🏐 | O41

151 9 3
                                    

Pinatay ni Yachi ang cellphone niya bago naglibot sa school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinatay ni Yachi ang cellphone niya bago naglibot sa school. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto siya ni Noya.

Nang pumunta siya sa gym, nakaupong mag-isa doon si Nishinoya. Aalis na sana si Yachi pero nakita na siya ni Noya.

"Tatambay ka dito? Ako na lang ang aalis kung ayaw mo ako dito." sabi ni Nishinoya kay Yachi.

"Hindi! Uhhh ayos lang naman senpai. Malawak naman ang gym, pwede namang magkalayo tayo."

Bumulong si Noya ng, "Pero gusto kong mapalapit sayo."

"Huh? Ano yun senpai?"

Nagdadalwang isip pa si Noya kung sasabihin niya ba o wag na lang dahil baka lumayo nanaman sa kanya si Yachi.

"Gusto kong mapalapit sayo." diretso ang tingin niya sa mata ng babaeng gusto niya.

"S-sige senpai, sorry kung ganito ako... nakakapanibago kadi na kausapin ako ng tao na may gusto sa akin." nakayukong sabi ni Yachi.

"Wag ka nang mag sorry, dun tayo sa bleachers." Sabi ni Noya habang nakangiti kay Yachi.

Pagakaupo nila ay si Noya ang nagsimulang magsalita. Si Yachi naman ay naka hawak sa kanyang tuhod at tuwid ang upo.

"Wala kayong klase?"

"Uhm, nag-skip ako..."

"Talaga? Ako rin eh. Ang daming natakbo sa isip ko. Gusto ko sanang sabihin sayo kas-"

"Okay lang senpai! Sabihin mo na." pigil ni Yachi kay Noya.

"Iniisip ko kung may pag-asa pa rin ba ako sa'yo  kasi baka may gusto ka ng iba."

Sinuklay ni Noya ang kanyang buhok na nakabagsak gamit ang kanyang daliri. Hindi mapigilan ni Yachi na mamangha sa kagwapuhan ni Noya.

Ang paboritong histura niya para kay Nishinoya ay ang nakabagsak na buhok. Para kasing ang sarap paglaruan at hindi pa masisira dahil sa gel.

"Yachi?"

"Huh? Ano yun senpai?"

"Tinatanong ko kung may pag-asa pa ba ako sa'yo."

"OO NAMAN! Ehem... oo naman, s-senpai."

Katahimikan ang narinig nang matapos iyong sabihin ni Yachi. Pinipigilan ni Noya na ngumiti bago nagsimulang magsalita ulit.

"Pasyensya na talaga kung nabigla ka at sinabi ko agad sayo kahit na kaunting beses pa lang tayo nagkakasama." paumanhin ni Nishinoya.

Umiling si Yachi bago nagsalita, "Hindi mo kasalanan 'yon senpai! At tsaka marami pa namang araw para mag-date tayo."

"HUH?"

"Ah! A-ang ... U-uhm... basta! Date para ... para sa closure! Haha closure..." kinakabahang pagrarason ni Yachi.

Hibdi alam ni Yachi kung bakit noon hindi naman siya kinakabahan kapag kasama si Noya pero ngayon parang kailangan niya ng hangin para makahinga dahil ang bilis nang tibok ng puso niya.

"Sige, anong oras ba ng labas niyo mamaya?"

"M-mamaya na agad?"

"Para sa closure crush." sabi ni Noya bago kinindatan si Yachi.

"C-crush? Uhm... uhm... Four pa labas namin senpai."

"Sige susunduin kita sa classroom niyo."

Umalis na sila sa gym at pagkarating ni Noya sa classroom ay napagalitan pa siya ng teacher, pero ayos lang, may date naman sila ni Yachi mamaya.

--
a/n: anyway, this is all because of you! thank you so much (づ ̄ ³ ̄)づ

--a/n: anyway, this is all because of you! thank you so much (づ ̄ ³ ̄)づ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
❛ ˢᵉⁿᵖᵃᶦ  ً ⁿ‧ʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon