Chapter 2

14 1 6
                                    

Seungcheol's POV

Andito ako ngayon sa mall kasama si Mingyu. Nagpasama kasi ang mokong kasi may bibilihin daw siya na regalo para sa boyfriend niya. Hindi ko naman kilala kung sino iyon kasi ilang months palang kami magkaibigan ni Mingyu tas kailan lang siya nagkasyota.

"Hyung, sandali lang. May nakalimutan ako sa kotse ko. Maggala-gala ka muna diyan. Itetext nalang kita kung saan tayo magtatagpo." Sabi niya at agad na umalis na. 'Yung batang 'yun talaga! Siguro naiwan na naman niya wallet niya?!

Napailing nalang ako at lumabas ng department store. Balita ko, may The Saem daw sa mall na ito. Mapuntahan nga. Ang gaganda pa naman ng mga products nila doon. Hehe.

Habang naglalakad ako ay iginagala ko ang aking mata para hanapin kung saan ba 'yung The Saem nakapwesto. Bagong bukas lang pala ang mall na ito kaya pala hindi ko ito alam. Kakauwi ko lang rin kasi galing ibang bansa, 4 months na ang nakakalipas.

Nakakamiss kasi ang Pilipinas at saka siya...

Hay. Ang tanga ko sobra. Ako na ata ang pinakatangang tao sa buong mundo. Bakit kasi hindi ko masabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako nakipag-break sa kanya.

Paano nalang kung makasalubong ko siya isang beses tas itanong niya sa'kin ulit iyon——— teka. Huwag kang assuming, Cheol. Malay mo nakamove-on na pala sa'yo 'yung tao.

Sa pagiging lutang ko, hindi ko alam na may nabangga na pala akong isang lalaki. Agad naman akong humingi nang tawad.

"I'm sorry!" Agad na sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siya na natigilan sa pagpupunas ng tissue sa kanyang damit. Teka lang...

'Yung damit na 'yun... parang natatandaan ko pa iyon ah?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingala na ang taong nasa harapan ko ngayon. Tangina. Ang mahal ko.

"Jeonghan?" Bulalas ko. Hindi ba ako nananaginip ngayon? Nasa harapan ko talaga siya? Talagang-talaga? Walang halong joke?!

"J-jeonghan.... kamusta ka na?" Gusto ko siyang hawakan ngayon pero hindi ko magawa kasi may bumubulong sa'kin na wala akong karapatan.

Sinaktan mo eh. Wala kang karapatang maging masaya ngayon.

"Sino ka?" Para akong nabato sa narinig ko. Tinatanong niya kung sino ako? So tunay nga ang balita na nagka-amnesia siya?

"Sorry pero hindi kasi ako nakikipag-usap sa stranger." Kalmado pero dama ko ang bawat salitang binibitawan niya. Naiiyak ako. Parang kailan lang, boyfriend kita. Ngayon, stranger nalang ang tingin mo sa'kin?

Hinawakan ko siya sa may balikat. Humarap naman siya sa'kin.

"Hindi mo na ba ako naaalala?" Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ko na siya mahal. Mahal ko pa din si Jeonghan. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya kaya nasasaktan ako ngayon dahil hindi niya na ako kilala.

"Dapat ba kitang maalala?" Nagtatakang tanong niya na siya namang ikinadurog ng puso ko.

"A-ako 'to... si Seungcheol."

"Sorry pero hindi talaga kita kilala eh. Pasensya ka na." Nakikita ko sa mukha niya na wala talaga siyang maalala tungkol sa'kin. Gusto kong isipin na ginagawa niya lang ito para gantihan ako pero bakit?

Bakit nakikita kong totoo na may amnesia talaga siya?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito pero wala akong pakialam. Bahala sila kung anong gusto nilang isipin sa'kin. Ang mahalaga, maiiyak ko ito ngayon kasi ang sakit.

Amnesia (Jeongcheol)Where stories live. Discover now