C H A P T E R 6

171 7 0
                                    

"Let go of it so you won't be hard. All heavy, lighter when they release."


"Stop going back to the people who cheated on you. Stop letting peoples opinions make you feel bad about yourself. Stop checking for a person who doesn't check for you. Stop investing your heart into someone who mistreats you. You're way better than that."


"Not all passion is always happy sometimes it comes to the point that we are so much hurt and we feel that we can't even get the pain so we can just say that "pass first, I can't" I can't afford it anymore Pain."


"Let go of the things that are offensive to you
Even if you make it happy.
Don't wait for the day that you're experiencing the pain,
And you've left your pleasure.."

AT THE HOSPITAL

Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata at alam nya na agad kung nasaan na sya ngayon.


"Hay salamat at nagising ka na!" Sabi ng kanyang kaibigan na si Nicole habang mahinang hinahampas ang kanyang braso



"Ano ba?! Oo gising na ako!" Inismiran sya ni Rissa at pinagpag ang mga kamay nyang pumapalo sa braso nya.



"Bakit nga ba ako nandito?" Napalingon sya kay Rissa. "Ano bang nangyari Nicole?"




"Seriously, hindi mo matandaan?"




"Hindi naman siguro ako magtatanong kung alam ko."



"Wow ha. Grabi ka!" Natatawa nyang sabi.

"Ano nga Nicole! Nakakainis ka na ah, hmp!"




Ilang sandali pa ay pumasok na sa kwarto nya ang doktor kung saan naron siya  na umeksamen sa kanya.

"Yung nangyari sayo is just normal." Ani ng Doktor habang nakangiti.



"Ano pong ibig nyong sabihin dok?" Nalilitong tanong ni Nicole habang nakakunot ang noo.





"Congratulation Mrs. Montero, your 3 weeks pregnant." Masayang balita nito. Sabay abot ng envelope sa kanya.



Hindi sya makapaniwala sa narinig nya. Nagkatinginan ang magkaibigan. Si Nicole naman ay puno ng pag-aalala para sa kaibigan. Samantalang si Rissa naman ay nabuhayan ng loob. "Buntis ako?" Maiyak-iyak na sabi nito.



Masayang masaya si Rissa habang pinagmamasdan ang mga bitamina na binigay sa kanya ng doktor. Sa loob ng  maraming pinagdaan nya at pagsasama nila sa wakas ay nakabuo rin sila.



Hinintay niya ang asawa para ibalita sa kanya ang pagbubuntis niya. Ngunit mag-ga-gabi na ay wala pa ito ni anino nito.



"Jet? Kailan ka ba uuwi?" Tanong nito sa sarili habang nakaupo sya sa sofa.




"Anak, kahit anong mangyari kumapit ka ng mahigpit ah? Sasabihin ko sa ama mo ang tungkol sayo. Kaya kumapit ka ah?" Aniya habang hinahaplos haplos ang maliit pang tyan. Natutuwa sya kasi ganito pala ang may dinadala ka sa sinapupunan mo.

Ngunit namuti na ang mga mata niya sa kahihintay at wala parin. Nakailang dial na siya sa telepono nila ngunit sa halip na sagutin ay pinatayan pa siya nito.



Kaya napag-isipan na lamang nyang magpahinga para sa ikakabuti nila.


LUMIPAS ang mga araw. Hanggang sa tatlong linggo na. Hindi parin dumadating ang asawa nya. Nanlumo na sya, ngunit pinapalakas siya ng munting anghel na nabubuo sa sinapupunan niya. Hindi siya pumalya sa pag-inom ng gatas at vitamins. Ibiniling kasi ng doktor.na dapat uminom sya nito upang malusog at walang mangyari sa anak nila.



Desperate WifeWhere stories live. Discover now