Challenge # 01

82.9K 2.8K 109
                                    

Want this?

Belle Escalona's

"Kamukha mo kasi, nagtataka ka pa ba?"

I rolled my eyes at my parents after hearing my mother say that. Cindy and I are going to school that morning. It's been a month since Japet and Ate Aswell got married. They are in their honeymoon while I am stuck here pretending to enjoy school. Walang koneksyon pero naiinid lang ako na kailangan kong mag-aral. Ayoko naman nang matg-aral. I just want to do something else, but not school. I hate it. I still don't know what I wanna do, but I wanna take the risk.

Dad looked at me. Palagi nga nasasabi na kami ni Daddy ang magkamukha – like I am the spitting image of him, pero hindi naman ako naniniwala. Ramdam kong magkaugali kami pero si Mommy ang kamukha ko. Pinipigilan ko lang mag-make face kasi pinagagalitan ako ni Daddy dahil ang bagal kong kumilos. Papasok kasi kami ni Cindy at ihahatid niya kaming dalawa sa university. Si Cindy raw, kanina pa nakahanda at naghihintay sa akin. I rolled my eyes.


Sa pamilya talaga hindi mawawala ang paborito, pero hindi ko naman sinasabing si Cindy ang paborito ni Daddy pero parang ganoon na nga.


"Sorry naman, Dad." I said. "Pero kakain lang ako tapos aalis na tayo. Mas maganda kasi ito, Daddy kung ibibili mo ako ng kotse, o kaya man motorcycle para naman hindi ka nag-aalala sa paghatid sundo sa amin." I smiled at him.

"Not in a million years, Belle."

"Dad naman!"

"Bilisan mo diyan. Male-late na kayo ng kapatid mo!"

"Fine." Humaba ang nguso ko. Tiningnan ko si Mommy na tatawa – tawa. Binilisan ko na lang ang galaw ko. Hindi ko na nga naubos ang sinangag at bacon ni Mommy, gustong – gusto ko pa naman iyon. Naghintay si Dad sa akin. Nang makita niya ako ay lumabas na siya ng front door. Si Cindy, nasa kotse na at nagbabasa na naman ng kung ano.

"What's that?" I asked her when I got in.

Nagre-review ako. Ikaw, malapit na ang mid-terms, nag-aaral ka ba?" Tanong niya na parang nang-iinis pa. Si Dad ay nakasilip sa aming dalawa. I smiled at him.

"Of course, nagre-review ako. Ako pa ba?"

"Mauuna talaga akong mag-graduate sa kanya, Daddy." Sa inis ko ay binatukan ko si Cindy. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. I just smiled at him. Hindi na kami nag-usap ni Cindy habang nasa byahe. Naiinis talaga ako sa kanya. Mahal na mahal ko si Cindy, siyempre, baby sister ko siya, pero madalas niyayamot niya talaga ako kaya madalas kaming nag-aaway pero noong mga bata kami, close na close kaming dalawa.

Dad parked his car in front of the school's main building. Cindy kissed him before going out of the car, ako ay sumimple muna.

"Dad, penge pera..." Isinahod ko ang kamay ko sa harapan niya. He looked at me. Kunot na kunot ang noo niya.


"Binigyan na kita ng allowance noong Sunday ah."

"Naubos na, Dad."


"Saan mo dinadala ang pera mo?"

'Sa pagkain, duh, saan pa ba?" Napapailing siya pero binigyan naman niya ako ng two thousand. Nag-thank you naman ako sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa pisngi. Lumabas na ako ng kotse pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng main building. I stopped near the door to peek outside. Siniguro ko lang na umalis na si Daddy. Nang masiguro kong hindi na siya babalik, ay lumabas muli ako ng university.

Pumara ako ng taxi. Ayokong pumasok, nakakainis. Ayoko na talagang mag-aral. Gusto ko na lang lumaya. Being in this family is kind of hard. Nakakainis na rin naman. Sa pakiramdam ko kasi, nakakasakal na talaga ang lahat ng ginagawa sa amin. I get that he's trying to protect me, and all, pero minsan OA na. Hindi ko na maramdaman na normal akong tao. Ang dami – daming bawal.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon