Chapter 3

24 0 0
                                    

Jeonghan's POV

Ala una na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog. Tinry ko magpatugtog ng nakakaantok na kanta pero walang effect. Tinry kong ipikit 'yung mata ko - nagbabakasakaling makatulog ako pero kahit anong gawin ko, gising na gising pa din ang diwa ko.

Choi Seungcheol, tignan mo 'tong ginagawa mo sa'kin ngayon.

Try ko kayang bilangin 'yung hibla ng buhok ko? Tangina. Para kang tanga, Yoon Jeonghan. 'Di ko na alam sa'yo.

"Hay. Bakit ba kailangan mo pang bumalik sa buhay ko?" Saad ko habang nakatingin lang sa itaas. Hindi na naman siya maalis sa isipan ko.

Kailan ba naman kasi nawala 'yung tao na 'yun sa isipan ko?

"Hindi ko naman hiniling sa kahit sino na bumalik ka ulit pero bakit ngayon, namdito ka na naman?" Naiiyak ako kasi naalala ko na naman 'yung nangyari noon. Ayaw ko na sanang balikan kaso leche 'yung lalaking iyon eh.

Bumuntong hininga ko at kinuha nalang ulit ang cellphone ko. Tinignan ko ulit ang convo namin ni Seungcheol. Paniwala si tanga na may amnesia nga ako. Gusto pang makipag-close. Para ano? Para paibigin niya na naman akong muli tas sa huli, iiwan niya ako?

Tama na 'yung sakripisyo na ginawa ko noon, ano. Natauhan na ako. Kahit kailan, hindi na ako babalik sa piling mo, Choi Seungcheol.

———————————————————————

"Hyung, gising. Tulungan mo ako mamili ng pang-decorate para sa monthsary namin ng bebe ko mamaya." Narinig kong sabi ni Wonwoo pero 'di ako kumilos. Tinatamad ako gumala ngayong araw.

"Woo, iba nalang. Antok pa ako." Sagot ko sa kanya. Narinig ko naman siyang nag-sigh.

"Dali na kasi! Ikaw mas magaling pagdating sa ganito. Walang pag-asa kina Seungkwan!" Pagmamaktol niya pa at pilit ako itinatayo. Ang kulit ng batang ito.

"10 minutes, Woo. Inaantok pa talaga ako."

"Tsk. Ewan ko sa'yo." Sabi niya at umalis na sa pagkakaupo sa kama ko. Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik na ulit sa paggawa ng tulog ko.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may kinuha siya sa ilalim ng unan ko. Paniguradong cellphone ko iyon pero hinayaan ko nalang. Wala naman akong tinatagong sikreto diyan kaya okay lang.

"Oh my Gyu!" Sigaw niya na siyang nagpagulantang sa'kin. Napaupo tuloy ako ng wala sa oras.

"Bakit ba?!" Asar na sabi ko sa kanya at nagkamot ng aking ulo.

"S-si Cheol h-hyung...." Nakita kong nanlalaki ang mata ni Wonwoo habang nakatingin sa cellphone ko tas sa'kin.

Fuck. 'Yung convo namin ni Seungcheol kagabi.

Hinablot ko agad iyong cellphone ko sa kanya at saka siya pinandilatan ng mata.

"Nagkita kayo?!" Tanong ni Wonwoo. Tumango naman ako.

Umupo ulit siya sa may kama tapos hinawakan ang kamay ko. Excited ata ito na ikwento ko sa kanya ang nangyari kaya kinwento ko naman.

"Bwisit ka, hyung. Ginagawa mo pa ding excuse 'yang 'amnesia' thingy na iyan para makaiwas ka kay Seungcheol hyung."

"Ano bang gusto mong gawin ko, Wonu? Magpakatanga ulit?" Madiing sabi ko sa kanya. Napasmirk naman siya.

"Hindi naman sa ganun. Ang akin lang, pwede mo naman sabihin sa kanya na nagmo-move on ka na pero huwag mo na gamitan ng kasinungalingan." Pangangaral ni Wonu sa'kin. 'Di ko nalang siya pinansin at tumayo na. Ayokong pag-usapan ang bagay na ito. Umagang-umaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amnesia (Jeongcheol)Where stories live. Discover now