PROLOGUE

8.9K 242 63
                                    


PROLOGUE

“BAKIT MO PA kasi pinapansin ang mga chismis tungkol sa’yo eh.” Reklamo ni Paul habang umiinom sila sa HD Bar na pag- aari ni Heineken.

Nag- aya siyang makipag- inuman sa mga kaibigan niyang sina Andre, Paul, Jiro, Akihiro. Busy daw ‘yong iba.

“Bud, mahirap na hindi pansinin. Nakakalalaki na eh. Sobra na. May ego din naman ako.”

Kahit alam niya na hindi siya bakla tulad ng issue sa kanya, naiinis siya. Kahit sa mga gatherings kasi, iba na ang tingin sa kanya ng mga naroon. Nakaka- insulto na.

Yes, totoong nawalan na siya ng gana sa mga babae. But it doesn’t mean na bakla siya. Maybe he’s just waiting for someone na magpapabalik ng gana niya.

“Then do what your parents wanted you to do. Get married.” Sagot naman ni Andre.

Uminom siya ng tequila bago sumagot. “Pano kung hindi pa din ako ganahan sa babaeng napili nila?”

“Then find someone. Ikaw ang maghanap. Or maghintay ka.” Sagot ni Jiro.

“Sa VIP Room tayo. Ang ingay dito.” Pag-aaya ni Akihiro.

“Sunod na lang ako.” Aniya.

Agad namang nagsi- alisan ang mga kaibigan at umakyat sa second floor kung nasaan ang VIP Rooms.

Patuloy siya sa pag- inom doon ng mag- isa. Lumingon siya sa mga nagsasayawan sa gitna.

Nakunot ang noo niya nang may nakita siyang babae na sumasayaw.

He tsked. “Mga bata talaga ngayon ang wild na.” Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa babae.

She has a petite frame, long silky straight hair, light make up, not so mini- dress, and oh, she’s pretty. Sa tantiya niya, nasa high school ito.

Nailing na lang siya. Ibang- iba na ang mga kabataan ngayon.

Umikot ulit siya paharap sa bar counter at umorder ng isa pang shot ng tequila. Mabilis niyang inubos iyon at agad na tumayo para sumunod sa mga kaibigan niya.

Mabilis siyang umikot paharap nang may nabunggo siya.

“Aray! Tangina!” Malutong na mura ng babaeng nakabungguan niya dahil natumba ito.

“Sorry, miss.” Agad niyang tinulungan ang babae. At ito ang batang nasa dance floor kanina.

Hindi niya ito nakita kaya nabangga niya ito. Parang pantay lang kasi sa dibdib niya ang taas nito kaya hindi niya napansin agad.

Napatingin ito sa kanya na may matalim na mga tingin pero agad din iyong nawala.

“Oh. Hi, pogi. Okay lang. I’m fine.” Anito at inayos ang damit.

Napangiti siya. Kids these days.

Umupo ito sa may kataasang stool ng bar counter.

“One bottle of rum and a glass with ice, please.” Anito sa bartender na mabilis namang kumuha ng isang bote ng rum at isang baso na may yelo.

Imbes na umalis, umupo ulit siya sa katabi nitong stool.

“Are minors allowed to drink now?” Kunot ang nuong tanong niya sa bartender.

Hindi umimik ang bartender at tinitigan lang ang batang babae.

Pagak itong tumawa. “Are you referring to me when you said minor?”

Tumaas ang isang kilay niya. “Yeah. Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinag-gagagawa mo? You shouldn’t be here.”

Malakas itong tumawa. “Tang’na. Di na ko minor!”

Branded Series Book 4: Shynne (Soon)Where stories live. Discover now