C H A P T E R FIVE

988 37 5
                                    

ALLI' s Pov

"Ikaw na naman?!" Sambit ko sa lalaking nasa aking harapan na ikinangiti niya

"Yes babe. I am" saad niya kaya agad ko siyang inirapan at naglakad papunta kay DarlingPres na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin kaya agad ko siyang nginitian

"Good Afternoon DarlingPres" sambit ko at inilapag ang dala kung pagkain sa harapan niya kaya napadako ang paningin niya dun

"DarlingPres? Sounds funny" sambit ni Sky yata to? Habang nakapamulsang nakatingin sa akin

"Inggitero. Humanap ka nga ng kausap mo!" Ang harsh ko ba? Eh sa nakakainis siya eh!

"Ba't pa ako maghahanap kung nandiyan ka na?" Saad niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kanya. Bwisit! Ba't pakiramdam ko kinikilig ako?

Di pwede! May DarlingPres ako atsaka oo gwapo siya pero di ko siya gusto! Duh! Puso huwag kang malandi!

"You can talk outside. Not here" saad ni DarlingPres kaya napatingin ako sa kanya habang nakaharap ngayon sa laptop niya kaya napabusangot ang mukha ko

Narinig ko ang pagtawa ni Sky at ang pagbukas ng pintuan kaya napatingin ako sa kanya

"You can come with me babe if you want" at ngumisi ulit siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at umaktong babatuin siya ng sapatos kaya tumatawa siyang sinara ang pintuan.

"DarlingPres ku---"

"May pangalan ako"

Napairap na lang ako sa kanyang sinabi at umupo sa kaharap niyang upuan

"Mas gusto ko yung DarlingPres kaya yun na lang. Huwag kang OA" sabi ko at binuksan ang paperbag na dala ko na may lamang lunch niya

Inilapag ko ang tatlong tupperware sa kanyang harapan kaya napatigil siya sa ginagawa niya at tinignan ang mga dala ko.

"What's that?" Tanong niya sabay turo sa pinakbet na dala ko

"Wala ba kayo niyan sa inyo DarlingPres?" Tanong ko at umiling naman siya bilang sagot

"Pinakbet ang tawag diyan" saad ko at ituturo pa sana ang dalawa ko pang dala nang bigla siyang nagsalita

"Nakakain ba yan?" Saad niya na nagpalaki sa mata ko

"Oo naman! Dadalhan ko ba ang crush ko nang di makakain? Duh" saad ko at inilapag ang isang plato sa kanyang harapan "Alam mo bang masarap yan? Yan kaya ang sikreto ko kung bakit maganda ako" at ngumiti ako ng matamis

"Di halata" rinig kung bulong niya kaya napaismid ako

"Heh! Akala mo naman ang gwapo mo!" Singhal ko at napatingin naman siya sa akin na nakakunot ang noo "Sino bang may sabing di ka gwapo? Ang gwapo mo nga" at nginitian ko siya

"You eat this stuff?" Sabay turo niya ulit sa pinakbet

"Oo naman! Di porket mayaman kami di na ako kumakain ng ganyan. Yan nga ang palaging pinapakain sa akin ni Yaya Jena para daw gumanda ako katulad niya kaya ayun kumain ako tapos ang sarap kaya nagpaturo ako kung paano mag---"

"My question is just too short" walang gana niyang sabi at itinuon ulit ang atensyon sa laptop

"Suplado! Pake ko ba? Kumain ka na nga" saad ko ngunit di parin siya kumakain "Uy DarlingPres naman eh"

"Im full" malamig niyang saad

"Full? Eh di ka pa nga kumakain eh. Sige na nga" pamimilit ko ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang nakakunot ang aking noo. Ba't ba kasi ang gwapo nito? Siguro nung umulan nang kagwapohan tinapon siya ng mama niya sa labas. Kaya napakagwapo niya.

Hey, Mr. PresidentWhere stories live. Discover now