🏐 | O58

104 7 0
                                    


"Anong nangyari?" tanong ni Yachi nang makapasok sa private room ni Yamaguchi.

Si Tsukishima ang nagsilbing guardian ni Yamaguchi dahil nasa ibang bansa ang parents ni Yams.

Lumapit si Yachi sa kama ni Yamaguchi at hinawakan ang kamay nito na may dextrose. Ang kabilang kamay ni Yams ay may pulupot na bandage, ganoon rin ang kanyang binti na mukhang matatagalan pa bago makalakad.

"Na hit and run, nasiraan ng break yung kotse. Buti hindi napuruhan ang ulo ni Yamaguchi. Baka tuluyan na yang nabaliw sayo." sabi ni Tsukki na nakatayo malapit sa ref ng kwarto.

"Ilang oras siyang nawalan ng malay?" pagbabaliwala ni Yachi sa huling sinabi ni Tuskki.

Ayaw niya iyong pag-usapan. Masaya na siya kay Nishinoya. Ayaw din ni Yachi na masaktan si Yams lalo na't kagagaling niya lang sa aksidente.

"Hi Yachi." tawag ni Yams sa atensyon ni Yachi. Binalingan siya ni Yachi na may ngiti.

"Yams, kumusta ang pakiramdam mo?"

"Masakit. Sobrang sakit. Pero salamat kasi dumating ka kahit bilang kaibigan lang." ngiti ni Yams. Gusto ni Yachi na magsalita pero walang lumabas sa kanyang labi.

Mabuti na lang at dumating si Kageyama na may dalang pagkain, naibsan ang tension sa kwarto.

"Kags!" bati ni Yachi.

"King, late ka." puna ni Tsukki.

"Tss. Usisero. Nagdala ako ng makakain mo Yachi dahil inutos sa akin ni Noya-san." sabi ni Kageyama bago inabot ang plastic ng snacks.

"Uhm, nasa labas pa ba siya?" halata ang alala sa tono ni Yachi, nabitawan niya ang kamay ni Yamaguchi.

"Oo, labas ka muna. Kami na ni Tsukishima ang bahala kay Yamaguchi." sabi ni Kageyama at nilingon si Yamaguchi na nagaalinlangan kung pakakawalan ba si Yachi.

"Yams? Babalik ako ah."


"How dramatic." puna ni Tsukki nang makaalis na si Yachi.

"Nagsalita ang may gusto kay Kuroo-san." sabi ni Kageyama.

Napatingin sa kanya si Yamaguchi na may pagtatakha habang si Tsukishima naman ay nanlaki ang mata at hindi makapaniwalang nalaman ni Kageyama ang lalaking nagugustuhan niya.

"Tsukki, si Kuroo san??"

"Pakialamero ka King! Porket halata na kayo ni Hinata idadamay mo ako!"

"Nye nye. Di ka nagugustuhan ni Kuroo san, masyado kang masungit!"

"You have no say on my attitude! I don't intend on pleasing you King! Nakakainis ka na!" namumula ang pinsgi ni Tsukki habang sinisigaw iyon.

Hindi pa nakikita ni Yamaguchi na ganoon magalit si Tsukki kaya hindi niya alam kung paano ito kukumprontahin.

Nagwalk-out si Tsukishima at nagkatinginan na lang si Yams at Kageyama.

"Yuu-san, nilalamig ka ba?" tanong ni Yachi nang matanaw si Nishinoya sa isa sa mga upuan sa waiting area ng ospital.

"Hmm... okay lang."

Umupo si Yachi sa tabi ni Noya. Kahit na hindi sany si Yachi sa PDA, sinunod niya ang kanyang nararamdaman ay pinagsalikop ang kamilang kamay ni Noya.

Nagulat si Noya pero agad namang nakabawi at hinigpitan pa lalo ang hawak sa kamay ni Yachi.

"May problema ba Yach?" tanong ni Noya.

"Wala, pakiramdam ko senpai... nagdadalwang isip ka. Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang gusto ko at wala nang iba. Thank you rin kasi sinamahan mo ako pagpunta kay Yams kahit gabi na... Thank you talaga senpai."

"Bakit pakiramdam ko aalis ka?"

Nilingon ni Yachi si Noya. Malungkot ang mga mata nila pero mas nangingibabaw ang sinseridad at pagmamahal.

"Hindi ako aalis Yuu-san. Gusto ko lang na hindi mo pagdudahan ang nararamdaman ko para sa iyo." marahan ang pagpatak ng bawat salita sa labi ni Yachi.

Ramdam niya ang selos ni Noya, at dahil doon ay nakilala niya rin ang matagal nang nararamdaman ni Yamaguchi para sa kanya. Pero ayaw niya na maramdamn ni Noya na hindi siya mahalaga.

"Sorry... sinusubukan ko rin maging matur-"

Niyakap ni Yachi si Nishinoya, "Okay na senpai. Ang mahalaga ay gusto natin ang isa't isa."

-
a/n: nasa stage pa ng mutual understanding si yachi at noya kaya hughug muna hehe. im lowkey shipping kags and tsukki bcs of gio, sorry sa mga kagehina at yamatsukki 😚✌🏻







❛ ˢᵉⁿᵖᵃᶦ  ً ⁿ‧ʸᵘWhere stories live. Discover now