🏐 | O52

103 11 7
                                    


"Yachi!" bati ni Nishinoya pagkarating na pagkarating ni Yachi at Hinata sa school.

"Senpai! Ang aga mo!" gulat na sabi ni Yachi. Hindi niya inaasahan na ganito ka-desidido si Noya bilang manliligaw.

"Anon ibig sabihin ng chat mo sa akin kagabi?” Habol ni Noya dahil si Hinata ay iniiwan na si Yachi kaya sinusundan siya ni Yachi.

"Ano pa ba senpai? Edi gusto kita." sabi ni Yachi ago tuluyang tumakbo para mahabol si Hinata.

Si Noya naman ay natulala sa kalgitnaan ng school at hindi pa siya babalik sa katinuan kung hindi nagring ang bell.

"Wow Yachi! I salute you!" natutuwang sabi ni Hinata.

Nahihiyang ngumiti naman si Yachi. Sa totoo lang, kagabi niya pa rin iniisip kung ano ang sasabihin niya sa crush niya na si Noya.

"Anong nangyari?" tanong ni Yamaguchi nang makitang papasok si Yachi sa room nila, at si Hinata rin kahit hindi naman sila magkaklase.

"Yachi my girl, napatulala niya si Noya senpai." ani ni Hinata bago tinapik ang likod ni Yachi.

Bahaw na ngumiti naman si Yams bago nagthumbs-up kay Yachi at nagkungwaring nagaaral.

Masakit pa rin sa puso ni Yamaguchi na may iba nang gusto si Yachi pero alam niyang dapat niyang tanggapin ang resulta nang pagiging torpe niya.

Nagsimula ang klase nang magring ang bell kaya nagmadali si Hinata na lumabas sa hindi niya classroom.

Buong morning classes ay walang pumasok sa utak ni Yachi dahil ang iniisip niya ay kung paano niya haharapin si Noya mamayang recess.

Parang pinapaboran siya ng oras dahil kay bagal ng oras kapag math time.

At nang recess na, sinundo siya ni Noya sa kanilang classroom.

"Uy si Yachi may manliligaw na senior!"

"Senior pala ang type mo Yachi!"

"Sana all type!"

Nahihiyang lumapit si Yachi kay Noya. Nakakahiya ang mga kaklase niya.

 Nakakahiya ang mga kaklase niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
❛ ˢᵉⁿᵖᵃᶦ  ً ⁿ‧ʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon