04.

2 0 0
                                    

Pumasok ako kinaumagahan. Mga 10 minutes yun before 8am kaya marami na akong mga kaklase ang nasa loob ng classroom.








Maaga naman talaga sana ako eh. Kaso ayun, naglalakad kasi ako papunta dito sa school. Nakakapagod din kasi may kaonting kalayuan pero nagtitipid lang talaga ako.








At sakto pagpasok ko ng room, naabutan kong wala pa si Jordan. Teka, nasaan iyon?











Maaga kasi yun lagi eh.













Inilibot libot ko ang tingin sa room namin pero wala talaga siya. Pero ibang tao ang nakita ko.




















Si Simon na naman. Nakasandal ito sa may wall malapit sa white board at straight faced lang ito kaya nag iwas ako ng tingin.













Eh bakit ba yun nakatingin sakin? Ako lang naman tong nandito sa dulo paanon hindi ako ang tinitingnan niya if ever?










Oo baka tulala lang ito.















Dahil na din sa pagtataka ko ay muli ko siyang nilingon sa kinaroroonan niya at nakatingin pa din siya sa direksiyon ko.















Ang masama pa diyan, nakangisi na ito.


















Patay kang bata ka.
















Dahil na din sa ayoko nang maulit yung parang kahapon, hindi na ako muling nangahas na lingunin siya.

















Pero, hindi na pala kailangan.












Kasi lumapit siya sakin.













"Jamie Han." i heard his voice kaya ay napapikit ako ng aking mga mata dahil sa inis bago ko siya tiningnan ulit saka na tumingin sa kawalan.














"Ano na naman ba?" kalmado kong sabi kahit naiinis ako.






"Relax ka lang. High blood ka na naman eh." natawa pa ito.








"Paanong di ako mahahighblood ikaw na naman nakita ko." i murmured.






"Narinig ko yun." he said kaya tiningnan ko siya at nakita ko ang ngiti niya.







Saka na ulit ako nag iwas ng tingin sa kaniya.







"Alam mo ba na lumalaki ang chance na tatandang dalaga ang isang babae kung lagi siyang highblood?" i heard him kaya nilingon ko siya ulit.









"Dun ka na nga. Wala akong pakialam kung tumanda akong dalaga. So what." napairap na ako nang tuluyan pero may napansin ako na isang bagay.











May nakita akong pasa malapit sa lips niya.









Wala pa yun kahapon ah.










Kaya muli ko siyang nilingon, "Anong nangyari sayo?"








Tinaasan ako ng kilay na tila tinatanong kung bakit ko natanong yun sa kaniya.








OVERPLAY : Ordinary VersionWhere stories live. Discover now