CHAPTER 2

5.5K 164 35
                                    


CHAPTER 2
🍻🍻🍻

TULALA SI Shynne habang nasa harap ng kaha ng shop niya.

Yes, nagbukas siya ng shop. Kailangan niyang kumita ng pera para mabayaran si Mr. Clarke.

Wala ng urungan 'to, pumayag na siya sa hinihingi ni Mr. Clarke. Pero babayaran pa rin niya ito.

Masyadong malaki ang binayaran nito na mga utang niya. Pati interest, binayaran nito. Bakit ba kasi ginawa 'yon ng lalaking 'yon? At paano naman n'on nalaman na may utang siya at kung saan siya nagka-utang???

"Bossman," Kuha ni Hope sa atensyon niya. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niyang staff. "Ayos ka lang po ba? Ako na muna diyan."

Napakurap-kurap siya. "Ah-oo. Ayos lang ako."

"Nga pala boss, absent ngayon si Lerry, masama daw po ang pakiramdam niya." Si Lerry ay isa sa mga staff niya.

Tumango siya. "Okay. Pahinga na muna siya."

Ngumiti si Hope saka inasikaso na ang  mga orders.

Maya-maya pa, may pumasok sa shop niya.

Si Mr. Clarke.

"Hi, Shynne." Bati nito habang tinatanggal ang shades.

Ang FC nito.

"Ano na naman, Mr. Clarke?"

Ngumisi ito. "Bibili ako-"

"Kung balak mo na namang ubusin ang paninda ko, huwag na." Sansala agad niya.

Ayaw na niyang madagdagan pa ang utang na loob niya dito. Baka mamaya  kaluluwa na niya ang kapalit.

No way.

Sumimangot si Mr. Clarke. "Bakit ba ang sungit mo na sa'kin? Nung nasa bar tayo ang bait mo naman."

Umirap siya. "Naka-inom nga ako n'on. Ang kulit mo din eh nuh."

May ipinatong itong eco bag sa harap niya. "Then let's drink."

She looked at him flatly. "Tirik pa ang araw, Mr. Clarke. Tapos pag-inom na 'yang nasa isip mo. Magtrabaho ka kaya sa kompanya mo?"

Nangalumbaba ito sa glass kung saan naka-display ang mga cake. "My company can survive a day without me." Ngumisi ito. "Tara inom."

"Busy ako, di ba. Ang kulit."

"Weak." Pang-uuyam na ani Mr. Clarke. "Akala ko pa naman strong ka. Tsk."

Naningkit ang mga mata niya. She felt insulted! Siya kaya ang pinaka-strong sa inuman. Minsan lang siyang nalalasing.

"Are you trying to provoke me, Mr. Clarke?"

Lumabas tuloy yung english ko. Tsk.

"Masyado namang pormal ang Mr. Clarke. Christian na lang. And no, I'm not provoking you. Disappointed lng ako dahil akala ko strong ka."

Inirapan niya ito. "Hindi nga tayo close kaya Mr. Clarke ang itatawag ko sa'yo. Saka ayokong uminom. Bakit mo ba ako kinukulit?"

Napabuntong-hininga si Mr. Clarke. "Inaaya kitang uminom para bumait ka sa'kin. Masungit ka kasi kapag hindi ka naka-inom. Ibang Shynne ang nakausap ko sa bar that night."

Nagsalubong ang kilay niya nang may maalala. "Teka nga." Namaywang siya. "Paano mo pala nalaman na may utang ako at kung saan ako nagka-utang?" Tumaas ang dalawang kilay niya.

Branded Series Book 4: Shynne (Soon)Where stories live. Discover now