CHAPTER 2

97.9K 1.7K 21
                                    

CHAPTER 2

     Nagmamadaling tumayo si Kara mula sa pagkakahiga sa kama ng makarinig siya ng malakas na katok.  Inayos muna niya ang kanyang sarili at tumingin sa salamin bago niya binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

“You should have let your self in, dad. Hindi naman ako naglo-lock ng pintuan basta umaga e.” Wika niya sa kalmadong boses.

“Kara, are you okay?” Tanong ng daddy niya sabay hawak sa noo niya. “You seem different.” Patuloy nito.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng daddy niya. “Dad, I’m still me. Nothing’s change.”

“I know that you’ve been into a party last night.” Wika ng daddy niya na ikinawala niya ng imik.

Huli na siya pero nunkang aamin siya. “Party?” Nagkunwari pa siyang nagiisip. “I’m in my room all night, dad.” She said pressing her lips together.

“Kara, you know that I hate liars.” Napakaseryoso ng boses nito, at alam na ni Kara ang ibig sabihin ‘non.

“I’m telling the truth.” Pagsisinungaling niya.

     “Kara.” Mariin ang boses nito.

Alam na ni Kara ang mangyayari kapag umamin siya. She swear, isang mali niya ngayon ay bulyaw ang mapapala niya sa daddy niya. Laging wina-warningan siya ng Kuya Den niya pagdating sa pag-uugali niya pero matigas talaga ang ulo niya, hindi siya nakikinig.

“Hindi talaga, dad.” Pagsisinungaling ulit niya.

     “Damn it, Kara! You’re already twenty-six but you still act like a kid! I know what you did last night!” Napakataas na boses ng dad niya, in fact, sumisigaw na nga ito. Nakatingin lang si Kara sa sahig habang nagsesermon naman ang dad niya. “When are you going to grow up?” Mas mahina na ang boses ng dad niya sa mga sandaling iyon.

Tumingin siya rito. “Dad, look…” Bumuntong hinga muna siya bago nagsalita ulit. “I partied last night and I’m sorry I sneaked out.”

     “Yan! You’re always saying sorry when you did something wrong, but you don’t actually mean it.”

     “I’m sorry, dad.”

     “Really!?”

     “Yeah.”

     “What if napahamak ka last night sa pag uwi mo?”

“I have my own car.”

     “Yes, you have! Kung nadisgrasya ka, paano namin malalaman?”

     “But I’m okay now, dad. Wala namang nangyaring masama sa akin.”

     He sucked a breath in so much frustration and frowned at her. “It’s pointless talking to you.” Wika nang dad niya at lumabas na ito ng kwarto niya.

Bumuntong hinga nalang siya at isinara ang pintuan ng kwarto niya, umupo siya sa couch na malapit sa bintana na nakaharap sa gate ng bahay nila at nag-isip kung anung gagawin sa buhay niya. She knew she can’t be like this forever, besides, tama ang dad niya, she’s twenty-six pero wala siyang magandang career at wala siyang magandang future.

Hindi naman siya aasa lagi sa pamilya niya at dedependi nalang sa mga ito habang buhay, she needs to work at dapat mag seryoso na siya sa buhay katulad nang mga kaibigan niya, mga successful at siguradong maganda ang buhay in the near future at para narin maging proud ang kuya niya sa kanya at para narin hindi na siya nasisigawan nito at nasesermonan palagi.

Napaigtad si Kara ng marinig niya ang tunog ng phone niya, kinuha niya ito sa side pocket ng denim short niya at sinagot ang tawag. “Oh, ano nanaman kailangan mo?” Iritadong tanong niya ng makitang si Shane ang nasa kabilang linya.

Forbidden Romance (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon