Chapter 12 : Friend's Fight

63 14 0
                                    

Nakwento ni layla na kanina pa pala raw may nabubuong tensyon sa pagitan ng magkakaibigan at ni martin. Pinapagaan lang daw ni samantha at layla ang usapan.

"Eh friend mo ba talaga yun kathy?" tanong ni rhev

Ngumiti ako sa kanila kahit ang awkward dahil halata mong inis na inis sila.
"Yeah. Since I was a kid"

"Diba sabi mo may gagawin ka? "
Liam

Nangangapa ako ng sasabihin sa tanong ni liam. Si corpuz lang ang sinabihan kong may gagawin ako.

"Asan si corpuz-"

"Stop calling him corpuz. Hindi lang siya ang corpuz, kathy" natahimik ako sa biglang pagsabat ni rhev. Bakit ganon? Ang bigat sa feeling. Tiningnan ko ang dalawang babae at humingi ng tulong gamit ang mga mata ko pero tahimik lang din ang dalawa.

"Ang sakit lang kasi sa feeling, di ka naman pala busy pero..." napailing na lang si liam at tumayo. "Pa'no pa kaya kung sa'min mo sinabi 'yon? Tas yun pala nasa bahay ka lang ng kaibigan mo"

"W-wala naman akong nakikitang mali? H-he's my friend I told you" sagot ko sa kanya.

"Did you considered us as your friends, kathy?" rhev.

"Ofcourse! You are all my friends too, hindi lang si martin pero ngayon ko na lang kasi sila ulit naki-"

"But you said that you have a business to do!" nagulat ako ng biglang sumigaw si liam kaya napalunok ako, anong nangyayari.

"Okay fine, I'm sorry I lied. I'm sorry. Hindi ko inaasahan na ganto ang kinalabasan ng unang pagkakakita niyo kay martin" sabi ko. Ano ba kasing nangyari? "Did he do something wrong? Para maging ganon? Ano? Naging bastos ba siya kausap-hindi niya ba agad kayo pinapasok sa bahay nila kanina -what?" sunod sunod na sabi ko.

Nakipagtitigan lang ako sa mga mata ni rhev at liam na nakatitig sa'kin, kung may kapangyarihan sila ay malamang kanina pa ko nagka pira-piraso sa titig nila.

"We just hate him" diretsong sagot ni liam.

"What? Hindi pupwedeng ganon! He's my friend! You should welcome him too in your friendship!" hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko para isigaw iyon.

"Do you know him well, kathy?"

Natigil ako sa biglang tanong ni liam. Yes, I know h-

"He said, you're 11 when he flew to states, and he never come back, he never get a single word from you after he left, at ganoon din siya. Then now? Susulpot na lang siya sa harap mo? You do not have an idea kung ano ang mga ginawa niya on that several years, you do not have an idea on his daily living so pa'no mo sasabihin na you know him well?" liam

"He's rude after all" rhev

" Bakit? Kayo ba kilala niyo siya? Nakasama niyo na ba siya? Hindi naman diba?" sagot ko sa kanila na may panginginig na sa boses dahil sa halo halong nararamdaman ko.

Ramdam ko ang nag aalalang paninitig ng dalawang babae.

"Don't bother her"

Lahat kami ay napalingon sa dumating na si martin. "Kung may problema kayo sa'kin sabihin niyo, hindi yung idadamay niyo pa si cally"

"Eh hayop ka pala eh!"

"Liam!"

Nagulat ako ng dambahan ni liam si martin at bigyan ng malakas na suntok. What was that? Did he just hit my friend?!
Mabilis akong lumapit kay martin na natumba dahil sa lakas ng suntok ni liam.

"Are you okay?" tanong ko dito. Lumingon ako kay liam, "What's wrong with you two?!!" sigaw ko sa kanila.

Pinahid ni martin ang dugo sa kanyang kanang labi at tumayo.

"Don't bother cally huh? Ikaw lang naman yung epal lintik ka eh!" liam, nagulat ako nang lumapit na naman ito para suntukin si martin pero mabilis na nakailag si martin at siya ang nakasuntok kay liam.

Omygod, what's happening?

Tiningnan ko ang dalawang babae, si layla ay halata mong takot na takot na pero nagulat ako nang makita ko ang mukha ni samantha na walang ka emo-emosyon gaya ng kay rhev. Hinahayaan lang nila ang dalawa!

"TAMA NA!" binigay ko na ata lahat ng lakas ko sa sigaw ko saka ako pumagitna sa kanilang dalawa. Pareho na silang may dugo sa bibig. Kay liam ako nakaharang dahil pilit itong nagpupumiglas para sumuntok ulit. "Liam please tama na" pagsusumamo ko kay liam.

Diretso itong tumingin sa'kin at humihingal pa ito. Pagkatapos ay nilampasan na ako nito at lumabas ng bahay, nagulat din ako ng walang imik na sumunod dito si rhev at si samantha.
Ganon din naman ang sunod na paglabas ni martin.


What was that?


Naramdaman ko na lang ang luhang pumatak galing sa mga mata ko at ang yakap ni layla.


"Anong nangyayari layla? May hindi ba ko nalalaman?" sabi ko at pinapahid ang mga luhang pilit nagkukumawala sa mga mata ko pero wala akong narinig kay layla.

Anong ipinakita nila sa'kin? Hindi ko nagustuhan iyon. Para saan ang mga nakita ko? Magkakilala ba sila? Hindi naman katanggap tanggap na ganon agad ang mangyari sa unang pagkikita nila, at hindi sila ganon. May nagawang mali si martin sa kanila, yun lang ang natatanging dahilan. Naguguluhan ako.

"Layla kailangan kong malaman ang dapat kong malaman. May dapat ba kong malaman?" tanong ko at lumayo ng konti kay layla.

Nang tingnan ko ng diretso ito ay alam kong may tama nga sa mga sinabi ko. May dapat akong malaman. Nagkamot ito ng ulo, "Sissy hindi ko kasi alam kung dapat ba akong magkwento sa'yo-"

"I'm your friend"


"Okay fine. Kathy hindi ako dapat nag kekwento kaya wala ka ring makukuhang sagot sa'kin. Pero sabi kasi nila, huwag ko raw sasabihin sa'yo ang mga nalaman ko kanina."

Biglang nangunot ang noo ko sa sinabi ni layla. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at dumiretso sa kwarto ko. Sinabihan ko siya na maaari na siyang umuwi. Umupo ako sa side table at tiningnan ang sarili sa maliit na salamin na nakalagay dito. Tanging mukha ko lamang ang makikita ko.


Isa pa sa hindi ko inaasahan ang makaramdam ng ganito, alam niyo yung feeling kanina? Sunod sunod silang umalis? Parang sa'kin ay lahat sila'y may galit. Parang may nagawa akong mali, yung mga tingin nila. I hate it. I can't stay like this, hindi ko kayang manatili yung gantong feeling sa puso ko. Nasasaktan ako.


Bakit imbes na mag usap sila at magsabi sa'kin ay nag away pa sila sa harap ko, kung sabihan nila ko kanina, excuse me? Wala akong alam.


Suminghot ako at tinaasan ng kilay ang salamin, nag make face ako dito. Tss
What a beautiful creature



<<<<< To be continued >>>>>

Pay for my first kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon