3

997 30 0
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng mangyari ang 'di namin pagkakaunawaan ni Crizza. Kami pa rin hanggang ngayon. Hindi siya nakipaghiwalay sa'kin. Basta pinatawad niya na ako kahit pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang pagkakamali kong 'yon sa buong eskwelahan.

Kahit sa mga professor namin ay hindi nakaligtas ang issue na 'yon. Nahihiya na rin ako kay Riz dahil nadamay siya ng hindi ko naman ginusto. Nadawit siya sa kasalanang ako naman ang gumawa. Nagkamali na naman ako.

Kakatapos lang din ng Final Examination namin last week. Wala kaming problema. Kahit ang thesis ay naipasa naming lahat pero si Riz at Richard pa rin ang nangunguna. Pumapangalawa naman kami ni Raymond.

Professor namin ang namili kung sino ang magiging ka-grupo namin. Kung ako ang papipiliin, sa mga kaibigan ko ako sasama o kaya kay Riz. Wala naman kaming magawa kahit magreklamo kami. Basta ang mahalaga, lahat kami ay makakatanggap ng diploma next week.

Puro practice lang din ng graduation ang ginagawa namin ngayon. Ang gusto kasi ng Dean ng eskwelahan namin ay maging maayos ang graduation para 'di mapahiya ang pangalan ng eskwelahan.

Gusto niya ay perpekto ang mangyayari sa lahat. Kahit may konting pagkakamali ay pinapaulit niya sa simula. Masyado siyang mahigpit sa amin na ikinaganda rin naman ng lahat dahil marami sa amin ang naging disiplinado talaga.

"Okay! Break time muna dahil kailangan niyo 'yon. Be back at 1:00 in the afternoon." Pagkarinig na pagkarinig namin no'n ay nagtayuan na ang lahat.

May isang oras ako para magpahinga at kumain pero parang wala akong gana. Hindi ko kasama si Crizza ngayon dahil nandoon siya sa mga kaklase niya. Pati na rin ang tropa ko. Iniwasan na nila ako pagkatapos naming mag-usap usap noong nakaraan. Kaya ayon, mag-isa lang ako ngayon.

Napagdesisyonan kong maglakad-lakad hanggang nakita ko si Riz na may bitbit na gitara. Lihim ko siyang sinundan at nagpunta siya sa puno ng acacia. Umupo at tumingala muna.

Tinitingnan ko lang siya mula sa malayo. Katulad noong hindi pa kami magkakilala. Palagi ko siyang sinusundan ng palihim. Kaya nalaman kong mag-isa na lang siya sa buhay.

Naaalala ko pa noong una kaming nagkausap. Nasapok niya pa ako sa mukha!

Hinanap ng mata ko ang babaeng sinusundan ko, si Riz. Ang alam ko ay lumiko lang siya pakanan pero hindi ko na siya nakita. Akma na sana akong tatalikod pero nakita ko siya pagharap ko sa likod. At bigla na lang niya akong sinuntok sa mukha.

"Sino ka ba?! Pinagbigyan kitang sundan ako ng isang buong linggo pero tama na 'yon!" Sinuntok niya ulit ako. Susuntok sana siya ulit pero sinangga ko na. Masakit siya manuntok. Sobra!

"Kaklase mo ako. Teka lang!" Tumayo ako at nagpaliwanag sa kaniya.

Nagkausap kami tungkol sa mga bagay-bagay at simula noon ay naging magkaibigan na kami.

Hindi ko akalaing masasaktan ko siya...

'Di ko namalayang naglalaro na lang pala tayo.

Akala ko'y ipaglalaban, ako lang rin pala ang matatalo.

Bumalik ako sa ulirat noong narinig kong kumakanta na siya.

Di na ba sapat?
Di ba ako sapat?

Mananatili bang langit lupa ang pagitan nating dalawa?

Wala na ba akong pag-asa?

Na muli kang mahagkan balang araw at buwan,

Kahit na isang saglit man lamang.

Mananatili bang langit at lupa?

Yumuko siya at tumigil sa paggigitara.

"Babe!" Nakita ko si Crizza na papalapit sa akin kaya sinalubong ko na siya. Baka makita niyang tumitingin na naman ako kay Riz at mag-away na naman kami.

