Chapter 35 : I'm Sorry for Being Late

45 12 0
                                    

Third Person's POV

Pagkababa ng sasakyan ni shoti ay nagmamadali itong pumunta sa istasyon ng pulis para ipagbigay alam sa mga ito na alam kung nasaan ang pinsan na si katherine. Samantala naman ay nauna si ethan sa kadahilanang hindi siya mapakali at pag aalalang baka kung anong mangyari kay katherine.

Habang nagmamaneho ay hindi maipagkakaila ang mga pawis na tumatagaktak sa kanyang mukha kahit na air-conditioned ang sasakyan ng magulang niya. Hawak hawak nito ang cellphone niya at sinusundan ang maliit na pulang bilog kung saan nandoon si katherine.

Dumaan siya sa isang napaka liblib na lugar at talaga namang madilim na paligid ang madaraanan. Hindi ito mapakali at paulit ulit nitong sinasabi ang pangalan ni katherine.

Samantala...

Pilit na pinatatag ni katherine ang loob niya habang papilay pilay na papalapit sa kanya si martin, ang itinuring niyang kaibigan na hindi niya inakalang pagtataksilan siya.

"Martin stop please!" umiiyak na pagmamakaawa niya ng muling itutok ng lalaki ang baril sa kanya. "Please don't do this"

"No!" sigaw naman ni martin. Tumawa ng napakalakas ito at kakaiba ang naramdaman ni katherine dito. Buong buhay niya ay hindi niya alam na may sakit pala ang tinuring niyang kaibigan, buong buhay nito ay hindi niya inakalang magagawa sa kanya nito ang ganitonv bagay. "All I just want is you! Pero bakit ipinagdadamot ka nila sa'kin? Cally napaka manhid mo! Matanggal na kitang gusto! Bakit hinayaan mong dumating sa ganito sitwasyon?" muli itong tumawa ng malakas at ipinang kamot sa ulo ang baril. "Sinong ipinagmamalaki mo? Si ethan? Hahahaha! Eh asan siya ngayon sige nga?!"

"He will save me! Siguro kaya si ethan ang gusto ko ay hindi siya katulad mo! Hindi ko alam na may sakit ka pala! You're sick martin! You're sick!" sigaw ni katherine pabalik pero napapitlag ito ng paputukin ni martin ang baril.

Nanlaki ang mata ni katherine nang makarinig ng sasakyang padating. Lumingon ito sa likod niya at nakita niyaang isang sasakyan na tumigil. Papalapit na siya rito nang matigilan siya sa nakita niya.

Tumawa ng malakas si martin,"You thought it's your savior! Hahaha! I'm sorry but you are not lucky tonight!"

"Hi there! Surprised?" sabi ng isang babaeng bumaba sa sasakyan na akala niya ay si ethan.

"C-camila" she uttered.

Lumapit dito ang babae, "Well, ako nga. Miss me?" sambit nito at lumapit kay martin. Hinawakan nito ang mukha ng lalaki at ngumiti.

"Very good louis martin. Maaasahan ka talaga"  sambit nito na nakapagpa pantig ng tenga ni katherine.

"What is the meaning of this?" naguguluhang tanong ni katherine. I wanna go home. Please

Camila laughed like an evil, "Ohh. Ang bilis mo naman makalimot. Girls!"

Napalingon sa likod si katherine nang bumaba ang dalawang babae sa sasakyan. May dala ang mga ito na pamalo at nakangiting lumakad papalapit sa kanila.

"Ngayon mo ilabas ang tapang mo girl!" sigaw nung isang babae.

"Sayang at wala dito yung isa mong kaibigan!"

Tumawa silang lahat maliban lang kay katherine na halo halo na ang nararamdaman. I can beat them all but why I have this feeling that I can't?

"You look nice in your dress! May nangyari na ba martin?" sabi ni camila na nakapagpa igting ng panga ni katherine. Gumuhit sa labi niya ang mala demonyong ngiti.

"You know what? You look pathetic" sarkastikong sabi ni katherine dahilan para mawala ang ngiti ng mga kaharap niya.

Lumapit sa kanya ang isang kaibigan ni camila at buong lakas siya nitong pinalo sa braso ng hawak nitong pamalo. Napasigaw sa sakit si katherine, "Is that what you've got?!" pang aasar nito. Nang lumapit ang isa upang ipalo sa kanyang likod ang dala nitong pamalo ay lumabas ang kulay pulang likido sa bibig ni katherine.

Pay for my first kiss Où les histoires vivent. Découvrez maintenant