Chapter 40 Flashback #3

65 7 10
                                    

CHAPTER 40

FLASHBACK #3

LEA

"Akin na kasi yan. Ibalik mo sakin yang gamit ko!" Sigaw ko kay Michael

"Patingin muna kasi ako eh." Pang aasar niya

Andito kami ngayon sa kwarto ko. Inaya ko kasi siya manood ng movie eh.

Eh mali ata ako ng pag aya sa kanya. Eto ako ngayon, pilit kong inaagaw sa kanya ung isa sa pinakatatago kong gamit.

Makialam daw ba kasi sa gamit ko? Hindi niya ba alam na ung salitang privacy??

Ay grabe talaga!

"Ikaw ha. Akala ko ba best of friends tayong apat. Bakit ganito? May tinatago ka?" Natatawa niyang tanong

"Tama na kasi Michael. Ibalik mo na sakin yan." Sabay pilit ko pa rin na agawin sa kanya ung gamit ko.

"Patingin muna kasi. Bakit ayaw mo ba ipakita?"

"Hindi mo ba alam ung ibig sabihin ng secret??"

"Saglit nga lang kasi di ba? Damot mo naman."

Nakakapagod tong ginagawa namin. Layo siya ng layo. Tapos ako naman , lapit ng lapit. Bahala nga siya. Ayaw niya ibalik eh. Bakit ko papagurin sa sarili ko?

Bahala na siya kung ano man ung makita niya. Baka siya pa ung magulat sa malaman niya.

"Bahala ka nga. Tignan mo na yan hangga't gusto mo. Wala na kong pakelam." Sabay layo ko sa kanya at upo sa kama ko

"Pikon agad? Binibiro ka lang eh."

"Ewan ko sayo."

"Eto na oh. Sayo na."

"Ayoko. Bahala ka dyan."

"Dali na. Wag ka na magtampo."

"Tignan mo na yan. Nahiya pa ka pa. Eh kanina mo pa hawak yan."

"Ok lang?"

"Oo , nakakahiya naman kasi sayo."

"Sinabi mo yan ha."

Hindi ko siya nilingon. Pero naramdaman ko na nakita niya na ung kanina pa niya gustong makita.

Ano nga ba ung hawak niya??

..

..

..

..

..

..

Picture naming dalawa...

Ung picture na nilagyan ko ng drawing na heart sa paligid naming dalawa.

"Sorry." Bigla niyang sabi sabay abot sakin nung picture

"Masaya ka na? Nalaman mo na ung secret ko?" Sabay lingon ko sa kanya

"Sorry na. Wag ka na magalit."

"Hindi ako galit. Inis lang."

Maya maya pa ay naramdaman kong inakbayan niya ako.

"Eh di wag ka na mainis."

"Kelangan nakaakbay?"

"Ok lang yan. Di ba crush mo ko?"

"Michael?!"

"Joke lang. Eto naman hayblad eh." Sabay tawa niya

"Feel na feel mo ung pagkacrush ko sayo."

"Syempre! Ayan oh. May hearts pa." Sabay tawa na naman niya.

"Isa pa talaga!"

"Easy lang. Don't worry,  your secret is safe with me."

"Talaga lang ha?"

"Tska hindi naman na talaga secret yan eh. Feel ko naman talaga na crush mo ko. Kaya mo nga ko inaya ngayon di ba?"

"Kapal mo naman! Hindi kasi sila pwedeng dalawa noh. Ikaw lang pwede!'

"Sinadya mo to noh?''

"Ang kapal talaga!"

"Joke nga lang di ba?" Tawa niya na naman

"Ewan ko talaga sayo."

Maya maya pa ay narinig kong tumigil na siya pagtawa niya.

..

..

..

..

..

..

"Thank you for being a good friend.", sabi niya

"Ang seryoso mo masyado. Hindi ako sanay." Sabay tawa ko

"Ok lang tawanan mo ko. Basta tandaan mo, i will always be a good friend to you."

"Oo na. Sige na. Itatago ko na tong picture tapos manood na tayo."

Ngumiti siya sabay tango sa akin.

..

..

..

..

..

..

Alam ko naman un.

Friendship lang ang kaya niyang maibigay sakin.

Aaminin ko, ilang beses na kong nag wiwish na sana paglaki namin , kaming dalawa na lang.

Pero starting this day, I have to stop wishing for it.

Alam kong hindi na mangyayari un eh.

..

..

..

..

Alam ko naman kasi talaga na may iba siyang gusto.

Always Yours-Book 2 (He's Mine!) ** ON-GOINGWhere stories live. Discover now