Prologue

62 5 7
                                    


Ira's POV.

"Yah Ira! Ano na?! Magsa-sign up ka ba talaga o ano??"

Pangatlong sigaw ni Kyle saakin. Ewan ko ba, di ko kasi alam ano sasalihan ko. Dance, GLEE or music, arts, or photography club? Kasi naman, bakit ba ang talented ko?

"Mi! Mag dance club ka nalang! Para kasama mo kami, hehehe." Sabi naman netong malanding 'to— I mean, ng anak-anakan 'kong si Gabbie.

"Oo nga, last year kasi di mo kami kasama." Sambit naman ni Clara. "Ay nako! Kung pwede lang ako na nag sign up para sayo." Galit na sambit ni Kyle. Tapos bigla namang sumigaw si Yoonah na ikinagulat namin.

"Pwede iyon! Gabbie did the same saakin. She signed up para sakin kasi—"
"Kaloka pwede naman pala yun eh!"

Sigaw ni Kyle, tas ayun, dumerederetso sa sign-up booth. Syempre hinabol ko, ayoko sulat nya eh.

"Kyle..Kyle ako na magsign-up para saakin." giit ko. Ayun, hinampas niya yung ballpen sa noo ko, badtrip. "Aray naman!" hinampas ko naman siya sa braso. 'Kala ko sasampalin ako pero inirapan lang ako. Buti naman.

"Magsign-up ka na nga! Bagal-bagal, class Secretary pa man din." singhal ni Kyle, na ikinamadali ko tuloy. Saan nga ba ko? Ah, sa dance club. "Oh, saan ka? Dance?" tanong ni Clara. Ay nako, dance talaga gusto nilang pasukan ko! Di naman ako kagalingan sumayaw, kaya ko lang naman.

"Haysst. Oo na! Dance club!" itinanggal ko ang takip ng ballpen at isinulat ang aking pangalan sa listahan ng dance club.

"Uy! Dance uli si Art!" dinig 'kong tili ni Kyle. Agad naman akong tinulak sa tabi nina Gabbie at Clara para tignan. Sino si Art? Pamilyar pangalan niya.. ay teka. Yung crush ni Clara nun!

Tsk, panget kaya nun!

"Weh?! Omg! Sana naman, pansinin na ko nun!" sigaw ni Gabbie. Nako, landi neto.

"Nako naman, landede."
"Jogiyo?! Ako kaya pinaka meron sainyo noh!"
"Wrong grammar naman!"
"Di kaya!"

"Girls, excuse me please."

Sabay-sabay kami napatingin apat. Si Art pala yun! "Oy Art, wag ka mag-excuse me diyan. Di yan mga babae! Lalo na si Kyle at Ira."

Art's POV.

Nanga-asar nanaman 'to si George.
"Tsk as if naman lalaki ka, George. Ay mali, Georgina ba or Georgia?" sarkastikong tanong netong inasar ni Neil. Ano pangalan niya? Siya lang ata di ko kilala dito.

"Nako lumalabas na si inner Ira. Ayan nang Ira-p na." Pagiinarte ni Clara. Ay nako, kaya ayoko dito eh. "Dun ka na nga! Iniinis mo inner self ni Ira eh!" dagdag pa neto. Ah, ayun, Ira pangalan niya.

"Kahit sino naman ata maiinis pag nakita si George Neil Roxas eh." banat ko, sabay tawa. "Ang sama ninyo sakin! Kala ko ba best friends tayo Art? Ira? Isa ka pa Clara! Mag-pinsan tayo ah!" mangiyak-iyak na sigaw ni George. Syempre tinawanan lang namin siya. Pero ito namang si Ira, inasar pa lalo.

"Nako, kaya mo lang kami inaasar, kasi crush mo ko eh." another sarcastic remark from Ira. Ay nako. Ay teka. Parang si Ira yung kinukwento si George na

Crush niya?

"Ang ganda ganda niya kaya! Kasi alam mo yun, mataray."
"Galing kaya niya! Talented!"

Midnight LoversTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang