Chapter 1

32 1 3
                                    

After 3 years..

Jeonghan's POV

"Anak, gising na. Pinaghanda kita ng breakfast." Napamulat ako ng aking mata nang marinig ko ang boses ni Mama. Nakita ko siya na nilapag ang tray sa may gilid ng kama ko. Agad akong umupo at nag-smile sa kanya.

"Goodmorning, Ma." Sabi ko at kinusot ang mata ko.

"Goodmorning, anak. Kain ka na." Sabi niya at kinuha iyong tray. Nag-sign naman ako na pupunta lang ako sa CR para maghilamos ng aking mukha pati na din magmumog.

Pagkatapos noon ay bumalik ako sa aking kama at kinuha iyong tray kay Mama.

"Ang galing mo talaga magluto, Mama." Pagpuri ko sa kanya na siya namang ikinangiti ni Mama. Ganda ng Mama ko.

"Paborito mo iyang pagkain eh kaya sinasabi mo na ang galing kong magluto." Sabi niya at ngumuso pa sa'kin. Natawa naman ako.

"Kahit naman hindi ko paborito iyong pagkain, masarap ka pa ding magluto!" Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain habang si Mama naman ay pinagmamasdan lang ako.

Ganyan iyan. Ilang years ako nawala sa piling niya eh. Huwag niyo na itanong kung bakit.

"Anak. May gusto lang sana akong itanong." Nag-sign ako sa kanya na ituloy ang kanyang sasabihin habang kumakain ako. Narinig ko naman na bigla siyang huminga nang malalim.

"Hindi mo pa din ba naaalala si Seungcheol?" Agad akong napatigil sa pagkain. Bigla akong nawalan ng gana. Pagkarinig na pagkarinig ko palang ng pangalan niya, naiinis na agad ako.

"Mama, sinabi ko naman sa inyo diba na hindi ko nga siya maalala." Sabi ko at tinignan si Mama sa kanyang mata. Nakita ko naman na parang nagda-doubt siya sa sinabi ko.

"Sigurado ka ba? Simula nung magka-amnesia ka at nung gumaling ka, si Seungcheol nalang ang hindi mo maalala?"

Ang tanong, Ma. Nagkaamnesia nga ba ako? Lol.

"Ewan ko, Ma. Hindi ko talaga maalala kung sino iyong tao na iyon. Baka ayaw na talaga ipaalala ni Lord sa'kin kasi baka may ginawang katarantaduhan sa buhay ko kaya ganon." Kalmadong sabi ko pero sa totoo lang, nagsisimula na namang madurog ang puso ko.

"Anak, sana maalala mo na siya." Sabi ni Mama at ngumiti sa'kin. Nag-smile nalang rin ako pabalik para hindi niya mahalata ang totoong nararamdaman ko ngayon.

Pinaalis ko muna si Mama sa kwarto ko. Sinabi ko sa kanya na ako nalang magdadala ng pinagkainan ko sa baba. Pagkaalis niya ay agad kong inilapag iyong tray sa may table.

Hindi ko na naubos iyong pagkain. Tsss.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at agad ma tinawagan si Wonwoo. Kailangan kong mag-rant sa kanya ngayon.

"Hello, Wonwoo."

"Oh, Jeonghan hyung. Napatawag ka? May problema ba?"

"Pwede ba akong pumunta diyan sa apartment mo ngayon?"

"O sige. Tamang-tama. Kakaluto ko lang ng pagkain."

"Nakakain na ako. Salamat nalang. May gusto lang talaga ako sabihin."

"Ganun ba? Okay."

Pinatay ko na ang tawag at nagpunta na ako sa CR para manligo. Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Kinuha ko ang tray at pagkakita ko kay Mama sa kusina ay agad ko itong ibinigay.

"Pasaan ka?" Tanong niya sa akin.

"Kina Wonwoo lang, Ma." Simpleng sagot ko sa kanya. Sa kabilang kanto lang naman ang bahay nina Wonwoo at hindi naman ganoong kalayo kaya okay lang.

Amnesia (Jeongcheol)Where stories live. Discover now