Prologue

73 1 2
                                    

Nandito kami ngayon ni Seungcheol sa isang park. Gabi na at wala nang masyadong tao sa paligid. Siguro dahil na rin sa sobrang lamig. Hindi ko alam kung may paparating bang ulan pero isa lang ang nasisigurado ko.

May paparating na 'di ko inaasahang mangyayari.

"Cheollie ko, bakit ba niyaya mo ako dito ha?" Tanong ko sa kanya pagkaupo naming dalawa. Magkahawak-kamay kami ngayon. Naramdaman kong nanginginig ang kamay niya. Bakit kaya?

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko kay Cheollie at hinaplos ko 'yung kamay niya. Tumango naman siya pagkatapos ay huminga ng malalim.

"Jeonghan." Seryosong sambit niya. Natigilan naman ako kasi tinawag niya ako sa tunay kong pangalan at hindi sa endearment naming dalawa.

Anong meron sa kanya? Kinakabahan ako.

"B-bakit?" Nauutal na tanong. Bakit bigla akong kinabahan? Ayaw kong isipin na ito na 'yun pero bakit ayun ang kutob ko ngayon?

"Alam mo naman na mahal na mahal kita, diba?" Sabi ni Seungcheol na siyang tinanguan ko.

Alam ko, Cheollie ko. Alam na alam.

"At handa akong gawin lahat mapasaya ka lang." Sabi niya at nakita ko na may nangingilid nang mga luha sa mata niya. Nagsimula na din akong maiyak.

Makikipag-break na ba siya?

"Ch-cheollie ko, bakit g-ganyan ka m-magsalita ngayon?" Pinilit kong ayusin ang pagsasalita ko pero hindi ko magawa. Masyado akong nasasaktan.

"I'm breaking up with you, Jeonghan. Malaya ka na." Kasabay nun ay ang tuluyang pagbagsak ng luha naming dalawa.

Wala na. Wala na kaming dalawa.

"Paano ako magiging masaya kung makikipag-break ka sa'kin ngayon ha?" Ayaw ko siyang sigawan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sobra akong nalilito sa mga nangyayare ngayon.

"Trust me, Jeonghan. Ginagawa ko ito para sa ating dalawa." Sabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Padabog ko namang inalis iyon.

"BIGYAN MO MUNA AKO NG ISANG DAANG RASON PARA MALAMAN KO KUNG BAKIT GUSTO MO NA MAKIPAG-BREAK SA'KIN!" Sigaw ko at hinilamos ko ang mukha ko na punung-puno na ng luha ko.

"Kahit ngayon lang, Jeonghan. Sundin mo ako. Sundin mo ang gusto ko." Sabi ni Seungcheol at tumayo na din. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.

Great. Nakikisabay ang panahon sa nararamdaman naming dalawa.

"Ang daming pwedeng ipagawa sa'kin, Seungcheol! Bakit ito pa?!" Nanggigigil na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na akong nasasaktan.

"Please, Jeonghan... Pumayag ka nalang." Kahit na basang-basa na kami ng ulan ay nakikita ko pa rin ang pagluha ni Seungcheol. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa.

"Kung iyan ang gusto mo." Huling sinabi ko at tumakbo na. Hindi ko na kaya.

Narinig ko si Seungcheol na tinatawag ang pangalan ko pero ni minsan ay hindi ko siya nilingon. Natatakot ako na baka 'pag ginawa ko iyon ay magbago na ulit ang desisyon ko at magmakaawa ako sa kanya na huwag niya akong iwan.

"Jeonghan, sandali lang!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinapansin. Patuloy pa din sa pag-agos ang aking luha.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makakaya ko. Wala na akong masyadong makita ngayon dahil sa mga luha ko.

Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na busina galing sa isang sasakyan. Tila nabato ako sa kinatatayuan ko. Puta. Katapusan ko na ba? Kung ganon, masaya ako dahil mawawala na ako sa mundong ito.

Si Seungcheol nalang ang pinanghahawakan ko pero bakit pati siya iniwan ako?

"JEONGHAAAAAAAAAAN!" Ayan ang pinakahuling salita na narinig ko sa taong pinakamamahal ko bago ako mawalan ng malay.

Amnesia (Jeongcheol)Where stories live. Discover now