Challenge # 21

74.6K 3.4K 548
                                    

Do you wanna?

Six months later...

Belle's

"Ako na, ako na."

Agad na tumayo si Eli para puntahan sa crib si Alonso – iyong baby ko. Two months old na siya kaya lumalakas ang iyak niya. Tuwang – tuwa si Daddy sa apo niya, lalaki nga kasi kaya pinangalanang Alonso David Escalona – Sandoval – ayaw ni Dad na isuko ang apelyido niya lalo na at lalaki ang unang apo niya.


Si Eli, palagi siyang nasa tabi – tabi lalo na pagkapanganak ko. Lahat ng kailangan ko ay binibigay niya. Kapag gabi na at umiiyak na si Alonso, kahit gising ako, babangon si Eli para siya ang titingin sa bata kung anong problema, kung kulang daw ang unan, kung gutom ba o kung puno na ang diaper, lahat iyon siya ang gumagawa. Kapag gutom ang baby, doon niya lang ilalapit sa akin para ipa- breast feed niya pag hindi na umiiyak, kukunin niya ulit at patutulugin. Sobrang hands – on niya considering the fact na hindi naman siya ang tatay ng anak ko.

Ilang beses kong sinasabi iyon sa kanya pero hindi niya ako pinakikinggan. Palagi niyang sinasabi sa akin na hindi man daw sa kanya mismo nanggaling si Alonso ay anak niya ito. Wala na raw question doon – kaya lalo akong nahuhulog kay Eli, wala kasing nagbabago sa mga sinasabi niya, lahat ng ipinangako niya noon ay binibigay niya sa akin. Hindi siya nagkulang, sobra – sobra pa siya.

"Eli, ako na lang. Magpahinga ka na." Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa crib. Nasa iisang silid lang naman kami. Dito na kami nakatira sa condo unit niya. Ang sabi niya sa akin kahapon ay finishing touches na lang ang bahay na binili niya sa village rin kung saan nakatira ang mga pamilya namin. Paglipat namin doon, kapitbahay namin si Japet at Aswell. Naisip kong hindi talaga niya kayang lumayo sa kakambal niya. Okay lang naman iyon, alam kong mahal na mahal niya si Japet, ganoon rin naman ako sa mga kapatid ko.

"Hindi na. Nagpupu lang oh, hindi naman siya gutom. Mahiga ka na roon." Wika niya pa sa akin. I smiled at Eli. Napakamot ako ng ulo. Tiningnan niya ako. "Oh bakit?"

"Hindi ba nakakahiya?"

"Alin?"

"Ito. Hindi naman kasi-"

"Shhh!" He said. "Anak ko nga diba? Akin? H'wag ka nang magsalita. Siya nga pala, bukas uuwi muna tayo sa bahay. Miss n ani Mommy si Alonso. Saka pag-usapan na raw natin iyong binyag." Ngumiti ulit ako kay Eli.

"Ngayon na ba? Balak ko sana kapag six – months old na siya."

"Okay lang rin naman iyon. Basta bukas pag-uusapan natin. Mahiga ka na. Papatulugin ko na ito. Goodnight, Mommy." Kinindatan pa ako ni Eli. Nanlaki iyong mga mata ko. Paano kasi kinilig ako. Kaloka. Bumalik na ako sa kama. Tahimik ko lang siyang pinanood noon. Sinasayaw – sayaw niya pa ang baby ko. Ang ganda – ganda nilang tingnan. Ang swerte ko nga kay Eli – tama ang sinabi ni Cindy, swerte nga talaga ako sa Eli.

Nakatulugan ko na ang panonood sa kanilang mag-ama. Kinabukasan nagising na lang ako na niyuyugyog ako ni Eli. Alas sais iyon nang umaga. Karga niya si Alonso tapos ay ibinibigay sa akin.

"Dede na raw siya. Gutom na. Sorry, Belle."

"Ano ka ba. Okay lang. I took my son. He's awake. Nakalagay sa mukha niya ang kamay niya tapos ay nakabuka nang bahagya ang bibig. Inilapit ko siya sa dibdib ko tapos ay napapangiting pinanood habang nagdedede siya. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang kasi nakita kong naroon si Eli sa harapan at nakatingin rin sa dibdib ko. Napalunok pa nga siya.

Marahil ay napansin niyang nakatingin na ako sa kanya kaya bigla siyang nag-iwas ng tingin at tumalikod.

"Ano... ano... kape. Tama magkakape ako!" Mabilis pa sa alas kwatro na lumabas si Eli ng silid naming dalawa.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon