02.

7 0 0
                                    

"Class Dismissed. Good morning." our English 103 teacher dismissed as our second subject for the morning session. Isang subject nalang at lunch na later. Hindi naman sa nagugutom ako, pero diko pa kasi nakikita sila Belle at Louisa.









"Babe, yung title proposal mo pala for Thesis Writing mo is na kay Mrs. Zhuang ha? Kinuha niya kasi kanina sakin eh kasi iaapproved na daw niya." i heard Jordan habang kapareho kaming nagliligpit ng gamit namin.







"Teka, ang aga naman yata? Kahapon ko lang ginawa yung justification nun ah." takang taka kong sabi habang hinaharap ko siya.










Tumayo muna ito sa upuan niya at hinarap ako, "Interesado kasi yun lagi sa mga bagong estudyante. Hindi sa tinatakot kita ha, pero pakiramdam ko ikaw una niyang uutusang magdefense nung title mo."









Bahagya naman akong kinabahan pero ngumiti lang ako, "Ano bang ineexpect ko sa section na to diba? Siyempre mataas lagi expectations nila."






Tumawa ng mahina si Jordan at umalis na din kami sa room at dumiretso sa kabilang room.











At kung minamalas ka ba naman ay may kung sinong mababangga ka pa sa pinto.















Dahil sa biglaan iyon at may dalang mabibigat na libro iyong nabangga ko, ay mistulang naipaligo sakin yung dami nun.













Natumba ako at pati si Jordan ay nasagi ko kaya napaupo din ito sa sahig.












Pinagtinginan tuloy kami ng mga kaklase namin at yung nasa hallway.










"Hala sorry Miss Han. Miss Sy, pasensiya na talaga." wika nung nabangga ko at una niya akong tinulungang bumangon.





"O-okay lang. Bakit ba kasi ang dami ng dala mong libro." wika ni Jordan samantalang ako ay tumulong ako sa pagpulot ng libro na nagkalat sa sahig.









"Ang sabihin niyo lampa lang talaga kayo." one voice was heard. Napatingala kami sa nagsalita.










Pati itong nakabangga sakin ay napatingin rito.










Sino pa ba ang maldita sa classroom na aapela ng ganun? Si Kelly lang.









Patayo na si Jordan nun para sugurin si Kelly pero nahawakan ko siya sa braso niya kaya napatigil siya.
















Napansin kong nagmadali naman tong kaklase namin na nabangga ko sa pagpulot sa mga libro at umalis na doon dahil mukhang natakot siya sa awra ni Kelly.








Dinaanan lang namin si Kelly pero nagsalita ito ulit, "Talaga naman. Kunwari matapang?"










Narinig ko pa ang ilang tawa na galing sa iba naming kaklase.







"Ano ba, Kelly? Tama na yan. Nagsisimula ka na naman eh." we heard someone. Nilingon ko iyon at nakita ko si Amanda na hinihila si Kelly.









"Alam mo namang ayoko sa lahat yung maaangas diba? Kabago bago palang sa teritoryo ko, umeepal na." sumbat pa ni Kelly.








Dun ko na nabitawan si Jordan at hindi napigilan, "Namumuro ka nang babae ka ha! Ano gusto mo gulo?!"





"Sssh. Tama na, Jordan." hinila ko nalang siya palayo.








OVERPLAY : Ordinary VersionWhere stories live. Discover now