C H A P T E R TWENTY SEVEN

925 32 0
                                    

MATTHEW' s Pov

Nakatingin lang ako sa kisame dahil di talaga ako makatulog. Napadako ang tingin ko kay Trixie na mahimbing na natutulog ngayon sa aking tabi. She insisted na dito na lang daw siya matutulog and I say..yes

'Aba sumigaw kaya yun kanina ng I Hate you kuya!'

Baka biro lang yun ni Yaya Jena! Pero paano kung totoo?

Napahilamos ako sa aking mukha at tumayo. Lumabas agad ako ng kwarto at naglakad papunta sa kwarto niya. Pansin kung nakabukas pa ang ilaw nito kaya napakagat ako sa aking pang ibabang labi.

Nyeta baka pagpasok ko diyan batuhin ako ng lampshade! Lintik na! Sayang ang kagwapuhan ko. Putspa naalala ko na naman yun! Muntik na talaga

FLASHBACK

"I hate you Kuyaaaa!" Sigaw niya at tumakbo papuntang kwarto niya "I hate youuuu! Di na tayo bati!"

"Alli! Hintay magpapaliwanag si Kuya! Alli"  saad ko at tumatakbong sumunod sa kanya.

"Aish! Bakit ka pa kasi nahuli Matthew?! Tignan mo nagalit ang kapatid mo" saad ni Manang at sinamaan ako ng tingin "Hala! Kausapin mo yun!"  Saad niya at tumango lang ako

"I HATE YOU MATTHEW! I HATE YOU KUYAAAA!" rinig kung sigaw sa loob ng kwarto niya  kaya napalaki ang mata ko "Sasama na ako kina Mommy! Pupunta akong America!" Saad niya at alam kung umiiyak siya ngayon

"Alli open the door please! Kuya will explain" mahinahon kung saad habang kinakatok ang pintuan " Alli Ku---"

"I DONT WANT TO TALK TO YOU!" napakamot na lang ako sa aking ulo. Walangya!

"Please" walang sumagot. Dahan dahan kung pinihit ang doorknob at nakabukas lang ito. Binuksan ko ito at "FUCK!" saad ko at sinarado agad ang pintuan

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Muntik nang masalo ng mukha ko ang lampshade! Kingina

END OF FLASHBACK

Mahina akong napatawa at napailing na lang. Ang tagal pa naming nagkaayos nun. Di niya ako pinapansin at eto pa palagi pa niya akong iniirapan na ayaw na ayaw ko talaga! Naiinis ako! At ang pinakamalupet binutasan niya ang gulong ng kotse ko! Nyeta! Na detention pa tuloy ako nun dahil sobrang late ko na! Hanep talaga!

Bumuga muna ako ng hangin at naglakad palapit sa kwarto niya. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan niya at wala akong narinig na kahit ano. Tulog na siguro to. Pipihitin ko na sana ang doorknob pero nakalock ito. Napakamot na lang ako sa aking ulo at bumalik na lang sa kwarto ko.

'Grabe pa namang iyak nun kanina! Ikaw talaga pag kinuha yan si Alli ng mama mo paniguradong sasama yan'

Napaupo ako sa kama at napahilamos sa aking mukha. Bwisit! Bawal siyang pumunta dun! Nyeta! Napansin kung gumalaw ang kama kaya napatingin ako dun. Nakita ko si Trixie na bumangon at tumingin sa akin

"Matty ayos ka lang?" Tanong niya at umupo sa tabi ko

"Oo" simpleng sagot ko at niyakap naman niya ako

"Sana magkabati na kayo" I nooded and smile at her

"I hope so. Let's sleep now. Ihahatid pa kita sa inyo bukas" tumango lang siya at hinila ako pahiga kaya napatawa ako ng mahina

"Goodnight Matty" rinig kung saad niya bago siya natulog ulit

Bumuntong hininga muna ako bago matulog. Kakausapin ko ang babaeng yun bukas! Kahit batuhin pa niya ako ng lampshade sa mukha.

Nagising ako ng marinig ko ang ingay ng alarm clock. Agad kung minulat ang aking mata at in-off ito. Six-thirty na pala ng umaga. Napatingin ako sa katabi ko na natutulog pa hanggang ngayon. Hinaplos ko ang kanyang mukha at hinalikan ang noo niya.

Hey, Mr. PresidentWhere stories live. Discover now