CHAPTER 3

4.9K 161 44
                                    


CHAPTER 3

PLANO SANA ni Christian na pumunta sa shop ni Shynne. Ilang araw na ba niya itong hindi nakikita dahil naging abala siya sa kompanya? At dahil medyo tanga siya, hindi niya nahingi ang number nito. Siguro dala na rin ng nainom niya noong huli siyang pumunta sa shop nito.

Marami silang nainom. At hindi nalasing si Shynne. Mukhang siya pa nga ang muntik nang malasing.

"Can somebody tell me, why the fùck are we doing this shít?" Ani Paul kaya nabalik ang diwa niya habang namimili ito ng wallpaper na blue.

Nasa Karlsson Mall sila ngayon. Akala niya talaga emergency dahil 'yon ang sinabi ni Keifer nang tumawag ito.

"I don't know either." Mabilis na sagot ni Andre na namimili ng kurtina. "Akala ko importante. Sabi ni Keifer emergency daw. God! Iniwan ko pa si Reese para lang dito."

"Hey! Older Bernardo! Can you please explain to us kung ano'ng meron?" Pasigaw niyang tanong habang namimili ng princess style dresser.

"This is for my daughter, weirdos." Sagot ni Keith habang namimili ng kama di kalayuan.

Halos lahat sila, natigilan.

May anak ang abnoy na 'to? For real?

"Not a good joke, bud." Sagot ni Jared na busy sa pagpipili ng bed sheets and pillow cases na blue.

Tinawanan lang ito ni Keith.

"Well, her name is Marie Kei, she's 11. Kakagraduate lang niya sa elementary, valedictorian." Keith announced.

Lalong nalukot ang mga mukha nila sa sinabi nito.

"Is she the daughter of Mary Grace Aldamar that you mentioned before?" Tanong ni Andre habang kinikilatis ang pink na kurtina. "Reese might like this." Mahinang bulong nito.

"Yep. Daughter of Mary Grace Aldamar and Me. I'm really her father, you know."

"What the actual fúck, Keith?" Ani Jared.

Hindi na niya pinansin ang mga kulang-kulang niyang mga kaibigan at nagpatuloy lang sa pagpili ng mga gamit para sa anak daw ni Keith.

Ano kaya ang feeling nang may anak?

Pagkatapos nilang mamili ng mga gamit, tumulong pa sila sa pag-aayos ng kwarto ng anak ni Keith. Hapon na nga sila natapos.

Pagkagaling sa bahay ni Keith, dumeretso siya sa shop ni Shynne. Napangiti siya nang makitang bukas pa iyon.

Pagpasok niya, magiliw siyang binati ng staff nito na si Hope. Ito ang naka-puwesto sa kaha. Hindi si Shynne.

"Nasaan si Shynne?" Tanong niya dito.

"Nasa office po sir. Pasok lang kayo d'on. Kanina pa nga 'yon hindi lumalabas sa opisina eh." Imporma nito sa kanya.

He felt worried all of a sudden.

Dumeretso siya sa opisina nito. Kumatok muna siya bago maingat na binuksan ang pinto.

Sakto namang lumabas si Shynne mula sa restroom ng opisina. She looked pale.

"Okay ka lang ba?" Nilapitan niya ito.

Tumango lang ito pero halata sa mukha nito na hindi ito okay.

Maglalakad sana ito pabalik sa mesa nang bigla itong nawalan ng malay.

"Shynne!" Mabilis niya itong niyakap kaya hindi ito bumagsak sa sahig. "Fvck!" He hissed and hurriedly carried her bridal style.

Branded Series Book 4: Shynne (Soon)Where stories live. Discover now