NEVER | 3

2.2K 37 3
                                    

There was this feeling that Aldous really hated: an episodic agitation and emptiness. He didn't know why it happened. Basta bigla-bigla na lamang siyang nawawalan ng gana. Worse, he would feel really vulnerable. Na para bang wala siyang karamay.

Sinusubukan naman niya itong ignorahin. Pero mahirap. Not when it was demanding for his sanity. He tried his best to counter it. Working out helps but not always.

Parang nang araw lang na iyon.

Dalawang oras na ang ginugol niya sa pagwo-workout pero walang epekto. The emptiness was still there. Kaya nang umuwi siya sa condo unit niya, nagdesisyon siyang huwag na munang umuwi ng Batangas. Mahirap na at baka kung ano pa ang gawin niya. Mainam pang itulog na lamang niya ito.

He called his mom to tell her about his decision. Pero katwiran niya, masyado lang siyang napagod. Well, his mother doesn't know about his condition anyway. He had no intention of telling her, too. Ayaw niyang mag-aalala ito.

"Ganoon ba? Mabuti pa nga at magpahinga ka na lang muna. You sound really tired. Baka naman masyado mong ino-overwork ang sarili mo, ha? Wag ganoon," paalala nito sa kanya. His mom has always been a worrier, kaya mahilig itong magpaalala.

"Hindi naman, Ma. I'm just busy. Alam mo naman, may new big project ako. And by the way, please explain this to Clark. Baka magtampo na naman sa akin." Clarkson is his younger brother. Fifteen years ang tanda niya rito yet they were so close. Napaka-clingy nga nito sa kanya.

His mom laughed. "Kanina pa nga tanong nang tanong kung nand'yan ka na raw. Gusto raw niyang ipakita sa iyo ang new painting niya."

"Tell him, uuwi naman ako bukas. Pagod lang talaga ako."

"Oh sige. Kumain ka na ba?"

"Yeah. Take out lang."

"Hay nako. Hindi iyan maganda. You should cook for yourself."

"Wala akong time, Ma. And uuwi naman ako bukas until Sunday. Magpapakabusog ako sa luto mo. Miss ko na mga pagkain dyan sa bahay."

"Tamang-tama iyan. Nasa mood ako magluto nitong mga nakakaraang araw."

He didn't get a chance to reply dahil humikab siya.

"Mainam pang matulog ka na," sabi ng mama niya. "Magpahinga mabuti. Good night, Chrom."

He was taken aback. It really feels weird whenever someone calls him with that name. Weird in a good way. Dahil pakiramdam niya, kilalang-kilala siya ng taong ito. It's like that person and he has a special connection that is so hard to rupture.

"Of course, Ma. Good night. Love you."

"Love you, too, anak." Binaba na nito ang tawag.

Nilapag ni Aldous ang phone niya sa night stand saka tumingin sa kisame. It was past eleven.

Papikit na siya nang biglang nag-ring muli ang kanyang phone. When he checked it, si Logan ang tumatawag.

Ano kayang kailangan nito? Sinagot niya ang tawag. "Oy, p're, bakit?"

"Nakauwi ka na ba ng Batangas?"

"Hindi pa. Hindi na muna ako umuwi. Masyado akong napagod sa workout."

"Uy, tamang-tama pala. P're, favor naman, oh? Sige na. Minsan lang naman ito."

"Ano ba iyon?"

"Pwede bang tulungan mo ako dito kay Robin?"

Natigilan siya. Wala rin sa loob na napabangon. "Ha? Bakit?"

There was a short silence. "Nalasing kasi. Hindi ko alam ang gagawin dito."

Better than Never [BxB | FIN✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon