Chapter 53 : Family Mess

47 6 0
                                    

Ethan's POV

"Ethan! Someone is looking for you!"

Mabilis akong napatalon mula sa kama ko at binuksan ang pinto ng kwarto. Nagulat si shakira sa inasta ko lalo na nang matabig ko siya. Nagmamadali akong bumaba nang mapatigil ako at nadidismayang napatingin sa kaibigan kong ang laki laki ng ngiti sa'kin.

"Oh bakit naman ganyan mukha mo tol?"

Napapikit ako at dumiretso sa sofa para umupo. Akala ko pa naman si cally. "Ba't ka nandito?" sabi ko sa kanya at siyang lapit naman niya sa'kin. "Nasa labas si rhev aakitin ka sana namin lumabas kas—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, "Tara" sabi ko at agad na lumakad palabas ng bahay. Wala pang dalang sasakyan ang mga loko. Hayae na, mas masaya sumakay ng jeep. Ginulo gulo ko ang buhok ko at lumapit kay rhev.

"Hindi naman mukhang excited kang makasama kami lumabas, ethan manuel corpuz?" sinamaan ko ng tingin si rhev nang tawagin niya ako sa buong pangalan ko. Kaya nga ako sasama sa kanila para mawala badtrip ko tapos ipapaalala pa niya si cally sa'kin.

"Gwapo pa rin naman ako kahit nakapambahay" pagyayabang ko. Tunay naman eh.

"Aba nakapambahay lang din naman tayong dalawa, rhev. Pero mas gwapo ako sa'yo" sabat ni liam na sinarado ang gate. Lumapit ito sa'ming dalawa at gumitna saka kami inakbayan. "Tayo muna, wag na si samantha" sabi nito na ikinatawa naman naming dalawa ni rhev.

"What did you say, traitors?"

Para kaming napapahiyang sabay-sabay na napalingon sa likod namin kung saan nanggaling ang boses na iyon. Napakagat ako ng labi.

"S-sam..."

"Ahh... Kaming mga lalaki muna samantha"

Pareho kaming napatingin ni liam kay rhev pagkatapos ay kay samantha para tingnan ang naging reaksyon nito pero parang nabunutan kami ng malaking tinik sa dibdib nang ngumiti ito at nagpamewang. "Joke, I came here for ate shakira."

"What?" tanong ko. "Ano naman gagawin niyo?"

"Well, I just have some business to do with her. Take care jowa's! " she said as she waved her right hand at pumasok sa gate namin.

***

Katherine's POV

Pagkarating ko sa bahay ay naisalampak ko kaagad ang aking katawan sa sofa namin. I really had so much fun with olivia. Nagpasundo siya doon sa driver nila at inihatid lang nila ko dito. Umayos ako ng upo at kinuha yung stuff toy na pinili niya para sa'kin. Napangiti ako at kinuha ang phone ko para kunan ito ng picture. I posted a selfie of me and olivia on Instagram followed by this cutie stuff toy's photo.

Pagakyat ko ng kwarto ko ay nainis ako sa nadatnan ko. Nabitawan ko kaagad ang mga napamili ko na para sa'kin kasi pinadala ko na siyempre kay olivia yung sa kanya.

"Omo, are you okay baby elly??" malambing na tanong ko sa cute na white pomeranian. Binigyan ko kaagad ito ng pagkain niya pagtapos ay kinuha ang cellphone ko at tinawagan si manuel.

"Hala!" nasabi ko na lang nang makakita ako ng items for pets.

"Bakit ate?" tanong ni olivia

"I left baby elly alone. Baka magutom siya hindi pa naman ako nakapaglagay ng food niya" pagaalala ko. Ayoko mamatayan ng aso dahil lang sa kapabayaan ng amo niya! Okay, I should blame myself for this.

"Baby elly? w-who's that?" nagtatakang tanong sa akin ni olivia.

"Gift ni kuya ethan mo for me, a cute puppy" sagot ko sa kanya at kinuha ang phone ko para itext si corpuz.

Pay for my first kiss Where stories live. Discover now