Chapter Eight

774 18 0
                                    

#TH

Beatrice's Pov

Nasa parking lot nako ng school. Uwian na kasi kaya doon muna ako naghihintay sa sundo ko. Nauna na si Aya sakin kasi dumating na agad ang sundo nya.

Nakaupo ako sa bench ng may marinig akong nagsalita sa bandang gilid ng parking lot.

Pamilyar ang boses kya nilapitan ko.

Nakita ko doon si Stacey kausap ang isang lalaki na hindi ko kilala.

Stacey: Ano ba? Sabi ko sayo layuan mo na ko.
Lalaki: Ayoko stacey mahal kita.
Stacey: hindi kita gusto. Si Tyron ang mahal ko.
Lalaki: Hindi ako papayag na iwan mo ko dahil sa lalaking yun.
Stacey: Matagal na tayong break ano ba?!
Lalaki: Hindi nga ako pumapayag sa break up ntin. Please bumalik ka na skin.
Stacey: Ewan ko sayo sabi nya sabay alis ng lugar na yun. Dumaan sya sa kabilang daan kaya hindi nya ko napansin. Nakita ko lng yung lalaking nakaupo at umiiyak. Napalapit ako sa kanya.

Ako: Okay ka lng?
Lalaki: Okay lng miss . Cge una na ko.
Ako: anong pangalan mo?
Carlo: Im Carlo Marquez. Ikaw?
Ako: Beatrice Tracy Villaruenza nice to meet you.
Sabi ko na nakangiti binigyan ko sya ng panyo kasi basang basa ung muka nya sa iyak.
Carlo: salamat bea.
Ako: Your welcome .

Umalis na ko pero hinabol nya ko.

Carlo: Uuwi ka na?
Ako: Oo e
Carlo: hatid na kita?
Ako: wag na may sundo ako e. Magagalit si lolo pag umalis ako agad.
Carlo: ah okay sige salamat uli ah.
Ako: wala yun. Sige una na ko. Baka nandyan na ang sundo ko.

Pagdating ko sa bench na inupuan ko kanina ay nakita ko yung 5 kasama ko sa Bahay prenteng prente silang nakaupo dun.

Lumapit ako sa kanila at naki upo din. Hinitay nmin si manong. Maya maya biglang nagsalita si Bryle.

Bryle: Oy alam nyo na ba yung balita?
Ako: anong balita?
Renzo: Chismoso mo bro
Bryle: hindi ako chismoso. Narinig ko lng sa faculty.
Ako: Ano nga yung balita?
Bryle: Magkakaroon daw tayo ng Intrams this coming Month. Marami daw mga dadating na players tas dito maglalaro sa school. May pakontest din at mga booth.
Ako: Maganda yun a.
Vince: Ano ba yung intrams?
Ako: hindi mo alam yun?
Vince: Hindi e. Kahit sila hindi din nila alam.

Tumingin ako sa kanila. Wala nga silang idea kung ano yun.

Dahil dati akong nag aaral sa public alam ko yun. Bakit kaya hindi nila alam yun. Dapat kahit public may intrams.

Ako: Intrams . Yun ung ilang araw kayong puro kasiyahan lng. Walang klase at puro contest nga at mga palaro ng sports. May mga booth din. Gaya ng jail booth. Marriage booth. Basta masaya yun.
Lance: Maraming din bang mga prizes dun?
Ako: oo marami din. May trophy at kung ano anong awards.
Bryle: Nakakaexcite naman pla.
Ako: Sinabi mo pa.
Renzo: Bat nila naisipan magpaintrams?
Bryle: Ewan ko. Bigla nlng daw sinabi ng direktor e.
Ako: Si lolo?
Bryle: oo si lolo mo nga ang nagsabing magkakaroon ng ganoon.
Ako: Dapat maranasan nyo un. Part kasi yun ng school life ng isang studyante.

Sumangayon lng sila. Maya maya dumating na ang sundo namin at hinatid na kami sa bahay.
Pag uwi sa bahay ay nanunood ako ng tv sa entertainment room Wala si lolo. May meeting daw sa kompanya. Pagdating ko dun ay nandoon silang 5 abala sa paglalaro at kung ano ano pa.

Umupo ako sa sofa. May dala din akong snacks para habang nanunuod ay kumakain ako. Nakatabi sakin si Tyron at Renzo. Abala ako sa panonood ng pelikulang nasa tv. Princess diaries ang tittle ng pelikula. Gaya ko bigla rin syang yumaman dahil sya pla ang nawawalng apo ng Reyna ng Genovia. Nasa part na ng hahalikan sya ng matalik nyang kaibigan. At bigla silang nagkiss sa hardin.

Bigla ko tuloy naalala ung paghalik sakin kanina ni Tyron. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sakin. Bigla nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Akala ko hahalikan nya ko yun pala kukuha lng sya ng pagkain sa hawak kong plato.

Ako: Tsk. Kumuha ka ng makakain mo dun.
Tyron: Damot mo.
Ako: Hmmp. Sabi ko sabay tutok ng mata ko sa pinapanuod ko kanina. Ano ba yan . Assumera ako. Umaasa akong hahalikan nya ko. Para talaga akong tanga . Tapos na ang pelikula pero andoon pa rin ako. Samantalang sila ay lumabas na sa entertainment room.

Nahiga ako sa sofa. Nag iisip. Bakit nga ba nya ko hinalikan? Natuwa kaya sya sa paghalik nya skin? Ano kayang naramdaman nya?

Nakatulugan ko ang pag iisip kong iyon.

Tyron's Pov

Bumalik ako sa entertainment room para tawagin si Bea. Hinahanap kasi sya ng lolo nya.

Pagdating ko dun. Bukas ung tv. Pero walang nanunuod. Pag tingin ko sa sofa andun ang hinahanap ko. Tulog na tulog. Nilapitan ko sya para buhatin at iakyat sa kwarto nya. Makalipas ang ilang segundo karga karga ko na sya papunta sa kwarto nya. Hindi naman sya gaanong mabigat kaya madali kong nailagay sya sa kama nya. Inayos ko ang higa nya at kinumutan ko sya. Hinawi ko rin ang mga mumunting buhok sa mukha nya.

Napatingin ako sa labi nya. Ang labing kaninang ninakawan ko ng halik. Naalala ko ung scene sa tv. Halatang halata sa kanya kanina na may naalala sya sa pinapanood nya. Hahalikan ko nga sana sya kanina kaso andoon ang barkada ko. Baka masapak ako ng wala sa oras.

Pinagkatitigan ko sya. Tulog na tulog sya. Maya maya ay dinampi ko ang labi ko sa labi nya. Smack lng. Tas umalis na ko . Baka hindi ako makapagpigil at baka higit pa sa halik ang gawin ko sa kanya.
--

The Heiress (unedited)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora