Chapter 52

65.8K 3.7K 613
                                    

Wala naman akong pakialam sa birthday ko for the past few years kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit disappointed ako ngayon. Maybe this was because of what Dad told me last night. He already explained everything to me and yet I still couldn't bring myself to agree.

Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ko 'yon.

"What's with the heavy sigh?"

Paglingon ko ay nakito ko si Iñigo at naalala kong kakaalis lang ng dalawang bwisit. He sat across me and looked at me with a curious expression.

"Himala at hindi kayo magkakasamang tatlo?" he remarked and I gave him a dirty look.

"Don't lump me in with them," I retorted.

Napangiti naman siya. "But you three seem to have a good relationship."

"Eww," I grumbled while making a face.

Tinawanan niya lang ako at nag-stay ro'n dahil daw kailangan niyang magbasa ng readings. Hindi na lang kami nagpansinan kahit nasa iisang table kami pero after several minutes ay may ini-slide siya sa harapan ko.

"Happy birthday," bati niya kaya napakunot ang noo ko.

I was looking at him with furrowed brows because I didn't know how to react. The last time he greeted me was in high school since we opted to ignore each other here in the university. Besides, I thought he had already forgotten it.

"Wala man lang bang thank you?" he teased.

"Bakit, sinabi ko bang regaluhan mo ako?"

Napailing na lang siya habang nakangiti. "Sabi na nga ba, 'yan ang sasabihin mo. C'mon, it's been years since I last gave you a gift."

"Kasalanan ko?"

"Partly. Iniwasan mo na kaya ako simula noong sinabi ko sa'yo 'yong tungkol kay Queenie."

"Duh?"

Tuluyan na niyang nilagay sa harapan ko ang gift niya at saglit akong napatingin sa kanya. Even though I didn't want to admit it at first, I did miss his presence. Siya lang ang nakatagal sa ugali ko noong high school kami at mukhang kaya niya namang makisama sa ugali ng girlfriend niya.

"Anong plano mo ngayong birthday mo?" tanong niya matapos niyang i-force ang regalo niya sa akin.

"Wala."

"For real? Kahit ngayong taon?"

"Ano namang pinagkaiba ng taon na 'to sa mga nakaraang taon? Everything's the same."

"I don't think so," he replied. "You have more people around you now."

Pagkasabi niya no'n ay sumagi agad sa isipan ko ang mga taong naging parte ng buhay ko ngayong taon. Indeed, I gained friends and family members but I also felt like I've lost one of the most important people in my life.

Maya-maya lang ay nauna na akong umalis dahil may classes pa ako. Nang makalabas ako sa library ay nag-thank you ako kay Iñigo sa text.

I couldn't concentrate for the next few hours. Muntik pa akong matawag ng prof ko sa recitation no'ng walang sumasagot sa tanong niya. Buti na lang may nagtaas ng kamay before niya masabi ang buong pangalan ko.

Medyo gloomy rin ang panahon kaya lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko pa rin nakikita ulit si Jazer simula kanina dahil nauna siyang umalis. Maging sina Queenie at Katrina, parang mga bulang nawala bigla sa landas ko ngayon.

Nag-text ako kay Kuya Larry na sunduin na ako pero nagulat ako sa reply niya.

Sorry Chloe umalis kasi ako at na-stuck sa traffic baka mga 2 hrs pa bago ako makarating dyan

Baby MadnessWhere stories live. Discover now