"Sino ba 'yong tinitingnan mo roon?" Hinila ko na agad siya palayo.

"Wala 'yon, Babe! Tara kain tayo! Hindi ka pa nakain, 'di ba? Samahan mo ako." Nagkibit balikat na lang siya at kumapit na sa braso.

"Ay! Wait lang pala, babe. May kukunin lang ako sa locker ko." Paalam niya sa akin.

"Pahiram ng cellphone! Palaro ng PUB-G." Ngumiti ako ng malaki para payagan niya. Nasira cellphone ko at hindi pa ako nakakabili ng bago.

"Ano ba, Babe! May cellphone ka naman, e!" Inis niyang sabi sa akin. Cellphone lang, e.

"Sira nga, 'di ba? Siguro may nililihim ka, no? Hahaha." Tinutukso-tukso ko siya pero inilapag na lang niya sa lamesa ang cellphone niya at umalis na agad na parang nagmamadali.

Binuksan ko ang cellphone niya. Wala namang kakaiba. Ganoon pa rin naman ang lockscreen at wallpaper. Maglalaro na sana ako pero nakita kong may notification galing sa messenger niya.

Pinindot ko ito. May unread messeges siya galing kay Jay Sarante. Sino naman 'to?

Ako nga ang ama ng ipinagbubuntis mo. Huwag mong idamay si Clyde rito, Crizza.

Pakawalan mo na si Clyde. Maawa ka sa kaniya. Maawa ka rin kay Riz!

Kapag hindi mo sinabi sa kaniya, ako na mismo ang magsasabi sa araw ng graduation na'tin.

Ano ba, Crizza? Huwag kang bulag!

Pananagutan kita. Hindi naman kita lolokohin at iiwanan.

Aakuin ko ang bata.

Crizza.

Wow! All this time niloloko lang ako ni Crizza? At nagpaloko naman ako sa kaniya sa loob ng tatlong buwan na dapat ay magkasama kami ni Riz at masaya. Hah! Nagbulag-bulagan ako para sa pekeng pag-ibig na 'to? Ang galing. Putangina!

Nakita kong pabalik na si Crizza kaya tumayo ako at hinila siya palabas ng Cafeteria.

"Ano ba, Babe! Nasasaktan ako!" Nagpupumiglas siya.

"Huwag na huwag mo na akong tatawaging Babe! Wala kang karapatan! Sinira mo ang relasyon namin ni Riz. Nasaktan ko siya dahil sa putanginang mga sinabi mo na ako ang ama ng dinadala mo?!" Itinuro ko siya dahilan para mapapikit siya. Hinawakan niya ako sa braso pero itinabig ko ang kamay niya.

"Mahal kita, Clyde. Kaya nag set-up ako ng inuman kasama ang mga kakilala ko dati pati na rin ang mga tropa mo! Pinilit ko sila Mark na isama ka. Hindi nila alam ang plano ko. Wala silang kasalanann Ako 'tong nagpumilit! Patawarin mo ako, Clyde." Umiyak siya nang umiyak sa harapan ko. Hindi ko siya magawang aluhin dahil si Riz ang iniisip ko.

"Hindi pagmamahal ang tawag doon, Crizza. Hindi! Selfish ka! Sarili mo lang ang iniintindi mo. Hindi mo alam kung may masasaktan ka ba o wala. At ano?! 'Yung Jay Sarante ang ama ng dinadala mo?! Crizza, nangako siyang hindi ka niya iiwan pero dinamay mo ako? Dinamay mo ako na may masayang relasyon? Kaya nga nakipaghiwalay ako kay Riz dahil ang akala ko ay ako ang may gawa niyan dahil 'yon ang sabi mo sa akin. Anong klaseng tao ka?!"

"Clyde—"

"Huwag ka munang magpakita sa akin. Umalis ka muna. Baka masaktan pa kita."

Umalis si Crizza at naiwan akong mag-isa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ganito? Bakit binigyan ako ng problemang hindi ko naman kayang tapusin? Bakit ganito, Lord? Hindi kita maintindihan.

Simula | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon