Chapter 13 - Taehyung

1.5K 60 2
                                    

Alam kong hindi si Taehyung ang lalaking kakaalis lang. Hindi ko alam kung bakit mabilis ko siyang nakilala. Gusto kong mainis sa kanya dahil sa nangyari noong huli naming pagkikita pero nang makita ko ang mga mata niya, nakaramdam ako ng kagustuhang alamin kung ano ang bumabagabag sa kanya.

Bago ko pa sila nakilala sa personal, matagal ko nang sinusubaybayan ang BTS. Mahal ko ang lahat ng members nito. Bilang ARMY, para sa'kin ang happiness ng BTS ay happiness ko rin. Ang success nila ay success ko rin. Ang downfall nila ay downfall ko rin. At ang heartbreak nila ay heartbreak ko rin.

Ano kaya'ng dinaramdam ni Suga kanina? Bakit nag-iisa rin siya sa terrace nang ganitong oras? Tila ba gusto niya ring mapag-isa matapos ang mahabang araw na ito. At ang mga mata niya, sinasalamin din nito ang lungkot na nararamdaman ko. Pero bakit?

Nalulungkot din ba ang mga bituin?

Nanatili lang ako nakatayo sa terrace paharap sa pinaggalingan niya. Gusto ko siyang sundan. Gusto kong malaman ang nasa isip niya. Kahit ako ngayon si Park Lee-ah, ang puso ko ay puso pa rin ng isang ARMY, gusto kong protektahan ang BTS. Gusto ko silang protektahan.

Subalit, halos sampung minuto na akong nakatayo doon pero hindi na bumalik si Suga. Siya pala ang nasa katabi naming room, na-realize ko. Si Taehyung kaya, nasaan?

Muntik na akong mapatili sa gulat nang biglang may lumipad na kung anong kulay puti sa tapat ng mukha ko. Bumagsak ito sa paanan ko. Eroplanong papel? Agad ko itong pinulot at luminga sa paligid. Wala namang tao maliban sa'kin. Bumalik ba si Suga?

Napansin kong may nakasaulat sa papel kaya binuklat ko ito at binasa. Para akong hihimatayin nang mabasa ang pangalan sa baba ng note: KIM TAEHYUNG.

Annyeonghaseyo, Lee-ahssi! Gusto mo bang mamasyal saglit?

-Kim Taehyung

Naramdaman kong may tao sa likuran ko kaya agad akong napalingon. Biglang lumukso ang puso ko nang makilala ang lalaking nasa kabilang terrace. Nakangiti ito gamit ang square smile niya. Nagmistula siyang aparisyon sa paningin ko dahil sa suot niyang white sweater.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react kaya napayukod na lang ako bilang pagbati. Hindi ko akalaing nasa kabilang room lang si Taehyung at sa kabila naman kay Suga.

Parang namahika naman ang mga paa ko dahil sa ngiting ito ni Taehyung at kusang naglakad papalapit sa kanya. Nang makarating sa railings ng terrace, 'tsaka ko lang na-realize na nakalapit na rin pala siya kaya halos isang metro na lang ang layo namin ngayon sa isa't isa. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Tara?" pabulong niyang sabi.

Hindi ko na kailangang sumagot, ngumiti na lang ako at mabagal na tumango. Literal na kumislap ang mga mata ni Taehyung nang lalo pa itong bumungisngis.

"Hintayin kita sa may garden," anito at mabilis nang tumalikod.

Naiwan akong nakatanga sa bakanteng terrace. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kani-kanina lang. Totoo bang niyaya ako ni Taehyung mamasyal? Hindi kaya namamalikmata lang ako? Mga ilang segundo rin akong nakatayo lang dito at nang maalala ang hawak kong papel, binasa ko ulit ito.

Annyeonghaseyo, Lee-ahssi! Gusto mo bang mamasyal saglit?

-Kim Taehyung

Oh my God! Totoo nga. Hindi ako nananaginip lang. Niyayaya ako ni Taehyung na mamasyal saglit. At sa mga sandaling ito, naghihintay na siya sa'kin sa may garden nitong hotel sa baba.

Kumakabog ang dibdib ko habang maingat na pumasok sa loob ng kwarto para magbihis. Hindi dapat magising si Shower-unnie. Nadaanan ng mata ko ang wall clock at napansing alas tres y media na. Kumuha ako ng black hoodie jacket at black face mask sa maleta, mabilis na isinuot at nagmamadaling bumaba ng building.

Trapped in an A.R.M.Y's Dream [WATTYS 2019 Winner]Where stories live. Discover now