CHAPTER ELEVEN

8 1 1
                                    

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang kong tatlo nakatago na kayo... Isaaaaaa!!!"

"Ay Ysa!"

"Huy! Anong nangyari sayo? Bigla bigla ka nalang magugulat diyan. Nagkukuwento ako dito eh." ani Tracey na kumakagat sa kanyang burger.

I spaced out pala habang nagsasalita siya. Paano ba naman kasi, si Jules, pinangatawanan na talaga ang pagtawag niya ng Ysa sa akin.

From: Hulyo :<

Ysa, pupunta ako sa site today. May ichecheck lang ako dun. Susunduin nalang kita kapag gusto mo nang umuwi. Mamaya pa ako makakauwi.

Iyan yung text niya sa akin kani-kanina lang.

Ysa..... Ysa.... Ysa....

Oo nga, gets ko! Ysa. Ysabel. Pangalan ko nga naman iyon pero hindi talaga ako komportable na tawaging ganun. At si Jules pa? Or hindi lang ako sanay na may sariling tawag si Jules sa akin?

Cervantes ha! Konting konti ka nalang sakin! Nililito mo na naman ako!

"Huy! Ano ba!" Oo nga pala, nagsasalita nga pala si Tracey dito sa gilid ko. Natulala na naman ako.

"Dami mo iniisip. Okay ka lang?"

Tumango ako. "Im okay."

"Hulaan ko.... Si Jules no?"

I stared at her. How did she know? Is it that obvious?

"Kasi..... Ewan ko, nalilito ako eh. Minsan hindi ko na siya maintindihan. Minsan ang sungit niya sakin na para bang lahat ng nangyayari sa mundo, kasalanan ko. Pero minsan, ang caring din niya. Inaalagaan niya ako higit pa sa dapat o kahit hindi na dapat." I sighed. There's no point in lying anyway. Bestfriend ko naman siya eh, I can tell her everything.

"Atsaka... He told me to stop na as in he's so serious this time pero ngayon, ang sweet niya sakin. Ang caring niya. Hindi ko na alam. Umaasa na naman ako dahil sa mga actions niya." There, I told her.

Hindi ako manhid at hindi rin ako hipokrita. Napapansin ko naman iyong mga pasimpleng actions niya eh. Yung mga sweet gestures niya, napapansin ko iyon lahat! Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit niya iyon gjnagawa sakin? Im just a nobody to him. It went that way for how many years now, how could it change now?

"Hay salamat naman at na-realize mo rin iyon! Alam mo Aly, noon ko pa naman napapansin na mukhang may gusto iyan sayo iyang crush mo eh!" aniya.

Awtomatiko akong napabaling ng tingin sa kanya habang siya nama'y prente lang na kumakagat sa burger niya. How could she say that so cool when Im majorly panicking here! She knew? I mean, she noticed that he do? Bakit ako, hindi ko napansin?

"Talaga?! Paano mo nasabi?" I held her wrist. Look, I know this sounded so desperate but I dont care anymore!

"Teka nga! Teka nga!" aniya habang kinakalas ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kanya. "Bakit ko iyon nasabi? Isipin mo, Bakit ba kasi siya inis na inis sayo na makita niya pa lang ang mukha mo, kumukulo na ang dugo niya? Ano sa tingin mo ang rason doon? Na nagsimula lang naman iyon nung nag confess ka sakanya. Nung hindi pa, wala naman siyang pakialam sayo diba?" paliwanag niya.

Parang nabitin sa ere ang excitement ko. She has a point but malabo iyon. Kung gusto niya ako, bakit niya ako sinusungitan? Bakit niya ako tinataboy? Baka nakukulitan lang si Jules sakin at mali ang pagkaka-interpret ni Tracey doon.

"Naa-annoy siya. Yun iyon, Trace. And not because he likes me or what. I like him Trace, sobra. Pero ang labo naman nun. Na gusto niya ako pero sinusungitan niya ako? Tinataboy?"

Back to youWhere stories live. Discover now