Prologue.

51 3 0
                                    

"Hi Miss Han." a voice called kaya napalingon ako sa tumawag sakin.










Ngumiti ako nang makilala ang ilang pamilyar na mukha mula ng enrollment pa.






"Natatandaan niyo ako?" I smiled with that amused expression written in my face.










Nakilala ko ang dalawang freshman student na in-assist ko nung enrollment.










"Oo naman po." they smiled back at me.







"Welcome sa school ha? Pagbutihin niyo ang pag aaral." i said at nagpaalam na sa kanila.












Nakakatuwang makita sila at malaman na nakapasa sila sa exam nun dito para makapag aral dito. Naalala ko bigla nung ako palang ay katulad din nila, at sobrang pressured nun sa unang mga tapak ko dito sa unibersidad na to.


















Well hi? Isa akong third year college student taking up Creative Writing Degree sa University namin which is called The Univer-City dahil ito lang yung university dito sa amin. Maliban sa puro mayayaman ang mga estudyante dito ay matatalino kasi at high classed lahat ng mga tao dito; especially ng pamilya nila.















Siyempre, hindi ako kasama doon.













Malaking misteryo ba na nakapasok ang isang dukhang tulad ko sa tanyag na unibersidad na ito? Siyempre, hindi. Kaya hayaan niyong ipaliwanag ko ang kabuuang dahilan kung bakit ako nandito.











Ako si Jamie Han, galing ako sa isang bahay-ampunan na nasa siyudad ding ito. Nakatira ako sa munti at murang apartment na may isang kilometrong layo mula lang dito sa unibersidad.












Nung high school ako at nag aaral pa lang ako sa isang public high school, sinabi ng isang kaibigan ko, na galing din sa ampunan na may handog daw na scholarship ang alkalde ng siyudad na to para sa mga kapus-palad na tulad ko. Siyempre kahit medyo high-rated ang siyudad namin kumpara sa iba, may mga dukha pa ding tulad ko na nakatira dito.







At oo, hindi ako nag aral ng elementary at high school sa univer-city dahil nga pang mayaman lang to.









Balik tayo sa scholarship ni mayor. Sa punto din kasi na yun ay malapit na ang mayoral election kaya ayun, siyempre nagpapalakas sila sa tao. Pero may kondisyon pa din siyempre ang scholarship. Maliban sa class A na grades nun sa high school, kailangan din na may maganda at mabuti kaming background tungkol sa behavioral subjects namin at inalam din nila ang tungkol sa buhay namin. Yung pamilya namin, kung ano ang trabaho ng parents namin, at kung magkano ang income monthly.













At dahil sa bagay na wala akong magulang simula pa lang bata ako, at sinusuportahan lang ako ng kaonti ng mga nakagisnan kong magulang sa ampunan nun which is ang mga madre ng simbahan ay unang una akong nakapasok sa listahan ng prioritized students nun sa scholarship.













Ang saya diba?













Pero siyempre, hindi ganun yun kadali.
















Kalakip na ng pagiging high-class ng mga karamihan ng mga estudyante dito ang pagiging arogante, antipatiko, masusungit, walang galang at mga bastos. Oo, basta mga nakakairitang ugali.












OVERPLAY : Ordinary VersionWhere stories live. Discover now