1

1.2K 36 0
                                    

Maaga akong gumising at hindi ko na hinintay pa ang katulong namin na katukin ang kuwarto ko.

Maaga ko kasing susunduin si Crizza sa bahay nila dahil may usapan kami na bago kami pumasok sa kanya-kanya naming klase ay tatambay muna kami sa ilalim ng puno malapit sa Marketing Bldg. ng eskwelahan namin. Katulad lang ng madalas na ginagawa namin ni Riz. Yeah. Si Riz. Lihim akong nakonsensya. Iiyak na naman 'yon. Malamang iiyak! Mag-isa na naman siya, e. Katulad ng dati.

Nasasaktan ako pero pinili ko naman ang ganitong set-up. Nakipaghiwalay ako. Ako ang nanakit ng damdamin ng iba pero ako rin 'tong nasasaktan. Haha. Panindigan mo 'to, Clyde. Tanga ka!

Pababa na ako sa hagdan ng makasalubong ko ang bunso kong kapatid. Sabado ngayon at wala siyang pasok ngayong araw dahil elementary student pa lang naman siya.

"Kuya," Huminto ako.

"Kailan tayo pupunta kay Ate Riz? Kasi miss ko na siya, e. Lalo na 'yong mga kwento niya tungkol sa iyo at sa kaniya. Hehe. 'Yong love story niyo po, kuya." Ngumiti siya sa akin at nagpa-cute para mapapayag niya ako.

Nasa 4th Grade na siya kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gustong-gusto niya ang mga fairytales na napapanood niya sa TVs at nababasa niya sa mga librong ibinibili ni Mama para sa kaniya.

"Kuya?" Tawag nuya ulit sa akin na nagpabalik sa akin sa ulirat. Paano ko ba sasabihin 'to?

"Rhea, makinig ka sa sasabihin ni Kuya, a?" Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Hindi na tayo makakapunta kay Ate Riz mo kahit kailan. Wala na kasi kami, e." Nagtatanong ang mga mata niya at alam kong nasaktan siya sa narinig niya.

Masasabi kong mas malapit pa si Riz sa kapatid ko kaysa sa akin na kuya niya. Alam ko 'yon dahil si Riz ang palagi niyang itinatanong sa akin.

"Bakit, K-kuya?" Paiyak na siya at hindi ko alam ang gagawin.

"Shhh! Huwag kang umiyak, Rhea. Big girl ka na, 'di ba? At ang mga big girl na katulad mo ay hindi na dapat umiiyak." Ngumiti ako at inuto-uto siya pero wala! Umiyak pa rin siya. Nasaktan siya sa nalaman niya.

Nasasaktan din naman ako pero ginusto ko 'to! Hindi ko rin alam.

Tumakbo si Rhea papunta sa kuwarto niya. Hindi na ako nag-abalang sundan pa siya para patahanin dahil may Crizza na naghihintay pa sa akin.

"Good Morning, Ma, Pa." Bati ko sa kanila at humalik sa pisngi ni Mama.

"Bakit umiiyak si Rhea? Ang aga pa pero pinaiyak mo na agad ang kapatid mo? Hindi mo man lang pinatahan." Inirapan ako ni Mama. Ganyan ang palagi niyang ginagawa kapag naiinis siya.

"Ma, susunduin ko pa si Crizza." Walang ganang sagot ko at kumuha na ng pagkain. Isinalin ko ang kanin sa plato ko saka nagtanong si Mama.

"Ano? Nasaan si Riz? Wala na ba kayo? Bakit?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama sa akin. Sabagay, lahat sila ay malapit kay Riz. Ako lang naman 'tong nagbago. Wala rin naman akong magagawa. Naguguluhan na ako.

"Magpaliwanag ka." Tumingin ako kay Papa na ibinaba na ang diyaryong hawak-hawak niya. Naintriga na sa pinag-uusapan namin ni Mama.

"Nakipaghiwalay na ako sa kaniya. Hindi ko na siya mahal, e. Basta may minamahal na akong iba at hindi siya 'yon." Sabi ko sabay subo ng pagkain.

Tumayo si Mama at saka lumapit sa akin. Sinampal niya ako ng malakas. Sapat na para sabihing hibang ako dahil iniwan ko si Riz. Hindi na ako nagulat. Lahat sila ay kampi kay Riz. Alam nilang lahat ang istorya ng buhay ni Riz. At kahit saang banda mo tingnan. Ako ang mali. Iniwan ko suya. Iniwanan ko siya.

Tumayo ako. Tiningnan ko rin si Mama. Nagsukatan kami ng tingin. Sige, ako na 'tong walang galang.

Umalis ako at dumiretso sa pinto. Ayokong magtagal sa bahay na puro na lang si Riz ang usapan. Kung hindi nila matanggap, edi huwag! Hindi ko naman sila pinipilit dahil may kaniya-kaniya naman kaming buhay. Buhay ko 'to kaya desisyon ko ang masusunod at hindi ang desisyon nila.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa aking bulsa saka humarurot paalis sa bahay namin. Malapit lang naman ang bahay ni Crizza sa min dahil nasa iisang village lang naman kami.

Nag-door bell ako sa bahay nila at saktong lumabas naman siya agad.

"Hi, babe!" Humalik siya sa labi ko. Wala akong naramdamang kakaiba. 'Di tulad ng halik ni—Oo. Halik ni Riz.

"Shall we?" Nilahad ko ang kamay ko at agad niya rin naman itong kinuha.

Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse katulad ng isang gentleman na lalaki. Pagkaupo niya ay tumakbo naman ako papunta sa driving sit.

"Kumain ka na ba, babe?" Tanong sa akin ni Crizza.

"Hindi pa, babe." Pag-amin ko. Nawalan ako ng gana kanina. Remember?

"Kain muna tayo, a? Kasi nagugutom na ako, e. Hindi kasi ako nakakain. Hihi." Ngumiti ako sa kanya at nagtanong kung saan niya gustong kumain. Ang sabi niya ay bahala na raw ako.

"Drive thru na lang tayo. Sa school na tayo kumain." Suhestiyon ko.

"Sige." Sabi niya habang naglalagay ng mga kolorete sa kaniyang mukha.

"Maganda ka naman kahit wala ang mga iyan sa mukha mo. Mas simple, mas maganda." Parang si Riz. Si Riz na naman.

"Parang 'yong ex mo?" Tiningnan niya ako ng masama.

"Hindi. Hindi ganoon, babe. Kasi—"

"Alam mo, huwag ka ng magpaliwanag. Huwag ka na ring um-order. Dumiretso na tayo sa school. Nawalan na ako ng gana." Sinunod ko ang sinabi niya. Dumiretso na kami sa school at hindi na rin natuloy ang usapan namin na tumambay sa ilalim ng puno.

'Di ko alam pero bakit puro alaala ni Riz ang lahat ng nasa utak ko. Naiinis ako. Hindi dapat ganito. May bago na akong girlfriend at itinapon ko na ang lahat ng mayroon kami dati. Kailangan ba talagang magdusa ako dahil sa mga ginawa ko sa kaniya? Hindi ba puwedeng lahat kami ay makalimot na agad?

Simula | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon