chapter 5: Selos

16 3 0
                                    

Nagising nalang ako na naramdaman ko ang lambot ng hinihigaan.

Nagtataka ako kung nasaan ako ang alam ko lang ay uminom ako sa bar "oh my gosh nakita ko kagabi si Jason" panaginip lang ba ang lahat pero di ko maalala ang nangyari kagabi tuwing inaalala ko sumasakit lang ang aking ulo.

Sino kaya nagdala sakin dito baka naman si Wendy.

Tumayo ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Kumain ka muna dito bago ka umuwi." Yung boses na yun kilalang kilala ko kahit di ko pa nakikita yung mukha niya dahil nakatalikod pamilyar siya sakin.

Pagkaharap ko nakita ko si Jason na kumakain na, ibig bang sabihin nasa condo niya ako totoo bang nakita ko siya kagabi. Ahhhh! ang sakit ng ulo ko.

"Umupo ka na dito bago ka umuwi." Sabi niya at pumunta na ko sa kaharap niyang upuan. Naiilang ako kasi yung titig niya ay walang kaemo- emotion,, tatanong ko ba siya kung anong nangyari kagabi.

"Yung nangyari kagabi wag mo munang isipin sasakit lang yang ulo mo." Naunahan niya magsalita ibig sabihin may sinabi ako sakanya ahh!

Nang matapos na kaming kumain binigyan niya ako ng damit tsaka dumaretso ako sa banyo.

Wala man lang siyang sinabi na kung ano ano.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ko nakita ko naman siyang nakabihis na din.

Oo nga pala may pasok pa kami uuwi pa ko para magbihis.

Nang makasakay na kami sa kotse niya pinagbuksan niya ako nang pinto oo sweet siya ngayon sana huminto yung oras na magkasama kami.

Nang nakapasok na rin siya masakit sa tenga ang katahimikan wala man lang kahit isang nagsasalita sa aming dalawa. Kaya inunahan ko na siya.

"Ano bang nangyari kagabi?" Di ko na mapigilang mag tanong sa kanya. Di siya nagsalita nakatingin lang siya sa daanan.
"Jason sorry." Tumulo na yung luha ko tumingin siya sakin pero inalis niya agad.

Andito na kami sa bahay lumabas ako tsaka dumaretso sa kwarto ko.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na ko pagkalabas ko nakita ko si Jason kasama yung kaklase namin na si Marielle masaya silang dalawa habang naguusap.

Lumapit ako sa kanila at pareho silang napatingin sa akin.

"Marielle sabay ka na samin papunta na rin kami sa school eh." Sabi ni Jason ang sakit kasi iginaya niya pa si Marielle papuntang loob kaya sumakay nalang ako ng magisa.

Habang nasa loob kami ng kotse ay nag uusap silang dalawa ni Marielle.

"Sabay tayo mamaya maglunch ah." Sabi ni Marielle, tumango lamang si Jason. "Ikaw Dianne may kasabay ka na ba mamaya maglunch?" Tanong sa akin Marielle, bigla akong napatingin Kay Jason na daretso parin ang tingin sa kalsada.

" ah o-oo kasabay ko mamaya si Mark." Nauutal na ko kasi halatang nakikinig si Jason.

Nakarating kami sa school ng sila lang ang nag uusap nauna na akong nag lakad alam ko kasi na magkasabay na silang dalawa eh.

Nasa loob na ko ng classroom ng wala pa sila ang sasaya ng mga kaklase ko di ko alam kung bakit.

"Girl nabalitaan mo nililigawan ni Jason si Marielle."
"Oo nga eh bagay talaga silang dalawa."

Di ko nalang sila pinansin nasasaktan kasi ako twing binabangit sila ni Jason at Marielle alam nagpapatanga na lang ako na babalikan pa ako ni Jason alam kong wala na kong pag asa.

Dumating sila ng masaya yung mga kaklase ko naman ay tinutukso silang dalawa tinignan ko si Jason nakangiti ng napabaling sa akin ngunit inalos niya rin agad.

Oo tama si Wendy kailangan ko ng mag move on kasi alam kong di na niya ako babalikan tatanggapin ko na lang ang lahat kahit mahirap kahit pa na masakit basta't alam kong masaya siya.

Pero bago ang lahat gusto kong mapatawad niya muna ako pagkatapos nun parang wala na lang ang lahat ng mga alaala na yun.

I LOVE MY EX UNTIL THE END.(liskook)Where stories live. Discover now