Chapter 28 Worries

99 9 1
                                    

CHAPTER 28

WORRIES

GAB

Tahimik lang kaming dalawa ni Ais na naghihintay dio sa loob ng kotse.

Hindi kaya nagalit siya sa sinabi ko sa kanya? Nabigla din kasi ako sa sinabi ko sa kanya.

Hindi pa rin kasi siya nagsasalita simula nung kanina. Ayaw na ba niya ko kausap?

"Ais??" basag ko sa katahimikan naming dalawa

"Bakit?"

Whew ! Sumagot siya. Akala ko hindi niya ko papansinin.

''Galit ka ba?" tanong ko

Umiling siya tapos ngumiti sakin.

Akala ko talaga galit siya. Akala ko hindi ko na makikita ung ngiti niyang to.

"Buti naman. Akala ko galit ka sakin. Kinabahan ako eh."

Whew! Nakahinga din ako ng maluwag.

"Akala ko nga ikaw ang galit. Ang seryoso kasi ng mukha mo kanina. Nakakatakot kaya." pang aasar niya

Nagbibiro na siya sakin. Totoo ngang ok na siya.

"Sorry kanina. Kung may hindi ka man nagustuhan sa mga nasabi ko kanina. Sorry."

" Ano ka ba naman. Wala ka namang dapat ihingi ng sorry eh. Wala ka namang nasabing mali."

"Pero ung mga sinabi ko kanina, totoo lahat ng un. Sorry kung naglihim ako sayo tungkol sa favor ni Michael. Ayoko lang masaktan ka Ais,"

Humarap siya sakin bago siya sumagot sakin. Hinawakan niya ung isang kamay ko na nakapatong sa manibela.

"Alam ko naman un Gab. Ramdam ko naman un. Dahil dun, nagpapasalamat ako. Thank you sobra sa lahat ng ginagawa mo para sakin. Basta tatandaan mo, andito lang ako palagi. Okay?"

"Thank you Ais. Kasi hinahayaan mo kong gawin tong mga to para sayo."

"Ako dapat ang mag thank you sayo. Kasi kahit hindi ko mapantayan ung mga ginagawa mo para sakin. Andyan ka pa din. Hindi mo ko binibigo. Kapag kelangan kita, lage kang dumadating kahit di ko sinasabi sayo."

Nagkatitigan kami at ngumiti siya sakin.

Maya maya pa ay may kumatok sa bintana ng kotse ko.

Nagulat kami pareho ni Ais.

"Sino un??" tanong niya sakin

"Dito ka lang, wag kang bababa."

"Sige."

Pagbukas ko agad ng pinto ng kotse ko ay saktong may nanggulat sakin.

"Ui!" sigaw nung nanggulat sakin

Muntik na kong matumba dahil sa gulat ko. Buti na lang nakahawak ako agad sa pinto ng kotse ko.

"Michael??" gulat na sabi ni Ais

Nilingon ko kung sino ung gumulat sakin.

Tama si Ais.

Si Michael nga.

Sinilip ni Michael si Ais sa loob ng kotse.

“Hi Ais!” ngiting ngiti na bati  ni Michael sa kanya

"Hi Michael." halatang gulat si Ais sa pagbating ginawa ni Michael sa kanya

Umayos ako ng pagkakatayo at nilingon si Michael.

"Bakit ka ba nanggugulat ha??" sabi ko kay Michael

"Ang seryoso niyo kasing dalawa." natatawang sagot ni Michael sakin

"Tara na??" aya niya samin

Pero..

..

..

..

..

..

Kay Ais siya nakatingin habang inaaya niya kaming umalis na.

Tinapik ko sa balikat si Michael. Napalingon siya bigla sakin.

"Tara na pre. Para makapahinga ka na din sa bahay niyo."

Tumango siya sakin.

"Tara na Gab." sabi sakin ni Ais

"Sumunod kayo agad ha?" sabi niya pero kay Ais pa din nakakatingin

Umalis na si Michael at sumakay na ako sa kotse.

"Tara na?" tanong ko sa kanya

Ngumiti siya at tumango sakin.

..

..

..

..

..

Bakit naiinis ako??

Bakit ganun ung mga kilos ni Michael??

May naalala na kaya siya??

..

..

..

Bakit nagagalit ako?

Dapat masaya ako di ba?

Kasi eto naman talaga ang dahilan ng lahat ng mga ginagawa ko para kay Ais eh.

..

..

..

..

..

..

Kaso mali..

Nagseselos ako.

Kahit hindi naman dapat.

Always Yours-Book 2 (He's Mine!) ** ON-GOINGWhere stories live. Discover now