CHAPTER EIGHT

9 1 0
                                    

A familiar Nissan Terra parked in front of me. Napaubo ako sa dulot nitong alikabok nang huminto ang sasakyan ni Jules sa harapan ko.

He opened the shotgun for me. He then examined my whole body. Nakatayo na ako ngayon. Nakaramdam ako ng hiya ng ginawa niya iyon.

Well you know, I dont put much effort when it comes to the figure of my body. I dont do exercises or go to the gym. Kapag napapansin kong tumataba na ako, I diet. Yun lang.

Kaya nung tiningnan nito ang buong katawan ko, parang gusto kong tumakbo ng ilang metro at pumunta sa gym para mag workout!

"Pasok." He commanded when he looked away. He's now looking at the road.

Nakaramdam ako ng excitement nang humakbang ako para makapanhik na sa loob ng sasakyan niya. Nung unang pagkakataon kong makasakay sa sasakyan niya, sa likod niya ako pinasakay. Then ngayon, sa passenger seat na?

Improving!

Kumalabog ang sasakyan dulot ng pagsara ko sa shotgun. Agad niya namang pinaandar at pinatakbo ang sasakyan pagkatapos na pagkatapos kong maisara ito.

Ang bilis niya na namang magpatakbo. Does he really drive this fast? Kung oo, natatakot na ako kapag nagdadrive siyang mag isa.  I'll worry.

Hindi siya nagsalita. At nao-awkwardan na ako sa senaryong ito. Kaya inabot ko na lang ang strap ng heels ko at tinanggal iyon para maibsan ang awkwardness. Kanina pa kasi talaga sumasakit ang paa ko eh. From my ankle, my toes, and everything, masakit. Kahit ulo ko, medyo masakit.

Itinabi ko ang nahubad ko nang heels at itinungtong sa sahig ng sasakyan ang paa ko.

Hah! It feels so good.

Napa "aaah" ako sa comfort na dulot ng pagkatanggal ng heels ko.

I looked at Jules only to find out that he's looking at me. But he looked away though.

Isinandal ko ang ulo ko sa backrest at ipinikit ang mata ko. My ahhh was awkward. I said  at the back of my mind.

Niliko niya ang sasakyan papasok sa basement ng condo niya. He parked it to where he usually park his car. Nang mahinto ang sasakyan, agad naman itong lumabas. Hindi ko na lang pinansin ang gesture niyang iyon. Nasasanay na rin siguro ako na suplado at bastos itong lalakeng gusto ko kaya hinagilap ko na lang ang mga gamit ko at pinulot ang heels na nasa sahig ng kanyang Nissan Terra.

Just when I was about to open the shotgun, someone opened it for me.

And would you believe if I would say that it's Jules?

I was stunned for a moment. I thought umakyat na siya sa unit niya, leaving me behind. Hinagilap niya ang handbag na hawak ko at ang heels na bitbit ko.  Wait ano?

"Next time, wag kana magsusu-suot nang ganito kung maghihirap ka rin lang naman pala. At pwede ba? wag kang uupo sa gilid ng kalsada nang ganyan kaikli ang suot?!" He put emphasis and stress on the last sentence that he said. Para bang inis na inis siya sa nasaksihan.

I pouted. Trying to suppress a forming smile. Why does he always make me want to smile at times that he's in a bad mood? Diba dapat ay seryoso ako kapag ganun siya? Para di na siya mas ma buwisit. Why do I feel happy if he's like this? Siguro dahil kahit na naiinis ang tono at pagkakasabi niya, ay alam kong may care iyon? I dont know, really. Sana nga ganun. Sana nga nagki-care si Jules sakin?

Nakaupo pa rin ako sa passenger seat ngunit nakaharap sa kay Jules. Napakalaki ng bukas ng shotgun kaya kitang kita ko si Jules from head to foot. He's wearing his usual style. White shirt, Maong Pants, at Sneakers.

Back to youWhere stories live. Discover now