CHAPTER ONE

20 2 0
                                    

"Im sorry, Maam pero nakailang swipe na po ako, ayaw po talaga. Mukhang may problema po ang card niyo, maam." The girl at the frontdesk said while her eyes looking at me with sorry and concern.

I sighed when I realized that mom really froze my cards. Tinotoo niya talaga ang sinabi niya.

Tiningnan ko ang maletang dala ko nang bagsak ang balikat. Yes, tama kayo, lumayas na ako sa amin. Hindi dahil hindi ko na maatim ang trato niya sa akin pero dahil ayaw kong tuluyang masira ang relasyon namin bilang mag ina. I love my mom so much, so is my dad who was always been there for me from then til now.

And isa pa, I want to prove to her that I can make her proud by simply, being me. Not her way, but my way.

And now, there's no turning back. I cant go back into that house na walang napatunayan. No way.

"Uhhh.. Okay, thankyou nalang." sabi ko pagkatapos ay tumalikod na at hinila ang maleta palabas ng hotel na iyon.

Where would I go now?

Hindi naman ako pwede dun sa bahay ng kaibigan kong si Tracey dahil nakikitira lang din siya sa Auntie niya. Taga Probinsya kasi siya kaya nasa probinsya ang nanay at tatay niya. Mukhang masungit din ang auntie niyang iyon. Matandang dalaga kasi. Pwede naman kasi akong makitulog doon ng ilang araw pero kailangan ko rin namang humanap ng iba pang matitirhan. Nakakhiya naman. Kaya nga ako umalis sa amin para may mapatunayan diba? Eh tapos makikitora ako kina Tracey? Aasa ako sa Auntie niya?

Aside from Tracey, I have one in mind. We're not that close but I would swallow my pride and forget the remaining shame in me. Bahala na.

Huminto ako sa gilid ng kalye, I extended my right arm para pumara ng taxi. Hindi naman ako ganun ka oa para maging kunwari ag hindi marunong pumara ng taxi. Tinatakasan ko kasi ang driver ko minsan nung high school pa ako, to ride a taxi pauwi. Wala lang, I just find riding a taxi so cool.

Weird but that's true.

Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses ko nang naiangat ang kamay ko at akmang pipindutin na sana ang doorbell ngunit muli rin itong ibababa.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hinga at ngumiti ng malapad. I pressed it twice.

The door of the condo unit opened. It revealed a man wearing a trunks hanging on his waist and a plain white shirt.

"H-hi...... Jules." I greeted him as I smiled shyly.

He seems surprised seeing me outside his condo unit.

He raised his brow which I find so hot. He always do that whenever he sees me. I dont know if it is a good thing or not but his brows isnt the main thing here.

Bumaba ang paningin nito sa hawak kong maleta. "What are you doing here?" he asked. As usual, malamig ang tono ng boses nito pero nasasanay na rin ako kaya nagiging normal na lang iyon sa akin.

"Uhhhhhh... I-I left home."

"You didn't answer my question. What are you doing here?" He said.

"Mmmmm..." I know this would be too embarrassing but I have to remind myself na super kailangan ko ito. This is my last resort to make my mom proud. Yes that's it! "Makikitira sana ako dito."

He let out a sarcastic laugh. "Dont worry, I'll pay you naman. Or hati nalang tayo sa bayad nitong condo every month ba yun?" Para akong isang batang desperada para lang sa isang lollipop o kendi. I sounded so desperate and pathetic even to my own ears. But I have to remind myself, what's it again?

"Ano bang tingin mo sa condo ko, isang apartment o boarding house na pwede mong i approach all the time at magtatanong kung may available pa bang rooms? Ibang klase ka rin eh no?" He said, still projecting a sarcastic aura.

"Please. Please. Jules. Wala na talaga kasi akong ibang mapuntahan eh. I left home para patunayan sa mommy ko na hindi ako disappointment at balang araw mapapa proud ko rin siya." Now even more desperate.

"No."

"Please naman Jules, oh! Kahit ilang araw lang. Maawa ka naman."

"No."

"Parang awa mo na, Jules. Ikaw lang talaga ang malalapitan ko ngayon. Please naman." I feel like crying. Mukhang kaonting push na lang ay iiyak na talaga ako. Hindi ako iyakin at bihira lamang umiyak pero mukhang isa ito sa mga bihirang pagkakataon na yun.

"Still a no! Just go back to your house, okay?" He said as he was about to shut the door.

But before he could fully close the door, naiyak na ako. Bumagsak ako at napaluhod sa sahig.

"Kapag babalik ako sa amin, mas lalo lang akong sasabihan ni mommy na disappointment. Kapag babalik ako ng walang napapala sa amin, ipamumukha niya lang ulit sa akin na ang tanga kong tao! Mapapahiya lang ulit ako sa kanya!" I said between the sobs. "Please Jules. Tulungan mo ako. I cant go back! Please. Please."

I felt his hand in my arm. "Hey. Wag ka nga mag eskandalo dito. Ba'ka isipin ng mga tao na inaano kita." Sinubukan niya akong patayuin, nagtagumpay naman ito. Im aware na may mga tao na ring nanunuod sa amin kasi may mga nararamdaman na akong nagbubulong bulongan sa gilid but I dont care. Bahala sila kung isipin nilang baliw ako o kung ano.

"Fine! Fine! Payag na ako! Just shut up!" As I heard that, napangiti agad ako ng malapad. Hindi ko napigilan, sa sobrang saya napayakap ako sa kanya. I wrapped my arms around his neck and felt his warmth. Im just so happy and thankful na pumayag siya when he has all the reasons to say no.

"Thankyou Jules! Thankyou so much!" I said.

He tapped my shoulders twice and that's how I realized na medyo matagal na pala akong nakayakap sa kanya. I smiled secretly.

"Just shut up." anito pagkatapos ay tunalikod na at pumasok sa loob ng condo.

I smirked as I held my maleta sa loob ng condo niya. It was a nice and cozy unit. Halatang lalake ang nakatira rito dahil sa mga dingding nitong kulay puti na may linyang kulay itim rin. Kulay itim rin ang L- shaped nitong sofa na kaharap ang tv na nakadikit sa dingding, ito ang sasalubong sayo pagkapasok mo sa loob.

Sa unahan nito ay may 6 seaters na dining table. may countertop rin na siyang naghihiwalay sa dining area at sa kitchen.

Nilagay ko ang maleta ko sa gilid ng sofa. I smirked habnag sinuyod ng tingin ang unit abot sa kaya ng aking paningin. Pero nawala agad ang smirk na iyon nang may naalala.

"Uhhh Jules? Can I borrow some cash? I dont have any with me, eh. Pinaghintay ko pa pala ang taxi sa baba." He looked at me with both amusement and disbelief in his eyes.

"Seriously?"

"Iniwan ko kasi ang passport ko sa driver kasi hindi siya naniwala na babalikan ko siya. Dont worry, I'll pay you naman." dagdag ko pa.

I know, nakakahiya.

He mocked a sarcastic laugh at kinuha ang wallet niyang nakapatong sa coffee table na nasa sofa. Kumuha siya ng isang libo.

"I cant believe you, Alona." He whispered as he handed me that one thousand, take note, crispy bill.

"Thanks." I said, shyly.

Back to youWhere stories live. Discover now