Challenge # 07

59.7K 2.8K 362
                                    

Mamayang gabi

Eli's

Dinala ko si Belle sa pinakamataas na parte ng village. Doon kasi ay tahimik at wala masyadong tao. I used to take Violet here, we will sit in the hood of my car, hold hands or kiss – after I gargle twenty – times or bathe my hand with alcohol. This is also my comfort zone, whenever I feel lonely or alone, I come up here and just taken in the air, I'll be okay then. But looking at Belle, alam kong hindi siya basta magiging okay dahil lang sa nandito kaming dalawa.

Tahimik lang siya pero iyak siya nang iyak. Nakagitna sa aming dalawa iyong pregnancy test niya. Alam kong may dapat akong sabihin pero hindi ko mahanap ang boses ko. Wala akong magawa kundi ang tingnan siya. Paulit – ulit niyang pinapahid ang mga luha niya.

"Paano mo nalaman?" Nanginginig ang boses niya. I cleared my throat.

"Well, Cindy is very worried about you. I am too. I felt guilty for our last conversation – I am very sorry, for that, Belle – so I helped her on asking the people around you. Then, there's this boy, si Jackson—"

Belle winced by just hearing his name. Nagsunod – sunod na naman ang patak ng luha niya.

"His phone fell from his pocket, I took it and..."

Napahagulgol siya.

"There's a video..."

"Oh my god..." She sobbed. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya, noong una ay lumalayo siya sa akin.

"Belle, it's just me. I am Eli, I won't hurt you." She looked at me. Nagpatuloy ako sa paglapit sa kanya para yakapin siya. Umiyak lang siya nang umiyak.

"Ba-bakit... bakit ako, Eli? Alam kong matigas ang ulo ko pero talaga bang dapat mangyari sa akin ito?"

"No. No one – even the worse person in the world deserve to be treated like that. It's not okay. It is not your fault."

"It is..." Ang hina – hina ng boses niya. Hindi ako sanay na ganito si Belle. She's a badass. Sakit siya sa ulo, hindi siya mahina pero heto kaming dalawa at parang ibang tao na ang kasama ko.

I let her cry. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya. I am thinking of bad things. I am thinking of hunting that motherfucker. I will kill him with my bare hands, but I realized that killing him isn't enough. I want to torture that motherfucker. Nanginginig ang kalamnan ko.

Mayamaya ay umalis na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Stop crying." I told her.

"I'm trying... I didn't want this to happen. I thought I am in hell. Akala ko papatayin nila ako, Eli. Nakatakas ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."


"Bakit hindi mo sabihin sa parents mo?" She shook her head.

"Can you imagine what will happen?" She sobbed again. "Magagalit si Daddy. Si Mommy masasaktan. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Na malandi ako? Na kung ayaw ko talaga iyon bakit hindi ako lumaban? Na kasalanan ko kasi pumunta ako sa party na iyon? Na deserve ko ito kasi matigas ang ulo ko at hindi ako nakikinig sa daddy ko? Wala rin namang mangyayari kung sasabihin ko. Nagpapasalamat na lang ako na buhay ako. Sa parteng iyon, alam kong swerte ako but not this." Sinuntok niya ulit ang tyan niya, agad ko namang kinuha ang kamay niya.

"Don't do that!"

"Ayoko nga nito! How am I supposed to love this – this monster, huh? Bunga siya ng kahayupan, Eli. Binaboy nila ako! Binaboy nila ako!" Nanginginig na naman siya. Muli ko siyang niyakap. "Hindi ko gusto ito. Paano ko ito sasabihin kay Daddy? Magagalit siya sa akin. Hindi ako mabuting anak kaya siguro pinarurusahan ako. This is my karma. I hate myself, sana mamatay na ako. Gusto ko ng mamamatay!" Palakas nang palakas ang hagulgol ni Belle. Nanghihina siya, tila nawawalan ng lakas ang mga tuhod niya. I hugged her closely and tighter. Wala akong pakialam kung anong nangyari sa kanya, she doesn't deserve this.

Sparks FlyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang