Chapter 38 : The Necklace

52 10 0
                                    

Ethan : heyyy still up baby?
seen

Katherine : Yup why?
sent

Ethan: Matulog ka na anong oras na.
seen

I pouted. Pinatay ko na ang cellphone ko at humiga na ng kama. Yakap yakap ko ang unan ko nang kumirot ang sugat ko. Napangiwi ako at tumagilid ng pwesto. Naalala ko, hindi pa pala ko nakakapunta sa studio. Bukas na lang.

K I N A B U K A S A N

"Kathy!" sinalubong ako ng mga dating teammate ko pagkapasok ko ng studio.

Nang yakapin ako ni lyka ay napangiwi ako dahil natamaan niya ang sugat ko. "What?" nagtatakang tanong nito.

"Mag t-training ka na ba kathy?" tanong naman ni riri at aldus.

"Inaantay ka namin non hindi ka naman sumipot. Kamusta?" sabi naman ni mandy kaya napangiti na lang ako. "I'm sorry"

Sinabi ko sa kanila ang nangyari sa'kin at nagulat sila sa ibinalita kong iyon. Kaya nasagot na rin nun ang tanong nila kanina. Hindi pa ako pwede magtraining kasi medyo makirot pa ang sugat ko.

"Grabe naman pala talaga. Hindi ka ba lumaban?!" riri.

"Syempre lumaban" umirap ako at tumawa sa kanila.

"Pero buti naman walang ibang masamang nangyari sa'yo." nagaalalang sabi naman ni aldus.

"Eh kamusta na yung mga hayop na gumawa sa'yo nun?" mandy.

Umiling ako, "I don't know. Wala pa rin sila sa legal age para makulong at if ever man na mangyari yun ay alam kong magagawan nila ng paraan, pero si martin dinala ata sa mental hospital kasi lumala na pala ang sakit niya." bigla ko na namang naalala yung ginawa niya. Damn, I'm so stupid for trusting him.

Half day lang kami ngayon at dito ko sa studio dumiretso. Tumunog ang cellphone ko kaya tumayo muna ako saglit, "Wait lang guys ha"

Lumayo ako nang konti sa kanila saka sinagot ang tumatawag na si ethan. "Where are you?"

Napabuntong hininga ako nang parang nagaalala ang boses nito. "Don't worry ethan, I'm with my friends"

"Friends? Meron ka pala non? Paano ko sila pagkakatiwalaan?" napatawa naman ako bigla sa inasal nito.

"Don't worry. I'm safe here." sabi ko at pinatay ang tawag. Tinext ko naman agad sa kanya kung nasaan ako para iwas alala na rin. Tsaka nagpaalam din naman ako kay mama eh duhh.

Bumalik na ko sa upuan ko at ngumiti sa kanila. "Kamusta pala kayo?" pagsabat ko sa usapan nila.

"We're pretty good, kathy." sagot nila.

"Wait!" napatingin naman kami kay riri na nakatingin sa kanyang cellphone. "Kathy, malapit na birthday mo!!"

"Omy god wee?" sila.

Napaawang naman ang bibig ko at napatawa. "How did you know?"

Itinaas niya ang cellphone niya at ipinakita yung sa facebook. Ngumuso ako at kunwaring nagtatampo "Akala ko naman tanda mo birthday ko"

Pay for my first kiss Where stories live. Discover now