CHAPTER 4: Bar

24 2 0
                                    

Umuwi na ko ng may lungkot sa aking dibdib dumaretso ako sa loob ng aking kwarto at doon nagmukmuk wala akong magawa kaya tinawagan ko si wendy sinagot naman niya agad.

[Hello]

"Wen pwede ba tayong magkita?"

[Bakit? Nasaktan ka ba dahil sa kanya? Sabi ko naman sayo mag move on kana]

"Wen di ko kaya siya lang talaga"

[Hay nako! San tayo magkikita?]

"Sa bar nalang nila Mark"

In end niya na ang tawag. Bumangon ako at naligo bumaba ako at nakasalubong ko si mommy.

Alam kong pagbabawalan niya ako magbar kaya nag isip ako ng idadahilan ko.

"Bat bihis na bihis ka baby?" Tanong ni mommy sabay lapit sa akin. "Kala Wendy po may papatulong po kase siyang gumawa ng project nila." Pagdadahilan ko.

Di niya kasi ako papayagan na mag bar simula ng nagbulakbol ako sa kanila dati.
"OK ingat ka baby." At tuluyan na kong umalis hiniram ko na lang ang kotse ni ate Trisha di nila ako binigyan ng kotse dahil sa nagawa ko noon kaya hinihiram ko na lang yung kotse ni ate mabait siya sakin lagi siyang nakasupport twing may contest akong sinasalihan.

Nang makadating ako sa bar nila Mark ay agaw Kong nakita si Wendy ayos na ayos ang babaita hahanap na naman siguro to ng lalaki.

Maganda din naman siya mahilig kaming sumali sa mga sayaw siya.

"Tagal mo naman, Tara pasok na tayo andami ditong pogi." Ang landi talaga nitong babae nato kaya marami lalaking sinasaktan lang siya pero eto kahit may boyfriend siya naghahanap parin ng lalaking lalandiin kasi MU sila nga boyfie niya Ewan ko ba dun lagi silang nag aaway di ko nga pinagkakatiwalaan yung lalaki na yun habol lang ata sa kanya sex.

"Hoy sinama kita dito para mawala yung sakit na nararamdaman ko." Hay nakong babae to sinama ko nga para maalis ko muna sa isip ko si Jason.

"Oo na Tara na pasok na tayo ."
Pumasok kami ng maingay sa loob at maraming tao yung iba sumasayaw sa dancefloor.

Sanay na ko sa ganito dahil nung Nasa ibang bansa ako noon ay bar lagi ang puntahan ko.

Umorder ako ng vodka umorder nadin si Wendy ayun andaming lalaking lumalande sa kanya.
Inom lang ako ng inom baka 3 baso na ata ako eh.

Nahihilo nako at lamalabo na yung paningin ko biglang may lumapit sa akin na lalaki habang palapit siya ng palapit ay parang sumigla muli ang puso ko nakita ko si JASON pero di ko masyadong makita dahil nanlalabo na ang mata ko biglang siyang lumapit sa muka ko parang hahalikan niya ako. Bigla nalang siyang nawala nakita ko na lang siyang bumulagta sa sahig nakita ko yung lalaking sumuntok sa lalaking kamukha ni Jason nainis naman ako bigla.

"Bat mo sinaktan si Jason? hik" Di siya sumasagot sa akin ramdam kong nakatitig lang siya. "Alam mo ba yang taong sinaktan ko ay mahal ko-hik.. Parin hanggang ngayon." Di parin siya aumasagok gusto kong ibuhos ang nararamdaman ko para kahit papaano gumaan naman ng kaunti. "Kaso mukhang nakamove na siya eh hik..." Inantay ko siyang magreact tapos ayun nagsalita rin siya kala ko pipi to eh

"Pano kung hanggang ngayon di ka padin niya malimutan?" Hay imposible. Imposibleng mangyari yun halata naman nakamove na siya eh pero umaasa akong mapapatawad niya pa ako.

"Sa tingin mo kaya mapapatawad ni-hik niya pa ako-hik?" Andaming tanong sa akong isipin pero di ko masagot sagot.

"Sa tingin mo ganun ganun lang yun pagkatapos mo siya iwan ng ilang years eh, papatawarin ka pa niya? Bakit kasi umalis ka na lang ng walang paalam!?" Ewan ko kung sino tong kausap ko parang alam na alam niya ang nangyayari saming dalawa ni Jason.

"Di ko sinadya na umalis di mo kasi alam kong ilang years akong nagtiis ng wala siya, oo Hindi ako nagpaalam sa kanya kasi ayokong masaktan siya. Pero kahit galit siya sa akin walang pumalit sa puso ko kundi siya lang hanggang ngayon mahal ko parin siya-hik.." Naiiyak na naman ako di na nagsalita yung lalaki kaya tumahimik na rin ako.

I LOVE MY EX UNTIL THE END.(liskook)Where stories live. Discover now