C H A P T E R FOURTEEN

874 29 0
                                    

ALLI' s Pov

Lakad takbo ang ginawa namin ni Natasha papuntang Lounge sa pagmamadali. Ang sinabi kasi sa text ni Zerk ay puntahan daw namin sila sa Lounge sa dismissal time kaya kahit hindi pa nakalabas ang Professor namin sa pintuan ay inunahan na namin. Yan ang mga magaganda.

"Oh my god! Ayos lang ba ang mukha ko Alli?" Kinikilig na tanong ni Natasha sa akin kaya bagot ko siyang tinignan

"Ilang beses mo na ba yang tinanong sa akin Natasha?" Saad ko at nag peace sign lang siya

"Sorry na nga" napairap na lang ako. May tinatagong lantod din tong kaibigan ko eh! Tss!

Bahagya pa akong huminto at bumuga ng hangin bago at pipihitin na sana ang door knob ng biglang hinawakan ni Natasha ang aking kamay at sumenyas na saglit lang

Kinuha niya ang polbo niya sa bag pagkatapos ay naglagay sa kanyang mukha. Nakapamewang lang ako habang nakatingin sa kanya. Seryoso?

Ang mga magaganda hindi na kailangan ng ganyan. Di na kailangan ng kung ano-ano sa mukha. Kaya ang ganda ko talaga!

"Sige na" umirap muna ako sa kawalan bago pinihit ang siradura.

Sumilip pa ako at nakita ko si Zerk na nakaupo sa isang couch habang nakatingin sa relo niya na parang may hinihintay. At sigurado akong kami yun. Dahan dahan kaming pumasok ni Natasha at agad akong tumikhim para makuha ang atensyon niya.

Agad naman siyang napalingon sa amin at ngumiti ng malaki. Pansin ko ding wala nang tao sa Lounge bukod sa kanya.

Nasan si DarlingPres?

"Akala ko di kayo pupunta eh" saad niya habang papalapit kami sa kanya at tumayo naman siya

"Pwede ba yun?" Tanong ko at napatawa naman siya

"Hi Natasha" bati ni Zerk sa aking kaibigan na nakangiting aso ngayon

"H-hello Zerk" utal na sambit nito

Lalakad na sana ako papuntang Office ni DarlingPres ng bigla akong tinawag ni Zerk kaya napalingon ako sa kanya

"Nasa rooftop sila" agad na napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Sinong sila?

Huwag mong sabihin sa akin na kasama pati si Nieze? Bwisit!

Naglakad na kami papuntang rooftop at nag uusap sila habang ako ay tahimik lang. Nabubwisit ako kung bakit kasali pa si Nieze. Pero sa bagay mas maganda nga yun! Para maa mapamukha ko sa kanyang mas maganda ako sa kanya at sa akin si DarlingPres babagsak! Fight Alli!

Tama. Di pa sila kaya kakayanin ko to! Di ko hahayaang sa babaeng yun mapupunta ang DarlingPres ko!

Nakarating agad kami sa rooftop. Napatingin naman ako sa kamay ni Zerk na hawak ang pulsuhan ng aking kaibigan kaya sekreto akong napangiti. Tumikhim ako dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin.

"Respect please" tugon ko at taka naman silang napatingin sa akin kaya nginisian ko sila ng nakakaloko

Sabay silang bumitaw at pansin ko ang pag ngiti ni Zerk habang namumula naman si Natasha

"S-sorry" sabay nilang sambit kaya di ko na napaigilan ang aking pagtawa

"Bilisan niyo na nga nagugutom na ako" tugon ko kaya binuksan na ni Zerk ang rooftop at bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Napapikit pa ako habang dinadamdam ito at nilanghap ng nakaamoy ako ng nabubulok na basura. Bwisit!

Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Nieze na nakaupo sa left side ni DarlingPres habang nakangiti sa akin. Kaya pala nangangamoy eh!

Hey, Mr. PresidentWhere stories live. Discover now