Chapter 7 Reunion

147 9 2
                                    

CHAPTER 7

REUNION

Ang hangin naman ng lalaking un. Akala mo kung sino. Nagpakilala pa sakin, eh hindi ko naman tinatanong kung sino siya.

Palabas na ko ng hospital at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin macontact si kuya Kevin. Kanina pa busy ung phone niya. Bakit naman kaya??

Saktong paglabas ko ng hospital ay biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ais!" sigaw niya sabay takbo papalapit sakin.

"Kuya!" at tumakbo na rin ako papalapit sa kanya

Hindi ko na napigilan. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at napaiyak na ko.

'Kuya! buti na lang dumating ka. Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi ka sumasagot?? Asan ka ba kasi." humihikbi kong sermon kay kuya Kevin

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni kuya sakin.

"Ok na Ais. Andito na si kuya. Okay? Tumahan ka na. Tignan mo oh, nahihirapan ka ng huminga" 

Pilit niya kong pinapatahan sa pag iyak ko.

Kumalas na ko sa pagkakayakap ko kay kuya.

"Paano mo nalaman na andito ako?" tanong ko sa kanya

"Di ba sabi ko susunduin kita? Ang tagal mo tumawag eh. Nag alala na ko. Kaya pinuntahan na kita kela Rain. SInabi nung yaya ni Rain ung mga nangyari sa inyo kanina. Kaya nagmadali akong pumunta dito" paliwanag niya

Sinabi lahat ng yaya ni Rain sa kanya ang mga nangyari?? Lahat lahat?? Hindi pwede to. Pag nalaman ni kuya ang totoong nangyari, masasaktan siya. Ayokong masaktan si kuya.

"Sinabi niya sayo lahat? Anong sabi niya sayo??"

"Sinabi niya na niligtas ni Michael si Rain kanina. Na muntik na siyang mahagip ng kotse pero nahatak siya agad ni Michael palayo."

"Yun lang??'

"Oo, bakit ? May iba pa bang nangyari??'

Hay! Buti na lang un lang ang sinabi ng yaya ni Rain kuya. Buti na lang wala siyang nalaman tungkol sa mga totoong nangyari.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kanina kuya." naiiyak na naman ako

"Sige na. Tama na yan ok. Baka naman ikaw ang mapano niyan kakaiyak mo. Buti ok ka lang."

"Pero kuya si Michael at si Rain."

"Kamusta na silang dalawa?"

"Si Rain, ok na siya. Gising na siya."

"Si ??"

"Kuya !" sabay yakap ko na naman sa kanya

Hindi ko na naman napigilan ang maiyak ng maisip ko na naman si Michael.

"Bakit Ais??'

"Hindi pa siya nagigising hanggang ngayon eh. Kinakabahan na ko kanina pa. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero ayaw eh. Ayaw talaga."

Kanina ko pa pinipigilan tong nararamdaman ko eh. Sinusunod ko ung gusto ni Lea na magpakatatag ako. Pero hindi ko na kaya. Pakiramdam ko sasabog na ko pag hindi ko pa nailabas tong nararamdaman ko.

"Tahan na Ais. Tara na sa loob. Samahan mo na ko sa kanilang dalawa. Tara na"

"Sige kuya." sagot ko naman

Agad na kaming pumasok sa loob ng hospital. Una naming pinuntahan si Rain sa kwarto. Halatang kinakabahan si kuya habang naglalakad kami papunta sa room ni Rain. Bakas sa mukha niya ang pag alala. Pareho kami ni kuya ng sitwasyon ngayon. Pareho kaming nag alala para sa mga taong mahal namin. Pinipilit niyang maging okay kaya dapat ganun din ang gawin ko.

"Kuya dito ung kwarto ni Rain." sabay bukas ko nung pinto

Pinauna kong pumasok si kuya loob. Alam ko namang gustung gusto niya na makita si Rain. Agad naman akong  pumasok at sinara ung pinto.

"Rain!" sigaw ni kuya sabay takbo papalit sa kama nito

Niyakap niya ng mahigpit si Rain. Gising na pala si Rain. Andito din si Lea. Tapos may isa pang lalaki dito sa kwarto.

"Ais!" tawag sakin ni Lea

Teka nga.

Parang kilala ko tong lalake na to.

Maya maya ay ngumiti sakin ung lalaking katabe ni Lea.

"Ikaw?!" sabi ko dun sa lalake na katabe ni Lea

Dahan dahang lumapit sakin ung lalaking katabi ni Lea.

"Sabi ko sayo eh, you will see me around."

Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

"Magkakilala na kayo di ba?" tanong ni Lea

"Hindi ah." sagot ko kay Lea

"Gab. Remember?"

Gab??

Sino ba to ??

"Sino ka ba?"

"Ang bilis mo naman makalimot. Ako ung nakabangga mo kanina."

Ah oo ! Naalala ko na. Siya ung lalaking mahanging na nagpakilala sakin kahit hindi ko naman tinatanong.

"Ah oo. Ikaw nga pala un."

"Now you remember.'' nakangiting sabi niya sakin

"Bakit siya andito? Kilala mo to?" tanong ko kay Lea

Maya maya ay sumenyas siya na lumapit ako sa kanya.

"Excuse me. Puntahan ko lang si Lea." sabi ko kay Gab

Agad akong lumapit ako Lea at tinanong siya.

"Sino ba yang Gab na yan ha?" tanong ko kay Lea

Parang baliw ton Gab na to. Nakatingin sakin tapos ngiti ng ngiti. Feeling pogi talaga.

"Childhood friend. Nung mga bata pa kami, kaming apat lage ang magkakasama."

"Ah, kaya pala andito yang Gab na yan. Medyo mahangin ha.'

Natawa bigla si Lea sa sinabi ko.

"Hay nako, ganyan talaga yan. Hayaan mo na lang. Wag mo na lang pansinin." natatawang sabi niya

"Kanina pa ba gising si Rain? Kanina pa ba kayo andito?" tanong ko

"Medyo." sagot ni Lea

"Ah sige, kayo na muna bahala kay Rain ha. Andito na din naman si kuya. Dun muna ko kay Michael. Baka magising un. Baka magpanic pa at wala siyang kasama dun."

"Sigurado ka ? Wala kang kasama dun."

"No, I'll go with her.'' sabat ni Gab

Feeling close talaga tong Gab na to.

"Good. Kayo na lang dalawa muna magbantay kay Michael

Hindi na ko nakipagtalo. Pumayag na ako sa samahan ako ni Gab. Hindi kasi ako comfortable na andito ako ngayon sa room ni Rain. Napapansin ko kasing iwas na iwas din kasi siya sa pag tingin sakin.

"Tara na ?" tanong ni Gab sabay bukas ng pinto

"Kuya, dun muna ko sa kabila."

"Sige." sagot ni kuya

'Lea, alis na ko." paalam ko

"Sige Ais, punta na lang ako dun mamaya." sagot ni Lea

At sabay na kaming lumabas ni Gab sa kwarto ni Rain.

Bubuksan ko na ung pinto ng bigla siyang nagsalita.

"Ngumiti ka naman. Mas bagay sayo un." nakangiting sabi ni Gab sakin

Always Yours-Book 2 (He's Mine!) ** ON-GOINGМесто, где живут истории. Откройте их для себя