Chapter 15 - Suga

1.4K 61 15
                                    

"Tungkol sa isang girl group member na nakikipag-date daw sa isang senior group."

"Ano?!" sabay na bulalas nina Shower-unnie at Cloudy-unnie.

OH MY GOD! 

"Anong agency daw?"

"Ewan ko lang," sagot ni Sunshine-unnie. "Tingnan natin sa meeting."

"Ah, Shower-unnie," tawag ko. "Itong charger mo, iwan ko ba dito?"

Sabay-sabay silang napatingin sa'kin. Ngumiti ako nang napakaluwang, sobrang luwang na halos malapit na sa pagiging peke at alam kong alam nila 'yon. Agad kong pinagsisihan ang pagbago ko ng topic. Napagkit ang tingin ko kay Shower-unnie na napansin kong nanlalaki ang mga mata.

"B-bakit?" nakangiti ko pa ring tanong.

Napansin ko ang dahan-dahan na pagdilim ng mga mata ni Shower-unnie. Huminga ito nang malalim. Hindi ko maipaliwanag pero tila ba nakita ko sa ekspresyon ng mukha niya ang dagling pag-usbong ng ideya at agad na pag-kumpirma sa kung ano man ang nasa isip niya. Ngumiti siya sa'kin.

"Dalhin mo na lang," aniya at tumingin sa mga kasama namin. "Tara na. Naghihintay na 'yon si Ms. Jendi."

Habang nasa meeting, hindi ako mapalagay. Hindi ako makapag-focus sa mga sinasabi ni Ms. Jendi ngayon sa harapan dahil sa nararamdaman kong kakaibang kaba sa dibdib ko. Pero bakit nga ba ako natatakot? Hindi naman ako sigurado na mayroon nga akong kinalaman sa issue na 'to. At isa pa, hindi naman ako nakikipag-date sa kahit sino. Pero iba pa rin ang kabog ng puso ko. Bakit ba ako nagi-guilty?

"Gaya ng palagi kong sinasabi sa inyo, girls," simula ni Ms. Jendi. "We always need to be careful with our actions. Hindi tayo dapat madawit sa kahit ano mang issue lalo ngayong nagsisimula pa lang tayong mag-build ng pangalan."

"Ne," sabay-sabay naming sang-ayon.

"Sa ngayon, no specific names have been released regarding the dating controversy," patuloy ng aming manager. "Pero lumalabas na from SM Entertainment ang senior male group member pero 'yong girl group ay hindi pa confirmed."

"So, it means, Ms. Jendi, confirmed nang from SM ang lalaki?"

"It seems so," sagot nito. 

"Eh, hindi po ba kaka-release lang ng Dispatch about kay Kai ng EXO and Jennie ng Blackpink months ago?"

"Yes. And we know well enough na hindi gano'n kaganda ang naging impact sa fans. Nahati sila. May pro at anti."

"So, Ms. Jendi, ano pong kinalaman namin dito?" tanong naman ni Cloudy-unnie, ang siyang pinaka-prangka sa'ming apat.

"Well, good question. "Tumingin muna si Ms. Jendi sa'kin nang mga ilang sandali bago iniisa-isa kaming apat. "Like what I've always told you before, lagi tayong maging maingat sa mga kilos natin lalo ngayong medyo mainit ang mga mata ng media at fans sa dating lives ninyong mga idols. Dahil hindi pa confirmed ang girl group member na dawit sa issue, mas doble ingat dapat kayo."

"Ne. So, it means isa kami sa mga possible targets ng issue?"

"Correct. Pwedeng isa sa inyo ang madawit, totoo man o hindi. Tuso ang media, mabilis namang kumagat ang mga fans." 

"Ne," sagot namin at sabay-sabay na natahimik. Pare-pareho kaming nalunod sa iniisip ng bawat isa.

Jusko! Bakit ang lakas ng kalabog ng dibdib ko? Sumasakit na rin ang sintido ko sa stress. Bakit ba ako masyadong apektado? Parang na-confirm na rin namang sa SM Entertainment nga ang isa sa mga sentro ng issue at hindi galing sa Big Hit. At kaya kami pinatawag sa meeting ay para ma-inform lang kami tungkol sa issue at bilang warning na rin na mag-ingat kami. Kaya hindi ako dapat kabahan.

Trapped in an A.R.M.Y's Dream [WATTYS 2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon