🏐 | OO3

381 20 2
                                    

"Mas masarap talaga ang barbecue kapag libre

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mas masarap talaga ang barbecue kapag libre." sabi ni Ryu.

Napa-iling na lang si Daichi at nagsimulang magluto habang ang iba ay kumakain ng udon. Si Yu ay nakatingin sa kawalan bago niya naisipang mag-cr at subukan uling tumakas dahil medyo inaantok na siya.

"Wag niyo akong uubusan! Magccr lang ako!" sabi naman ni Yachi kanila Shoyo. Nag-ambag lang si Shoyo pero mas maraming nagastos si Kei kaya nagpapasalamat talaga siya at inaya siya ni Kei.

"Uy Tsuki, crush mo ba si Yach? Hindi kita iju-judge." pangungulit ni Shoyo. Sinamaan lang siya ng tingin ni Kei bago nagsimulang kumain ulit. Tiningnan naman ni Shoyo si Tadashi at kibit-balikat lang ang sinagot nito.

Sa kabilang banda naman, nagkasalubong si Yu at Yachi sa cr. Ang cr ay iisa at naunang dumating si Yu doon.

"Uhm, una na po kayo." sabi ni Yachi kay Yu. Napatitig si Yu kay Yachi. Ito ang unang pagkakataon na mas matangkad siya sa babae

"Cute." sabi ni Yu bago siya pumasok sa cr na may ngiti sa labi.

Hindi nagtagal sa loob ng cr si Yu dahil hindi naman siya talaga nangangailangan mag-cr at pagkalabas niya ay nakasalubong niya nanaman si Yachi. Sa gulat ni Yachi ay muntik na siyang mapatama sa pader, mabuti na lang at nahawakan agad ni Yu ang likod na ulo ni Yachi.

"Ingat." paalala niya kay Yachi bago siya bumalik sa kanilang lamesa. 

"May nangyari bang nakakatuwa sa cr?" tanong ni Ryu sa kanyang kaibigan. Nakuha rin niyon ang atensyon nila Asahi. Lahat sila nakatingin kay Nishinoya Yu at naghihintay ng sagot nito.

"Wala... masyado." pabitin na sagot ni Yu.

Nang si Yachi naman ang bumalik sa kanilang lamesa, mapula ang kanyang pisngi kaya inasar siya ni Shoyo na parang nakainom ng alak.

"AHAHAHAHAHA."

"Ang ingay Shoyo." saway ni Yachi kay Shoyo pero hindi pa rin tumitigil si Shoyo sa katatawa, pati ang ilang customers ay natatawa na rin dahil kay Shoyo.

Napatingin si Yu sa lamesa nila Shoyo.

"Schoolmate natin yun ah." usisa ni Ennoshita.

"Social butterfly yan." si Sugawara naman.

"Kaibigan ni Shimizu yung babae. Nakikita ko silang magkasama minsan." sabi ni Daichi.

Nag-aalangan pa si Yu na itanong pero dahil naging interesado siya nilakasan niya na ang loob niya. "Anong pangalan?"

Makahulugan at may pangaasar na tingin ang binigay ni Ryu kay Yu.

"Hmmm... Hitoka. Hitoka Yachi. Taken na ata yan. Yung nakasalamin na matangad ata ang boyfriend."

"Hindi ko tinanong kung may boyfriend na." masungit na sabi ni Yu.

"Chill ka bro. Additional information lang."

"Hindi ka naman sure." pasaring ni Narita.

"Kaibiganin mo rin si Hinata Shoyo, madaldal yan." pahabol na advice pa ni Ryu.


---
a/n: don't mind the time stamps + samgyup huhu

❛ ˢᵉⁿᵖᵃᶦ  ً ⁿ‧ʸᵘWhere stories live. Discover now