1. You get me.

24 3 0
                                    

Art's POV.

"Hoooy! George! Ano na? Tara na!" sigaw ko kay George. Jusme! 'Nung petsa na! Teka, sumasayaw siya kasama si.. Ira?

"Nice, Ira!" I hear George's cheer. Sinasayaw ni Ira yung ginawa naming choreography nina Kyle at George. Tama naman pag-sayaw niya. Magaling naman.

Foot work, check.
Hand movements, check rin.
Transitions, check.
Timing, check.
Flow, check.
Facial expressions, check.

Astig pala sumayaw si Ira eh. Bagay nga sa dance club. Pwede rin sumali sa cover group.

"George Neil Robles Roxas! Ano na?! Tama ns pag-landi mo sa best friend ko! Uwi na tayo, nagiintay si Art!" galit na sigaw ni Clara. Opszxcv. Exposed si George.

"Clara naman, eh! Ingay mo! Err.. Di ko na marinig music namin!" sigaw pabalik ni George. Oof, defensive? "Tsk. Tara na kasi George." lumapit ako kay George. Este, gumitna ako kay George at Ira.

"Hmph, bwisit kayo. Pero sige na nga. " pikon na si baby damulag. "Ira oh, phone mo. Bye!" biglang pabebe na boses. What the heck? "Sige, bye! Ingat kayo!" sagot ni Ira then waved us goodbye.

Naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep. Medyo malayo, pero okay lang.
Kaso.. Ewan ko bakit, pero di maalis sa utak ko pag-sayaw ni Ira.

The way she moved to the beat, her hair moved along, ewan. I found it so cool, ang galing niya.

Ay nako! Knock it out, Art! Crush ng best friend mo yan! Ay di pala sure. Inaasar lang. Pero malay mo, Andrew! Hay, bawal ka ma-fall.

"Shit— Oi Art!"
"Ano— Andrew!"

Nasa gitna na pala ko ng kalsada. Parang dahan-dahang gumalaw ang lahat. Pag-lingon ko nalang sa kanan, ay biglang, may kotse na saaking harapan. Napapikit ako.

"Art!"

Ayun nga, obyus naman. Nabangga ako. Galing Andrew Raizen Trent. Pag-mulat ko ng aking mata, nasa lapag na ko ng gitna ng kalsada. Ang layo nung natalsik ko. Ay, tumalsik pala ko. Oh shit. May dugo. Nice one, Art.

"Art! Andrew, gising!"
Bwiset, bakit ba ko tinatawag na Andrew ni George. Pangit sakin, pang-gwapo yung pangalang Andrew.

"Shet, tatawagan ko na tuloy si Tita—"
Ambulance kaya muna, Clara? Sabog talaga to eh. Tsaka, jusko, patay ako kay mommy.

"Loko gawin mo munang tumawag ng ambulansya noh?!"
Uy narinig ata ako ni George. Lol, joke.

"Lah!" narinig ko nalang bigla ang boses ni Ira. "Ako na tatawag ng ambulansya, tawagan niyo na mom ni Art—"

Wala na 'kong narinig.
Wala na rin makita. Dumidilim na.
Wala na 'kong maramdaman.

Mamamatay na ba 'ko?

Sana naman

Oo.

Third-Person / Author's POV.

Nawalan na ng malay si Art, na ikina-takot at gulat ng tatlo.

"H-hala.. George.. Sumagot na ba si Tita Rei?" tanong ni Clara habang nanginginig sa takot. "Di pa- Ay ayun! Tita Rei! Pasensya na 'ho kung nai-istorbo ko kayo.. Pero please wag ka po masyadong magulat– Err... nabangga po si Art.." dinig ang kaba sa boses ni George. Dahil sa kabila ng linya ng telepono, mangiyak-iyak sa kaba ang ina ni Art.

Midnight LoversWhere stories live. Discover now