Chapter 26 - Forgotten Memories

1.2K 43 2
                                    

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang tinawid ang isang metro naming pagitan at mabilis na ikinulong sa dalawang palad ang mukha ko.

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang sa isang iglap ay maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa nakaawang kong mga labi!

Oh. My. God.

Hinalikan ako ni Suga!

Hindi ako makakilos sa sobrang gulat. Parang napakabilis ng mga pangyayari. Hanggang sa nakalayo na si Suga mula sa'kin pero nakatunganga pa rin ako sa kanya. Nakatingin lang siya habang tila naghihintay ng reaksyon ko. Napapikit-pikit ako at dahan-dahang lumapit ang mga kamay sa sariling mga labi. Lumunok ako at napatitig sa lalaking nasa harapan ko.

Nakatingin lang si Suga sa'kin at nakakunot ang noo. Hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala sa naganap. Taranta akong luminga sa paligid. Baka may nakakita sa ginawa ni Suga! Baka nakita kami ni Taehyung!

"Lee-ahssi," tila hindi nakatiis na tawag ni Suga sa'kin.

Dalawang ulit pa niyang binanggit ang pangalan ko bago ko napagtantong kinakausap niya pala ako. Wala pa rin sa sariling napatanga lang ako sa kanya.

"B-bakit mo ginawa 'yon?" bulalas ko nang sa wakas ay mahanap ko ang aking dila.

"Bakit?" naka-ismid na tanong ni Suga. "First time mo ba?"

Lumapit ulit ito na agad na nagpaatras sa'kin. Tumigil naman ito nang mga kalahating pulgada ang layo mula sa kinatatayuan ko. Nakakailang ang pagkakatitig niya sa'kin. Ngunit hindi ko maiwasang mapansin na tila ba kahit siya mismo ay nagtataka sa kinikilos ko. May iba ba siyang inaasahang reaksyon mula sa'kin?

"F-first time?" ulit ko.

Bigla kong naalala si Taehyung at ang nangyari sa Ferris Wheel. First time ko bang mahalikan? Hindi ko sigurado pero--

Napakunot ako nang makita ang pag-ismid ni Suga at pagkatapos ay mabagal na napailing. Kinagat pa nito ang ibabang labi niya at humakbang ulit ng isa pa. Napaatras naman ako hanggang sa maramdaman ang pagtama ng mga paa ko sa poste sa likod ko. Wala na akong maatrasan. Itinaas ko ang dalawang palad ko at iniharang sa dibdib niya. Ano'ng nasa isip ng lalaking ito? Bakit niya ginagawa ito sa'kin?

"Sa tingin ko, first time mo nga," anito at humakbang pa ulit ng isa hanggang sa halos wala nang pagitan ang kinatatayuan naming dalawa. Itinaas nito ang kanang kamay papunta sa pisngi ko na agad ko namang tinapik.

"Ano ba'ng ginagawa mo, Suga-sunbae?"

"Bakit?" tanong nito na nakaismid pa rin. "Nagde-date na rin naman tayo ah. Normal lang kung---"

"Sino'ng nagsabing nagde-date tayo?" inis kong putol. "Masyado mo naman yatang siniseryoso ang lahat! Nakalimutan mo na bang pagpapanggap lang ang lahat ng ito?"

Saglit na gumuhit sa mukha ni Suga ang tila pagkagulat sa sinabi ko. Nawala ang nakaismid niyang mga labi at napalitan ng pagtiim ng mga bagang. Tumalim ang titig nito at sumingkit ang mga mata.

"Uuwi na ako," sagot ko at mabilis nang tumalikod.

Kailangan ko nang makaalis dito! Parang wala sa sarili si Suga ngayon. Lasing yata ang lalaking ito. Kailangan ko nang makaiwas sa kanya. Baka nasa paligid lang si Taehyung at makita pa kaming dalawang magkasama ng kanyang hyung. Ayokong mag-isip si Taehyung ng kung ano. Hindi ko papayagang mag-isip si Taehyung na may inililihim ako sa kanya. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo, naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Suga sa braso ko.

"Ikaw ba talaga 'yan, Park Lee-ah?"

Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. Bigla akong kinabahan sa tanong ni Suga. Alam ba niyang hindi ako ang totoong Lee-ah? Hindi ako nakasagot at nakatitig lang sa kanya. Pilit kong binabasa ang mukha niya kung may alam ba siya sa totoo kong pagkatao.

Trapped in an A.R.M.Y's Dream [WATTYS 2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon