PROLOGUE

177K 2.5K 47
                                    

PROLOUGE

Nakangiting bumaba si Kara mula sa eroplanong sinakyan niya mula New York. Masaya siya na pagkalipas ng walong taon, naka-uwi din siya sa Pilipinas.

Naglakad si Kara papuntang waiting area. Napangiti siya ng maluwang ng agad niyang makita ang Mommy, Daddy at Kuya Den niya. May hawak itong malaking placard na nakasulat ang pangalan niya at may ‘welcome home’ sa ibaba. Iwinagayway ng Mommy niya ang kamay habang may malapad na ngiti sa pisngi ng makita siya.

Nilukob ng kakaibang saya ang puso siya habang tinititigan ang mukha ng pamilyang minahal siya kahit hindi naman siya kadugo ng mga ito. Inampon siya ng mga mommy at daddy niya ng mamatay ang kanyang tunay na ama at ina sa isang plane crash. Kaibigan ng mga ito ang tunay niyang mga magulang, kaya naman ng mamatay ang mga ito, at nalamang wala siyang ibang kamag-anak, inampon siya ng mga San Miguel. Anim na taong gulang palang siya ng ampunin siya ng mga ito, at nagpapasalamat siya sa panginoon na may mabubuting tao na umampon sa kanya. Mahal na mahal niya ang umampon sa kanya na parang tunay na mga magulang. Binihisan at pinag-aral siya ng mommy at daddy niya. What more could she ask for? Parang tunay na anak na rin ang turing sa kanya ng mga ito at masaya siya. Ni minsan hindi siya itinuring ng mga ito na hindi kapamilya. Siguro nakatulong din na ninong at ninang niya ang mga ito para magtiwala siya ng wagas.

Nuong una ayaw niyang tumira sa bahay ng mga San Miguel na nakabase sa New York, pero naki-usap ang ninang niya na mommy na niya ngayon sa kanya na manatili siya kahit isang linggo lang, at kung ayaw talaga niya pagkalipas ng isang linggo, ihahatid siya nito sa isang bahay ampunan. She was reluctant to say yes. Pero naisip niya na wala naman mawawala sa kanya kung susubukan niya at ayaw din niyang mapunta sa bahay-ampunan.

Wala na siyang pamilya. Ang isang linggo pananatili niya ay naging isang buwan at naging dalawa … tatlo… apat… at ng mag-isang taon siya sa poder nito, tuluyan na siyang tumira sa bahay ng mga ito at pinalitan ang apelyido niya. Mula sa De Guia ay naging San Miguel.

Napakabait sa kanya ng Kuya Den niya. Ito ang nag-iisang anak ng mga San Miguel at matanda lang sa kanyang ng dalawang taon. Itinuring siya nitong isang tunay na kapatid. Masyado itong protective sa kanya pagdating sa mga lalaki. Natutuwa siya na kahit hindi siya magkadugo, mahal na mahal siya nito na parang tunay na kapatid.

Nakatira siya sa New York mula ng ipinanganak siya. Doon kasi nakatira ang mga magulang niya bago ang mga ito namatay. She’s half-Filipino and half-american. Kahit pa sa Amerika siya lumaki, marunong siyang managalog dahil tagalog ang ginagamit ng mga magulang niyang lengguwahe sa bahay nila. Sa NYU siya nag-aral at nagtapos sa kursong Fashion designing. Halos buong buhay niya, hindi pa siya nakakatapak sa bansang Pilipinas. Hindi siya umuwi para magbakasyon nuong nag-aaral pa siya dahil sa tuwing bakasyon, pumupunta ang mommy at daddy niya, pati na rin ang kuya niya sa New York para doon mag-bakasyon, kaya naman hindi niya nakilala ang relatives ng umampon sa kanya.

Eighteen years na rin ang lumipas mula ng ampunin siya ng mga San Miguel.  Mahal na mahal niya ang mga ito. Pero siyempre, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, nakakagawa ka pa rin ng bagay na nagbibigay sa kanila ng sakit ng ulo.

     And I’m not Kara San Miguel if I’m not stubborn and pain in the ass.

     “Kara!” Sigaw ng Kuya Den niya habang iwinawagayway nito ang placard. “Welcome home!” Sigaw ulit nito na ikinatawa niya.

“No need to shout, Kuya Den. I’m right here in front of you.” Wika niya sabay yakap sa Kuya niya.

“I’m just happy to see you.” Anito.

“I know.” Sabi niya ng pakawalan na siya nito.

Niyakap naman niya ang kanyang mommy. “I miss you, mom.” Then she moved to hug her father. “Miss you, dad.” Dalawang buwan rin ang lumipas mula ng makita niya ang mga ito.

Forbidden Romance (Published)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang