Chapter One

1.9K 30 0
                                    

#TH

Beatrice's Pov

Namangha ako sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Don Benito. Sa totoo lang hindi ito bahay kundi palasyo. Ang laki at ang gara ng mga kagamitan. May mga piguring ginto ang mga gilid ng magagandang portrait sa dingding. Karamihan doon ay mga portrait ng mag asawa. Lumapit ako sa potrait na napakalaki sa gitna. Larawan iyon ng mag asawa na may dalang baby. Ang saya nila at kahawig ko ang babae sa potrait. Lumapit sakin si Don Benito at nagsalita.

"Parents mo iyan Beatrice. You look like your mom. Iyan ang last potrait niyo noong nawala ka." sabi niya na nakangiti sa larawan ngunit kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Nasaan po sila?" tanong ko sa kanya.

"Wala na sila apo. Patay na ang parents mo. Namatay sila sa paghahanap sayo. Pumunta sila sa isang lugar kung saan ka raw napunta pero tinambangan lang sila doon at pinatay." sabi niya.

"Nakakalungkot naman po pala." Sabi ko. Ramdam ko ang lungkot dahil hindi ko man lang nakilala ang tunay na mga magulang ko. Akala ko makakasama ko na sila. 

Napansin siguro ni Don Benito ang pagkalungkot ko kaya hinawakan niya ang kamay ko.

"Don't worry iha. Nandito ako para maging magulang mo." sabi niya at niyakap ako.

"Thank you po Don Benito." pasasalamat ko.

"Lolo na lang iha." sabi niya tukoy sa pagtawag ko sa kanya.

"Okay po do- este lolo."

Ngumiti ang Lolo ka at dinala ako sa Hapag kainan. Mag aalmusal daw kami. Pagdating sa hapag kainan ay bumungad sakin ang malaking lamesa na may napakaraming pagkain. Lahat masasarap. Natakam tuloy ako at nagutom. Umupo na kami at kakain na sana ng nagsalita ang lolo ko.

"Nasaan ang young masters niyo? Bakit wala pa sila?" tanong niya sa mga maid doon.

Young masters? Ano iyon kapatid ko? Mabait din kaya sila gaya ni lolo?

"Pasensya na po Don. Hindi pa po nagigising ang young masters. Napuyat po sila kagabi." sagot ng maid sa aking abuelo.

"Ganoon ba? Ipatawag niyo sila ngayon din. Gusto ko sabay sabay kaming kakain at ipapakilala ko sila sa nag iisang apo ko." utos niya. Tumango ang katulong at umalis sa harap namin.

Nasa tabi ako ng lolo ko. Hinihintay namin ang sinasabing young masters ni lolo. 

"Lolo sino ba ung young masters na sinasabi mo? Kaano ano ko sila?" tanong ko. 

"Naku iha wag kang mag alala. Makikilala mo rin sila. Hindi mo sila kaano-ano. Mga anak sila ng mga kasosyo natin sa kompanya. Dito sila nanirahan para may kasama ako habang wala ka." paliwanag niya.

"Mababait po ba sila?" tanong ko.

"Oo naman at mga gwapo." sabi niya na natatawa.

"Gwapo? Lalaki po sila?" Tanong ko. Tumango ang lolo ko.

"Oo iha." sabi niya. 

Hindi na ako kumibo. Tinignan ko na lamang ang mga pagkain. Nagugutom na ako. 

Ang tagal naman ng mga iyon.

Maya maya may lumabas na limang lalaki. Yung dalawa nakasuot lang sila ng boxer shorts. Samantalang yung tatlo walang pang itaas ngunit nka jogging pants. Nagulat ako at napatakip ng mata ko. Nasilaw yata ako sa ganda ng katawan sa harap ko. Natawa ang lolo ko sa reaksyon ko. Ganoon din ang mga lalaking kadarating lang. Nagsalita yung isa sa walang pang itaas na damit.

"First time to see naked man? Hahaha" sabi niya sabay upo sa upuan sa harap ng mesa.

"Ha?" Sabi ko na nakapikit ang mata.

"Hahaha apo pasensya ka na ha. Aba't kayong lima hindi man lang kayo nagbihis ng maayos. Ikaw Vince at Lance bakit hindi man lng kayo nagsuot ng short? Nakakahiya sa apo ko!" sabi ni lolo.

"Sorry na lo. Tinamad kami e." sagot ng isa sa nakaboxer.

"Pati ba naman pag-shoshort kinatatamaran ninyo?" tanong ng lolo ko na iiling-iling.

"Pasensya na lo ang aga nyo kasi kaming ginising." sabi naman ng isa na boxer rin ang suot.

"Naku hayaan nyo na nga. Iha wag ka ng mahiya bukasan mo na ang mata mo. Nakaupo na sila." sabi ng lolo ko sa akin.

Binuksan ko ang mata ko. Nakita ko silang lima sa harap ko nakaupo. Nag-tshirt na ang tatlo kaya hindi na sila hubad. Infairness sa kanila gwapo at macho sila. Nakatingin lng sila sa akin iyong dalawa nakasimangot. Yung isa busy sa pagkain. Tapos yung dalawa nakangiti. Nagsalita ang lolo ko.

"Ipinakikilala ko ang nag iisang apo ko na si Beatrice Tracy Villarunza. Simula ngayon ay susundin niyo siya at aalagaan. Magpakilala kayo sa apo ko." utos ng lolo ko sa limang lalaki sa harap ko.

Nagulat ako sa sinabi ng lolo ko. Aalagaan? Talaga lng ha. Itong limang poging lalaking ito aalagaan ako. Nakakailang siguro iyon.
Nagsalita ang isa sa nakaboxer.

"Hi Beatrice I'm Vince Dela Torre. Nice to meet you!" Sabi ng isa na nakangiti. 

"Nice meeting you too." sagot ko na nakangiti rin. Sumunod yung isa na nagpakilala. Isa sa walang suot na damit at nakaboxer lang.

"I'm Lance Del Rosario." Sabi niya na nakangiti rin. Nakipagkamay siya sa akin.

"Hello Lance." sabi ko at tinanggap ang kamay niya. Mukhang mabait iyong dalawa. Sumunod na nagsalita iyong tatlo kaninang walang t-shirt.

"Hi i'm Renzo Guevarra. Welcome to the family." Sabi niya na nakangiti.

"Thank you."

"Tyron Gil Adamson." Sabi niya ng di nakangiti. Siya lng ang may pagkaisnob sa naunang apat.

"Hi Tyron." bati ko ngunit hindi diya kumibo. Medyo napahiya ako sa ginawa niya. Buti na lang ay nagsalita ang pinakahuli sa tatlong walang t-shirt.
Nagsalita nlng ang huli sa lahat. 

"Im Bryle Burn Fontilla. Welcome Bea." sabi niya.

"Salamat Bryle." sabi ko.

Mukha naman silang mabait maliban kay Tyron. Ewan ko ba cute naman siya kaso masungit siguro talaga siya. Nagsimula na kaming kumain matapos silang magpakilala. Dahil sa sarap ng pagkain ay naparami ang kain ko. Nagulat yata sila sa takaw ko. Namangha ang lima sa kinikilos ko samantalang si lolo ay tuwang tuwa sakin.

Manghang nakatingin lang ang limang binata sa akin.

"She have an appetite like a man." puna ni Tyron na seryoso na nakatingin sa akin. 

Hindi ko siya pinansin. Nagutom talaga kasi ako e. Saka ko na lang susungitan itong Tyron na ito. Sa ngayon i-eenjoy ko muna ang pagkain ko.

--

The Heiress (unedited)Where stories live. Discover now