa saka hinubad ang eyeglasses. "O, nandito ka pala, Robin. Wala ka bang hangover?"

Umiling siya. "I'm surprised nga na wala. I feel more refreshed pa nga dahil siguro maghapon akong tulog."

"Ang busy mo naman kasi nitong mga nakakaraang araw kaya mainam pa iyang mahaba ang tulog mo. Kumain ka na ba?"

Umiling siya. "Dito na sana ako kakain. I miss your tuna sandwich. Kaso busy ka yata." Ngumuso pa siya.

Napangiti naman ito. "Naglalambing ka na naman. Tingin mo, matatangihan kita?"

Then, sabay silang nagtungo sa kitchen.

"Robin, naalala mo pa noong bata ka? Sabi mo, you want to be a pastry chef like me?" Maya-maya'y kwento ng mama niya habang tino-toast ang bread sa kawali.

Ngumiti siya. "Yeah. Pero ngayon, wala na akong tiyaga sa kusina." Then, he laughed. It slowly faded away as painful memories played back in his mind.

They weren't as this close two years ago. Lagi kasing abala ang mama niya sa career nito. So to catch her attention, Robin would pretend he has interest in cooking.

Napansin yata ng mama niya ang biglang pagbabago ng mood niya. Hinawakan nito ang pisngi niya sabay sabing, "Robin, do you still hate me?"

Napitlag siya saka napaiwas ng tingin. "Ma, matagal na iyon. You already apologized for your mistakes. At bumawi ka naman sa akin. We should not think about it anymore."

"I know. Kaya lang kasi, napapaisip ako minsan. Ang laki kasi ng pagkukulang ko sa iyo bilang mama mo. I thought I'm just doing it being I want to give you the best. I didn't know I'm hurting you." Nangilid ang mga luha nito.

"Ma, tama na. Let's not talk about it, okay? Past is past."

"Alam ko naman iyon. Hindi lang talaga mawala sa kunsensya ko. I almost lost you." Gumawi ang tingin nito sa pulso niya.

Bumuntonghininga siya saka tinginan ang kaliwa niyang pulsuhan. Lagi siyang may suot na wrist watch o wristband doon para itago ang peklat. Two years ago, naglaslas siya at nilubog niya sa balde ng tubig ang kamay niya para hindi iyon tumigil.

Then, when he woke up, he was in a hospital. Noon lang nalaman ng parents niya depressed siya, at maging ang pinag-ugatan niyon: matinding hinanakit sa kanila.

Because before, his parents were so neglectful and manipulative.

Muli siyang bumuntonghininga saka niyakap ang ina. "Mommy, sabi mo nga noon di ba, challenge lang ito sa atin? Nalampasan na natin. It wasn't supposed to make us bitter. But a better person."

Tumango ito. "I know. You are right. But please, Robin, if you ever feel depressed, huwag mong kakalimutang magsabi sa amin, ha? We're your parents. Pamilya tayo. We love you. Magtutulungan tayo." His mom sounded frantic, panicking even. Hinawakan pa nito ang kamay na parang nakikiusap.

Tumango naman siya. Then, at the back of his mind, he imagined himself sighing.

This... is why he would rather keep his mental health condition to himself. It was painful to see his parents worrying about him.

-

Nang matapos maghanda ang mama niya, masaya nila iyong pinagsaluhan sa kusina.

His mom's tuna sandwich is really great. Mula sa loaf bread na ito rin ang nag-bake, hanggang sa filling niyon. His mom loved to add veggies on it kaya may romaine lettuce, kamatis at puting sibuyas. Then, poached tuna at special sauce na hindi alam ni Robin kung ano ang timpla - combination of sour (mayonaise?), tangy (mustard?) and sweet (honey?) ang lasa.

Better than Never [BxB | FIN✔]Where stories live. Discover now