C H A P T E R 9

194 10 0
                                    

      (A i r p o r t)

Masayang-masaya si Rissa dahil ang bait ng binata sa kanya. Kung sino yun si James ang tinutukoy nya. Pakiramdam nya ngayon lang sya naging masaya at malaya. Kasalukuyan silang naririto sa Airport.

Ang swerte nya kasi ang gwapo ng binatang kasama nya at ang bait pa. Pakiramdam nya crush nya na ito. Sinabi narin ni James na buntis ito. Gulat man sya ng malaman na may dinadala sya ay masaya pa din sya dahil ang AMA ng dinadala nya ay ang crush nya.

Naglalakad muna sya sa Airport at hawak hawak ang maliit pa nyang tiyan napangiti siya. Mayroon kasing tumawag kay James at nagpaalam munang lalayo sya ng unti para kausapin ang tumawag.

"R-rissa" Napalingon sya sa likod nya ng marinig ang salitang RISSA. Tinignan nya ito ng may pagtataka. Tinuro-turo ang sarili kung sya nga ang tinutukoy nito. Naplingon-lingon sya sa likod nya at walang tao. Kung gayon sya ang tinutukoy.

"Sino ka? Ba't mo alam ang pangalan ko?" Takang tanong nya rito sa binata.

Sa isip nya 'Baka baliw ito?'

Yayakapin niya sana si Rissa ng umiwas si Rissa.

"T-teka lang po,sino ka po?Anong kaylangan mo sakin?"sabi nya rito. Natatakot siya sa mukha nito. Mayron unting balbas, magugulong buhok at namamagang mata na parang kakaiyak lang.

"R-rissa. P--please let me talk to you " sabi ng binata habang hawak ang kamay ni Rissa.

Pilit nitong inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay nito. Nang mapansin nyang.............umiiyak siya.

Laking gulat nito ng lumuhod ito sa harapan nya.

Paulit-ulit na bumabagabag ang katanungan sa isip ni Rissa 'Sino to?'Tinignan nya ito ng may pagtataka.

"R-rissa P-please I'm begging you. Bumalik ka na sa kin" Nagmamakaawang sabi nito at kita nya rin na lubos syang umiiyak habang nakahawak siya sa kamay ni Rissa. Nagulat na lamang siya ng halik-halikan ang kamay nya. Inis na kinuha nya rito ang kamay nya at agad pinunasan ng bimpo.

'Who's this guy, anyway?Na aasar na ako sa kanya ha' Bulong nito sa sarili.

"Pakiusap kuya. Tumayo ka riyan pinagtitininginan na PO tayo ng mga tao rito atsaka po I don't even know you.Who are you?" Takang tanong nya rito. Hindi nya alam ng sabihin nya na hindi nya ito kilala biglang nagulat ang lalaki sa sinabi parang hindi naniniwala at nagtataka.

'Baliw na yata to e!' Nakangusong sabi nya.

"R-rissa you don't know me? I'm Jet your hu-------" Hindi nya na natuloy ang sasabihin ng bigla na lamang syang natumba. Sinuntok pala sya ni James. Napaamang ang bibig nya sa gulat.

"Halika na Rissa." Malamig na sabi ni James kay Rissa at hinigit ang kamay nya.

"Guards, alisin nyo yang lalaking yan.Wag nyong palapitin samin lalong-lalo na kay RISSA." Bigla niyang sabi habang lumalakad na sila papunta sa eroplano na inihanda ni James para sa kanila. Napalingon sya sa binata ng hindi pa sila nakakalayo. Sinulyapan nya ito na kasalukuyang naman kinakaladkad ng mga guardya.

'Sino ba sya at bakit  nya ko kilala?'tanong nya sa isipan nya. Bigla na lamang sumakit ang ulo nya. Napahawak sya sa ulo nya.

"J-james sino siya?"tanong nya kay James pagka upo nya sa disegnated seat nila.

Lumingon naman siya sa kanya.

"Wag mo muna siyang pansinin at isipin .Walang kwentang tao yun " sabi nito at ngumiti saka ginulo ang buhok ni Rissa.Ngumuso naman sya. Tinignan nya nalang ang tanawin malapit kasi siya sa bintana.

Alam nyang peke ang ngiting ipinakita ni James sa kanya. Kundi inis at galit.

'Bakit ganun na lamang ang galit ni James at naging malamig ito sa harapan ng lalaking 'yun. Sino ba kasi ang taong 'yun? Sino ba sya sa buhay ko?' Napailing na lamang ito.

'Huwag ko na lamang isipin iyon baka ikasama pa ng baby namin' bulong nito habang hinihimas ang maliit pa nyang tiyan.

Nang dinalaw na sya nang antok ay sumandal sya sa balikat ni James. Pakiramdam nyang hinalikan ni James ang noo niya. Napangiti na lamang siya ng maramdaman nya mahigpit  na hinawakan ni James ang kamay niya.

Don't forget to Vote- Comment - Share.

Desperate WifeWhere stories live. Discover now